EPILOGUE

586 24 19
                                    

Here comes the epilogue....

Sana magustuhan niyo...

Votes and comments are highly appreciated :))

-------------------------------------------

EPILOGUE

BIANCA'S POV

Minsan akong nagmahal pero mas pinili kong maging mas masaya ang sarili ko kaysa sa ibang tao. Mas inuna ko ang pera at luho ko kaysa sa nararamdaman ng ibang tao. Hindi ko na naisip na nakakasakit na pala ako dahil mas pinili ko ang pera over love. Hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa pera, tulad na lang ng love. Lahat ng bagay pwede mong kontrolin pero hinding hindi natin mapaglalaruan ang pagmamahal.

Sa nangyari sa akin, mas pinili ko na malinlang at magpakontrol sa isang taong hindi ko inaakala na mas masahol pa sa demonyo. Dahil sa ginawa ko, nasira ko ang isang pagmamahalan. Dahil sa ginawa ko may nasaktan ako. Sa ginawa ko, mas nasira ko ang buhay ko. Hindi ako naging masaya sa lahat ng desisyon na nagawa ko. Nagpadala ako sa pera at binalewala ko ang pagmamahal na mas makapagbibigay sa akin ng saya.

Alam kong huli na ang lahat. Sa inaakala ko na maayos pa ang lahat kapag sinabi ko ang totoo pero hindi na pala kasi yung relasyon na ginugulo ko ay wala na ngayon. Nawala na yung pagmamahal na nakikita ko sa kanila. Naghiwalay dahil sa maraming hadlang. Hindi ko alam kung masaya ba sila pero isa lang ang nakikita ko. THERE'S NO SPACE FOR LOVE. Simula ng mawala si six, naging mapagisa na lang siya at walang iniintinding iba.  Tama nga sila, lahat naiiba ng pagibig. Masaktan ka man ng paulit ulit pero walang katumbas na sakit kapag iniwan ka na ng taong mahal mo

Dito ko natutuhan na salitang pagibig, madaling maging masaya pero hindi maiiwasan na magkaroon ng sakit at hirap. Sa pagibig, kahit anong itapat mo jan, walang makakapantay kahit pera. Basta nanjan ang dalawang taong nagmamahalan.

MELISSA'S POV (MOTHER OF SIXTO)

Pinagkait ko ang kasiyahan ng anak ko. Akala ko magiging masaya siya sa mga nagawa kong desisyon pero im wrong. Ako ang ina niya pero ako ang nagbigay ng sakit sa kanya. Sinaktan ko ang babaeng mahal niya. Hinadlangan ko ang pagmamahalan nila na dapat ay buo pa ngayon. Mas pinairal ko ang galit at pagkainggit ko kaysa pagmamahal. Inilagay ko ang nakaraan sa kasalukuyan kaya naging miserable ang lahat.

Natakot ako na baka masaktan ang anak ko dahil sa nakaraan. Natakot ako na ba mangyari ulit sa kanya ang nangyari sa akin. Mas nangibabaw ang salitang SELFISH  sa sarili ko kaya marami akong nasaktan. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lahat pero isa lang ang naiisip ko. Ang magsabi ng kapatawaran sa mga taong nalinlang at nasaktan ko.

Napatawad man ako pero hindi ko na mababalik ang lahat ng nangyari. I made my own son miserable and im regretting it.

VINCE' POV

Isa lang ang natutuhan ko sa mga nangyari... wag magmamahal ng sobra dahil kapag nasaktan ka, sobra ang sakit na mararamdaman mo. Nabulag ako ng pagibig. Akala ko maganda lang ang naidudulot ng pagmamahal pero hindi rin pala, may time na bubulagin ka nito hanggat maging selfish ka na. Nabulag ako ng pagmamahal, naging makasarili ako at hindi ko namamalayan na nasasaktan na pala ang taong mahal ko at ang sarili ko, Hindi ko alam na kinulong ko na pala siya sa puso ko kaya nasasaktan siya. I made myself obsessed. Hindi ko alam na nasasakal na pala siya

Akala ko okay lang ang magmahal pero sobra na ang nagawa ko. Sobra akong nadala ng emosyon ko kaya nawalan ako ng control sa sarili ko. Hindi ko alam na may nagkokontrol na pala sa akin at iyon ay ang sarili kong kapatid... si Chelsea ang nagkontrol sa akin

"hindi mo ako mahal" sabi ko sa kanya

"mahal kita kuya at ginagawa koi to para paghigantihan kita" sabi niya

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon