Chapter 37: He Changed a Lot

291 14 1
                                    

Chapter 37: He Changed a Lot

KYLIE’S POV

“YOHANNA! GISING NA! MALELATE NA TAYO!” sigaw ni kiara habang niyuyugyog ako.

“oo na , babangon na!” sabi ko habang kinakamot ang ulo ko

“bakit ba kasi ang hirap mong gisingin?” pagtataray ni kiara

“ayokong pumasok, tinatamad ako” sabi ko habang tumayo sa kama

“WHAT! Are you crazy? Its periodical day!!!” sigaw ni kiara. Nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki ang aking mga mata. Bakit ngayon pa yan nangyari, pwede naman kapag nakarecover na ako ahh

“sige na papasok na ako” dali dali akong nagayos at dinala ang mga important notes

Nang makapasok na kami, wala ng masyadong estudyante sa corridor kasi late na talaga kami. Tumakbo na si kiara. Habang ako tamlay na naglalakad. Papasok na ako sa room ng nakatingin lahat ng mga classmate ko sa akin pati si mam

“why are you late?” sabi ni mam

“ma’am sorry, nalate po ng gising” sabi ko habang nakayuko. Ayokong Makita nila ang namumugto kong mata

“kung ako ang teacher , I will not consider that as a good excuse” napalingon ako sa nagsalita. Bakit ganyan siya?

“mam I hope you understand” sabi ko na lang at tumango si mam. Nakita ko na iba iba yung seating arrangement

“oo nga pala ms. Manrique , doon ka sa tabi ni mr. Cervantes, ngayong periodical test lang naman” sabi ni mam habang nakangiti. Nakita ko na nagalala sa akin sila ash and gab. Umupo na agad ako pero nakita ko si six na hindi ako pinansin

“get a scratch para sa solving” scratch? Papel? Patay wala akong dala

“hmm six pwedeng manghingi ng papel?” tanong ko pero tiningnan niya lang ako ng masama at inalis niya din ang tingin niya sa akin

“sige thanks na lang” sabi ko. Bakit ganun siya, parang isang papel lang tss ang damot. Naaalala ko na naman yung time na binigyan niya ako ng papel, bigla naman akong napangiti habang inaalala yun.

“bakit ka pa pumasok kung wala ka man din naman palang dalang papel? Estudyante ka ba o baka naman pumapasok ka lang para makahanap ng bibiktimahin mo?” seryoso niyang tanong.

“hindi ko alam ang sinasabi mo” naguguluhan kong tanong

“CLASSMATES!! PAHINGI DAW NG PAPEL ANG ISANG TOH , KAWAWA NAMAN KUNG WALANG GAGAMITIN!” sigaw niya sa klase, at binigyan naman ako ng isa naming kaklase. Kailangan niya bang ipagsigawan na wala akong papel

Habang nagsasagot kami , wala akong masagot! Hindi ako nakapagreview, alam kong may utak ako pero not this time. Iritang irita ako kaya puro BWISIT ang nasasabi ko ngayon

“pwede ba manahimik ka nga , hindi ako makapagconcentrate dito” pagsusungit ni six!

“hindi ko kasi alam ang sagot” pagdadabog ko

“sinong may kasalanan, bago kasi lumandi magaral muna ng mabuti” panggigigil niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya, ngayon ko lang narinig sa kanya yung ganung salita. Ganyan na ba siya kagalit sa akin

“hindi naman ako –“

“shut up please!” sabi niya. Nangingilid na yung luha ko. Bakit ganito siya? Hindi ko na siya kilala.

Habang pinapasa namin yung test paper, tinawag ako ni mam dahil isang number lang yung nasagutan ko.

“is there any problem kylie? Anong nangyayari sayo?” tanong ni mam

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon