Chapter 53: A Set Up

296 12 0
                                    

Chapter 53: A Set Up

 

KYLIE’S POV

Masaya kami ni six at dahil sa nangyari naging mas matibay ang relasyon namin. Thanks to Bianca ahahah. Natatawa na nga lang ako kapag inaalala ko yung time na yun. Akala niya siguro mapaghihiwalay niya kami ni six, NEVER! OVER MY DEAD BODY!

Dahil busy ang lahat para sa gagawing party dito sa school, kami naman ni ash ay nagkwekwentuhan.

“ang busy ni bakla” sabi ni ash kay gab

“gusto ko na kasing magparty para makahanap ng boylalu” sabi ni gab

“so kayo ni six? Pupunta sa party?” tanong ni ash sa akin

“oo naman, hindi kami magpapahuli nohh” then I rolled my eyes

“edi kayo na yung magjowa!” sabat ni gab

“hindi ka na ba pinadadalhan ng sulat?” seryosong tanong ni ash

“hindi na, siguro nagsawa na” sabi ko sa kanya

“mabuti naman kasi hindi ko talaga alam kung anong balak ng babaeng yan sa inyong dalawa” sabi ni ash na halatang nanggigigil pa.

Tama.. hindi na nagpapadala ng sulat yung ms. Antagonist na yun. Hindi na din ako natatakot sa kung ano man ang mangyari.

“babe? Ano yung susuotin mo sa party?” tanong niya habang nasa isang bench kami at kumakain ng fries

“pink dress” sabi ko habang busy kumakain

“sige teternuhan ko na lang” sabi niya pero hindi ko pa siya nililingon dahil nakatingin ako sa fries na kinakain ko

“busy mo naman” sabi niya

“oo, gutom ako tska favorite ko toh” sabi ko habang nakatingin sa fries

“mas favorite mo pa yan kaysa sakin?” tanong niya at napalingon ako sa kanya and I gave him a what look

“pagkain ka ba?” tanong ko sa kanya

“hindi, pero kapag ako ang pinili mo lagi kang busog sa pagmamahal, wala pang bayad – meron pala! Yung kiss” sabi niya sabay pout pero hinampas ko lang siya

“ayoko, masyado kang matamis, baka magkadiabetes ako” sabi ko sabay kain ng fries

“sige na nga, natatakot kasi ako baka ipagpalit mo ako sa fries” sabi niya

“nako nako, masyadong matampuhin si boyfie” then I hugged him

“nakakapagtampo kasi” sabi niya

“pati ba naman yung fries pinagseselosan” sabi ko sa kanya

“fries naman yung pinili mo, dun ka na” sabi niya

“ikaw kaya yung pipiliin ko, kasi naman pwede mo akong ibili ng fries kahit gaano kadami, pwede mo ako ibili ng kahit anong pagkain” then I wiggled my eyebrows pero nagulat kami ng Makita namin ang mama niya kaya napatayo kami

“ma ano ginagawa mo dito?” tanong ni six kay tita Melissa

“pumunta ako para sunduin ka kasi may lalakarin tayo pero hindi lang pala yun ang kailangan kong ipunta dito” sabi ni tita Melissa

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon