Chapter 38: Worst Feeling Ever

258 14 0
                                    

Chapter 38: Worst Feeling Ever

KYLIE’S POV

Bago ako pumasok , I opened my laptop and search HOW TO CONFESS A FEELINGS TO A GUY , habang naghahanap ako ng tamang strategy kung paano ako nagconfess sa kanya mamaya biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si kiara

“what’s that?” tanong ni kiara pero nagkibit balikat lang ako

“OMG , magcoconfess ka na kay kuya six? Are you deadly serious?” tanong niya

“mahal ko talaga siya” then I sighed

“alam mo kung mahal mo talaga siya, then sabihin mo lang kung ano yung nararamdaman mo. Kausapin mo siya with all of your heart” sabi niya

“paano kung gawin niya yung ginawa ko sa kanya?” tanong ko

“then accept it! Kung siya nga , natanggap niya kahit pinahiya mo siya sa harap ng maraming tao , dapat ikaw din” sabi niya

Siguro nga tama si kiara. Kahit anong mangyari kailangan kong masabi sa kanya na mahal ko siya. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o natatakot. Paano kung hindi na niya ako mahal? Ako naman ba ang magmumukhang tanga? Ako naman ba ang aasa sa taong hindi na ako mahal?

Papasok na ako at nakita kong nakaupo na siya sa pwesto niya. Tinignan ko siya pero hindi niya ako pinansin. Habang nagklaklase sa kanya lang ako nakatingin. Magrerecess na pero wala pa rin akong naintindihan sa tinuturo dahil siya lang ang nasa isip ko

*KRIIIINNGG*

Recess na! dali dali kong niligpit ang gamit ko at nakita ko na lumabas na siya.

“SIX!” sigaw ko pero hindi pa rin niya ako nililingon

“six! Hintay may sasabihin ako sayo” sabi ko pero parang hindi niya ako naririnig. Nakita ko na papunta kami sa field

“SIX!! ANO BA! NARIRINIG MO NAMAN AKO DIBA?” sigaw ko at lumingon siya sa akin. Kahit madaming tao ang nakatingin sa akin okay lang

“ano bang problema mo?” sabi niya

“IKAW! Ikaw yung problema ko alam mo yun” sabi ko habang nangingilid ang mga luha ko

“ako?” then tinuro niya yung sarili niya

“oo ikaw! Bakit ba ganyan ka na sakin? Alam mo bang sa ginagawa mong yan , namimiss na kita! Hindi mo ba alam na sa paglayo mo sakin , lagi kong hinahanap yung time na sasabihan mo ako ng BABE, yung aasarin mo ako, yung tatanungin mo ako kung INLOVE NA BA AKO SAYO” sabi ko habang pumapatak yung mga luha ko

“bakit kung tatanungin ko ba ulit sayo yun , iba na ba ang isasagot mo?” tanong niya

“OO! MAHAL KITA! Hindi mo ba nararamdaman yun? Hindi mo ba napapansin na MAHAL NA KITA! Ikaw nga yung taong kinamumuhian ko , yung taong lagi akong inaasar, yung taong sobrang yabang pero pesteng puso toh nahulog ako sayo. Nahulog ako sa gagong tulad mo! Ayaw ko man maramdaman toh pero wala na akong magagawa kasi MAHAL NA KITA. Gusto mo akong mahulog sayo diba? Pero bakit hinayaan mo akong mahulog sayo kung hindi mo naman pala ako sasaluhin” sabi ko habang umiiyak at bigla siyang lumapit sa akin

“mahal mo ako? sana matagal mo ng sinabi yan. Sorry hah hindi na kasi kita mahal ngayon” mas lalong umagos ang luha ko sa mga sinabi niya.

“mahal mo pa ako diba? Kaya mo pa naman akong bigyan ng second chance? Nagbibiro ka lang diba? Mahal kita six” sabi ko

“hindi na kita mahal kylie” tipid niyang sabi

“sorry , akala ko kasi mahal mo pa ako. Nagbabakasakali lang naman ako na mahal mo pa ako. Wag ka magalala , mahal pa lang naman kita, hindi pa naman MAHAL NA MAHAL. Ang sakit pala mareject ng taong mahal mo. Inlove na nga ako sayo kaso mukhang tinapos mo na yung laro natin kaya ako heto talo” sabi ko habang umiiyak

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon