Chapter 54: Defending Our Love
KYLIE’S POV
Nagulat kami ng lumapit sa amin si ash at parang hinihingal pa..
“bestie, si Bianca nasa may clinic, lasing na lasing” sabi ni ash kaya dali dali kaming pumunta sa clinic. Bakit naman siya naglasing? Pagkapasok namin, nakita namin siya na nakaupo at kung ano ano ang mga pinagsasasabi. Sobrang lasing na siya
“ohh kayo pala lovers” sabi niya sa amin ni six kaya napaupo kami sa sofa habang siya nakaupo sa may bed
“ano bang ginawa mo?” tanong ni six
“uminom malamang. Alam niyo, bagay naman talaga kayo.. sorry hah kung ngayon ko lang sinasabi toh pero ayun ang totoo. Naiinggit nga ako sa inyo kasi ang saya saya niyo samantalang ako malungkot at nasasaktan” sabi ni Bianca
“alam kong ayaw mo sakin Bianca pero hindi mo kailangang maghiganti” sabi ko
“no kylie… gustong gusto nga kita para kay six” nagkatinginan kaming lahat sa sinabi niya..
“ang alam ko bakla, kapag lasing – nagsasabi ng totoo” sabi ni gab
“gusto kita para kay six kasi nararamdaman ko na mahal niyo ang isat isa. Bumalik ako hindi dahil gusto ko siyang balikan, bumalik ako kasi may dapat akong gawin kahit ayaw ko. Hindi ako ang gustong maghiwalay sa inyo. Ayokong manggulo sa inyong dalawa pero kailangan ko yung gawin para sa mahal ko..” nagguluhan kami sa sinabi ni Bianca kaya tahimik kaming lahat para makinig sa kanya
“sino yung mahal mo?” tanong ko sa kanya
“ayokong sabihin pero wag ka magalala, hindi si six yun. NAKIPAGKASUNDO AKO SA ISANG WALANG PUSONG TAO. Ginamit niya ako para siraan kayo, alam niyo panakot niya sakin? Yung sirain ang buhay ko at buhay ng taong mahal ko. Napakatalino niya, naggawa niya akong kontrolin. Naggawa niya akong gawing sunud sunuran. Kapag hindi ko daw siya sinunod, mawawalan kami ng malaking share sa kompanya namin” sabi niya at nakahiga na sya sa sobrang hilo
“sino siya Bianca?” tanong ni six
“demonyo siya… wala siyang puso… ms antagonist kung tawagin siya. Lahat ng nangyayari sa inyo, siya ang may pakana. Mayaman siya, sobrang yaman kaya wala akong laban sa kanya. SHE’S A BLACK DEMON IN WHITE DRESS. Nagtatago siya sa likod ng magagarang damit.. SIYA SI…. SIYA SI….” Hindi niya natuloy ang sasabihin niya kasi nakatulog na siya
“hindi siya?” tanong ko kay six
“bakla, sino yang mystery girl na yan?” tanong ni gab
“wala akong alam, ikaw six may alam ka?” tanong ko kay six
“wala” nakita ko siya na nakatulala at parang may iniisip
That night was a huge revelation. Sino yung babaeng yun?
ANTAGONIST’S POV
How pathetic right? Umaayon sa akin ang tadhana. Know me? Nahh hindi ako magpapakilala sa inyo hanggat hindi ako nananalo sa larong inumpisahan ko. Its my game and I know no one can defeat me. I love playing with their feelings. Yung hindi nila inaasahan na ako na pala yung sumisira sa kanilang lahat. Masyadong exciting ang laro na ito para sa akin. Magpakasaya lang kayo kasi sa susunod mas malala pa ang kaya kong gawin jan.
Hindi lang si Bianca ang kaya kong paikutin at gamitin. Maraming tao ang nakukuha sa pera.
“so papayag po ba kayo?” tanong ko sa isang babae
“bakit hindi, kung ayon ang makakabuti sa kanya. Proprotektahan ko siya sa mga bagay na makakasama sa kanya” sabi niya
“good, gusto kong pahirapan niyo si kylie and make sure na maghihiwalay sila” sabi ko and we make a deal.
BINABASA MO ANG
Destiny's Game
Novela JuvenilDestiny? lahat tayo meron niyan. But what if pinaglalaruan lang pala kayo ng tadhana? Na yung akala mong FOREVER ay isang GAME lang pala ni tadhana? Paano kung maging complicated ang buhay niya because of love? Mapipili niya kaya yung tamang lalaki...
