Chapter 44: A Fight Between Them And Us

303 14 0
                                    

Chapter 44: A Fight Between Them And Us

KYLIE’S POV

Masyado ng maraming nangyayari dito sa rest house. Hindi ko alam kung saan ba talaga magandang pumunta. Habang nagaayos ako ng gamit dito sa kusina, nakita ko na umupo si Bianca and Six sa may dining table and they look sweet again, hindi ako makatingin sa kanila dahil alam ko na masasaktan lang ako.

“para may thrill, mamayang gabi punta tayo sa parang gubat. Sabi nila marami daw multo dun, why don’t we try, then kung sino makabalik ng maaga then sila yung winner” excited na sabi ni Bianca

“huh ano kasi busy ako” pagdadahilan ko

“nahh, it’s a vacation then your busy? Are you crazy?” pagtataray ni Bianca then she rolled her eyes

“sige basta exchange partners tayo” sabat ni six. Nakita kong nanlaki yung mata ni Bianca.

“baby!! Kailangan ikaw yung partner ko” iritadong sabi ni Bianca

“can you please. Ikaw na mismo nagsabi PARA MAY THRILL” seryosong sabi ni six at sumangayon na ito pati si vince

“So eto ba yung plans mo para makuha sakin si six?” sabi ni Bianca habang sinusundan ako hanggang kwarto

“hindi ko naman ginusto diba? Siya yung nagsabi” sabi ko habang nagaayos ng mga damit ko

“but you like it kasi makakasama mo siya, I know, gagamitin mo lang yun para masolo mo siya!” pagmamaldita niya

“pwede ba Bianca, ayaw ko munang makipagtalo sayo” iritado kong sabi

“bakit ba kasi ayaw mo parng umamin na gusto mo lang siyang agawin sa akin” sabi niya

“hindi ko siya inaagaw sayo Bianca. Sadyang umaayon lang ang tadhana” then I smirked to her

“tadhana? Well kaya kong makipaglaro jan sa pesteng tadhana na iyan!” sigaw niya sabay walk out.

How crazy right? Hindi niya baa lam yung mga sinasabi niya? Sobrang obsessed niya na talaga. Hindi ko alam kung anong meron sa kokote ng babaeng yan at lagi na lang akong inaaway kahit wala naman akong ginagawang masama. KONTRABIDA! Ayan ang masasabi ko sa kanya.

“lalim ng iniisip natin ahh” sabi ni vince habang paupo sa tabi ko

“ang saya saya na naman nila” then I sighed deeply

“ganyan talaga siguro kapag mahal niyo ang isat isa, lagi kang masaya basta kasama mo yung taong mahal mo” sabi ni vince habang nakatingin kila Bianca at six na kumakain sa may dalampasigan

“ang damot ng tadhana sa atin noh” sabi ko habang nakatingin sa kanya

“minsan hindi naman tadhana ang madamot, kundi yung tao” seryosong sabi niya

“okay, I admit it madamot na ako sayo” patawa kong sabi sa kanya

“hindi ko masasabing madamot ka cause you appreciate my feelings” sabi niya then he gave me a sweet smile

“paano mamaya, kasama mo si Bianca, kasama ko si six” sabi ko

“okay lang basta wag ka lang sasaktan ng gagong yun” sabi niya habang nakatingin kay six

“kahit naman anong gawin niya, nasasaktan niya pa rin ako” malungkot kong sabi

“try mong magmove on, hindi nakakamatay” then he smirked but I hugged him as a friend

“ikaw talaga, you never failed to make me feel comfortable” bulong ko sa kanya

“cause I love you, at kahit masakit para sakin, kakayanin ko na marinig sayo kung gaano mo siya kamahal” bulong niya sa akin dahilan para maluha ako. This guy deserve a better girl. Hindi niya deserve ang masaktan. He don’t deserve me. Sana si vince na lang ang minahal ko.

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon