Chapter 25: Meeting de Avance
KIARA”S POV
Honestly naawa na ako kay yohanna. Pero dahil sa katangahan niya kaya ako naiinis sa kanya. Mahal niya kuya vince, oo nirerespeto ko yun pero kailangan talaga ipamukha niya kay kuya sixto at sabihin na KUYA SIXTO IS NOTHING TO HER?. She’s so cruel right?
Hindi ko din alam kung bakit galit na galit siya kay kuya sixto, wala naman ginagawa sa kanya. Nagiba siya, sobra! Ganyan ba talaga nagagawa ng pagibig?
Dahil sa mga nangyayari at kahit masakit sasabihin ko na labas na kaming tatlong bubwit sa malupit na laro ng tadhana kaya magkakaroon kami ng meeting de avance ngayon na magaganap sa starbucks. Ano ba paki niyo eh sa im craving a choco frappe!!!
“HOY kanina pa ba kayo jan? sino kasama niyong dalawa?” tanong ko kay cyrus at sky. Umupo na ako at nakita kong pinagtitinginan nila ako dalawa
“what do you think? Obviously kami lang dalawa tska yung driver” sabi ni cyrus the great but I rolled my eyes on him
“duhhh ang panget ng reasons mo! By the way nagpunta tayo dito para sa isang mahalagang meeting” I leaned my arms on the table
“ano na naman ba yan leigh? Lagi ka na lang nagpapameeting , wala naman ding nangyayari!” pagiiritang sabi ni skyler
“gaga , makinig ka muna kase, sabat ng sabat parang putakteng hindi matigil ang bunganga” pambabara ko sa kanya
“ok shut up! Were listening ok?” sabi ni cyrus
“were setting them free” malungkot kong sabi, nakita ko yung mukha nila na gulat na gulat
“WHAT!!! But I love ate kylie” sabi ni cyrus
“AKO DIN!!! I LOVE HER SO MUCH” sabi ni sky
“pwede ba , minimize your annoying voice, ang OA niyo” sabi ko habang nakatakip ang kamay ko sa tenga ko
“panong hindi kami magrereact? Leigh naman ehh” pagbubugnot ni sky
“pwede ba? Tingin niyo papatulan kayo ng ate ko? Bansot kaya kayo!” sabi ko then I rolled my eyes
“bansot? What’s bansot?” tanong ni cyrus
“ay tanga lang , it means maliit!!!” sabi ni sky kay cyrus
“alam niyo guys , napagisip isip ko din naman kasi that , we are not meant to be for them. At naisip ko na mas may magandang idea” then I wiggled my eyebrows
“ANO?” sabay nilang tanong
“ako na lang ligawan niyo para mas masaya” sabi ko habang nakangiti ng malawak
“ha? Hindi ko narinig leigh. Wag mo na lang ulitin para mas maganda” sabi ni sky
“what? I cant understand tagalog, but don’t worry I don’t care about you’ve said” sabi naman ni cyrus at nagkatinginan silang dalawa
“sabihin niyo , ayaw niyo lang sakin kasi masyado akong maganda para sa inyo!” sabay talsik ng laway ko
“yuck eww , your saliva leigh!!!” sigaw ni cyrus
“tama na nga , deal na lang ako sayo leigh kahit masakit para sakin uhuhuh” ang drama ni sky
“me too , but give me a reason kung bakit ako papayag” sabi naman ni cyrus
“gaga , hindi mo ba alam na magulo na ang mga nangyayari. Makikigulo pa ba tayo sa kanila? Naaawa na nga ako sa ate ko tapos dadagdagan pa natin” sabi ko sa kanilang dalawa
Natapos na yung malawak naming usapan at nagkasundo kami na kakausapin si kuya sixto at yohanna. Hindi na namin papatagalin ito. Mas nasasaktan kami kasi magpaparaya kami WAAAHHH
Nandito kami ngayon sa tapat ng room nila yohanna at hinihintay silang dalawa , nakita ko na rin siya at sakto nasa likod niya si kuya sixto
“KUYA SIXTO!! YOHANNA!!” sigaw ko at hinatak ko sila cyrus at sky papunta sa kanila
“leigh , masakit ito para sa amin akala mo ba?” sabi ni sky
“me too leigh , it really hurts! Ayoko pa siyang pakawalan” sabi ni cyrus at halatang nalulungkot silang dalawa
“akala niyo ba , this is easy for me? No!! pareho tayong nagmamahal ng maling tao kaya kailangan natin silang pakawalan” sabi ko , masakit na!!!!
Nakita ko si kuya sixto at kylie na nasa harap namin. THIS IS IT
“ohh bibilang ako ng hanggang tatlo ahh” bulong ko kay sky and cyrus then tumango sila, tumingin kami kila yohanna at seryoso pareho ang mukha nu
“1…2…3” bilang ko
“were setting you free” paglalambing na sabi naming tatlo. Then we pouted.
Nakita ko na ngumiti silang pareho.
“talaga baby? You’re setting me free?” tanong ni kuya sixto sa akin
“yup , alam mo naman na labs na labs kita and I know naman na hindi mo ako mahal huhuhu” then I pouted. He hugged me at may binulong siya sakin
“buti ka pa alam mo ang halaga ko sa buhay mo” then I saw his face. Malungkot siya at halatang may dinadalang problema. Tumayo siya at umalis na. Nakita ko din na kinakausap nila cyrus si yohanna. Hindi naman sila masaya niyan, tawa ng tawa >_<
KYLIE’S POV
Nakakatuwa yung mga bata kanina. Ang cute nilang magset free ahahaha. Sa edad nilang yun , alam na nila yung salitang magparaya. Malamang si kiara nagsabi nun, alam naman natin na mas marami pang kalandian ang alam nun kaysa sa akin
“hoy kiara , ikaw nagturo kila sky and cyrus nun noh?” tanong ko kay kiara habang nasa kusina kami
“well isn’t obvious? Buti nga at ginawa namin yun” pagtataray niya
“bakit ang taray mo? May problem ba little sister?” tanong ko at umupo sa tabi niya
“wala naman akong problema , pero si kuya sixto meron” then she rolled her eyes
“ano naming paki ko sa kanya? maganda yung marami siyang problema” sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya
“alam mo ewan ko sayo, siguro mas bagay talaga sayo yung nabasa ko kanina sa tumblr” napakunot noo ako sa sinabi niya
“GO FOR SOMETHING THAT MAKES YOU HAPPY NOT FOR WHAT YOU THINK IS THE BEST. BECAUSE NOTHING ELSE IS BEST THAN YOUR TRUE HAPPINESS” natahimik ako sa sinabi niya at napatitig na lang sa kanya
“ang tanong yohanna. Masaya ka ba talaga kay vince?” hindi ako nakasagot sa tanong niya , sa halip ay tumayo ako at naglakad papalayo sa kanya
“sabi nga nila , FOLLOW YOUR HEART AND YOU WILL FIND YOUR TRUE HAPPINESS”
Mga salita ni kiara hindi ko alam kung saan nagmumula pero isa lang masasabi ko, halatang nagaalala siya sa akin. Masaya nga ba ako kay vince? Oo naman kasi gusto ko lagi siya ang kasama ko. Kapag kasama ko siya masaya at kinikilig ako. Mahal ko siya diba?
Hindi niyo ako masisisi kasi first time kong mainlove. Hindi niyo ako masisisi kung nakakasakit ako ng damdamin ng ibang tao dahil sa pagmamahal. Lahat tayo nagmamahal at alam niyo ang pakiramdam ko. Kapag nagmahal ka gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo. Mahal ko si vince pero maraming tao ang ayaw sa kanya para sa akin. Lagi nilang kinekwestyon ang pagmamahal ko kay vince. Masama bang magmahal ng taong kaibigan lang ang turing sayo?
BINABASA MO ANG
Destiny's Game
Teen FictionDestiny? lahat tayo meron niyan. But what if pinaglalaruan lang pala kayo ng tadhana? Na yung akala mong FOREVER ay isang GAME lang pala ni tadhana? Paano kung maging complicated ang buhay niya because of love? Mapipili niya kaya yung tamang lalaki...
