Chapter 26: The Problem
KYLIE’S POV
He’s sweet , he’s caring , he’s protective , he’s humble , he’s nice , he’s gentleman , he’s my everything but im just a friend to him. Naaalala ko na naman yung text niya sa akin kagabi. Araw araw hindi ako nawawalan ng pangalan niya sa inbox ko. Araw araw may nasesave ako na text niya. A sweet text that made me inlove with him. Mga text na nakakapagpaalala sa akin na may isang taong mahalaga sa buhay ko
“I may not be the perfect guy for you , but I will make sure that I will be the best thing you ever had in your life”
Simpleng text lang yan. Hindi natin alam kung GM ba yan o PM pero kahit ano pa man yan, kinikilig ako. Hindi ko maiwasang magassume kasi araw araw akong nakakatanggap ng mga ganyang text sa kanya.
Nabalik ako sa kasalukuyan ng biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si kiara na malungkot at parang may problema
“si kuya piolo nasa baba” agad naman kaming bumaba at nakita ko si piolo sa sofa at halatang may problema. Lumapit kami sa kanya at umupo sa tabi niya
“is there any problem kuya piolo” pagaalalang tanong ni kiara
“a big problem” tipid na sagot ni piolo
“hoy pinsan , emote ka na naman! Ano ba yung malaking problema?” then tumingin siya sa akin at halatang malungkot
“aalis na sila joyce papuntang America. Its just a shit kasi ayaw akong pakawalan ni Chelsea!” sabi niya at sinabunutan ang kanyang buhok
“GOD! Sabi ko na nga ba! Iba yung ugali ng Chelsea na yan , halatang hindi mapagkakatiwalaan!” sabat ni kiara
“ayaw ko naman talaga sa kanya at first. Pinagpupumilit niya yung sarili niya sa akin, hanggang sa masira niya yung relasyon namin ni joyce. Hindi ko alam kung paano nangyari yung ganun. Ngayong nakikipaghiwalay ako sa kanya pero ayaw niya. Sabi niya hindi ko daw magugustuhan ang gagawin niya kapag hiniwalayan ko siya” sabi ni piolo at umiiyak siya? Kapag ba nagmahal pati lalaki napapaiyak?
“ano bang pananakot yung sinabi niya?” tanong ko habang nakakunot ang noo
“marami daw masisira” masisira? Anong ibig niyang sabihin
“what did you do?” tanong ni kiara
“pinamukha ko sa kanya na hindi ko siya mahal. Lahat ng masasakit na salita sinabi ko sa kanya para tigilan niya na ako” sabi ni piolo
“so you make her life a hell?” tanong ni kiara
“yeah , she deserve it! After all what she did to us” sabi naman ni piolo
Natahimik ako sa sinabi ni piolo. Lahat ng masasakit na salita sinabi ko sa kanya? ginawa ko din diba yun? Ang pagkakaiba nga lang, ako yung babae at siya naman ay lalaki. Ganun na ba talaga nagagawa ng pagmamahal?
Pero hindi ko maisip kung ano yung sinasabi ni Chelsea kay piolo. Maybe panakot niya lang yun , hindi naman siguro magagawa ni Chelsea yun kasi mabait siya at kilala ko siya.

BINABASA MO ANG
Destiny's Game
Novela JuvenilDestiny? lahat tayo meron niyan. But what if pinaglalaruan lang pala kayo ng tadhana? Na yung akala mong FOREVER ay isang GAME lang pala ni tadhana? Paano kung maging complicated ang buhay niya because of love? Mapipili niya kaya yung tamang lalaki...