Chapter 20: A Very Special Day

349 14 2
                                    

Chapter 20: A Very Special Day

KYLIE’S POV

Papasok na kami ni kiara ng biglang sumalubong sa amin si pinsan. At iba yung aura niya ngayon, malungkot na ewan. Palapit siya sa amin ng walang sigla at halatang may problema

“kuya piolo , ang haggard ahh musta lovelife?” pasiglang tanong ni kiara pero nagkibit balikat lang si piolo at may binigay siya saking sulat

“ano to?” tanong ko ng may pagtataka

“excuse letter , masama pakiramdam ko ngayon, sige bye” then umalis na siya ng wala man lang siyang narinig na kahit ano mula sa amin

“anyare dun?” tanong ko kay kiara habang papasok ng kotse

“I don’t know, bakit sakin ka nagtatanong pareho lang tayong walang alam” sabi ko nga , may sinabi ba ko =_=

Nakarating kami sa school ng tahimik. Madaming iniisip at puno ng problema. Binigay ko na din yung excuse letter sa kaklase ni piolo. Balibalita nga na break na daw sila ni joyce. Wala akong alam pero malamang dahil kay Chelsea yun.

Nakarating ako sa room ng walang mga bubwit na humaharang sa akin. Buti naman at nahinto sila kahit ngayon lang. Nagulat ako ng nandun na si gab, ash at siya. You know who is he.

“good morning babe ^_^” bungad niya sakin mula sa upuan ko

“anong kinagood ng morning ko kung ikaw yung nakikita ko” pagtataray ko

“ang sakit naman nun babe, kahit ngayon lang sana wag mo kong sungitan” seryoso niyang sabi

“bakit ko naman gagawin yun?” then I raised my one eyebrow

“wala basta tandaan mo , soon maiinlove ka rin sakin. Nararamdaman ko na.” then he winked at me but I rolled my eyes at tumungo kila ash and gab

“hoy bakla , anong plano mo?” tanong ni gab dahilan ng aking pagtataka

“plano? Bakit may ano?” pero bigla silang natahimik at nagkibit balikat silang dalawa

“nakakabanas na naman si sixty three ngayon” sabay kamot sa ulo ko pero they just smiled at me.

“may napapansin ka ba kay papa sixto? Hindi siya mahangin ngayon nohh” napansin nila? Wala akong napapansin kaya napalingon ako sa lugar niya at nagsusulat siya, halatang seryoso ang mukha, iba ang aura niya ngayon at napangiti ako ng wala sa oras

“ano bang nakain at naging ganyan yan?” tanong ko kila gab pero nakatingin pa rin ako kay sixto

“well hindi namin sasabihin sayo , siya na lang daw yung magsasabi” then bumalik na kami sa upuan namin, habang naglelesson tinitignan ko lang siya at seryoso pa rin siya. Then napatingin siya sakin and he smiled sweetly, walang halong pagmamayabang o kahit ano pa man.

“kylie , gusto mo ng ice cream , libre kita” sabi ni sixty three bago pa ako makalabas ng room at nakita kong sincere siya sa pagaaya . Naalala ko yung sinabi sakin ni kiara kagabi “kapag si baby sixto nakita mong sincere , try mo siyang samahan baka sakaling Makita mo yung positive side niya” . naramdaman ko na lang na tumango ako

Nandito kami ngayon sa bilihan ng ice cream at tahimik. Awkward ngayon , nakakapanibago siya.

“salamat nga pala sa paglibre, buti hindi ka mayabang ngayon” pagbibiro ko and he giggled

“minsan lang ako maging ganito kaya sulitin mo na” then he smiled, ang saya niya yata ngayon

“ano bang meron?” sabay kain ng ice cream

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon