Chapter 43: Trip To Boracay

281 14 0
                                    

Chapter 43: Trip To Boracay

KYLIE’S POV

Nagaayos ako dahil aalis kami papuntang boracay ni vince. Pero hindi lang siya yung kasama ko pati na rin si SIX AND BIANCA. Alam niyo kung paano nangyari yun?

FLASHBACK

Nandito kami ngayon nila ash sa may bilihan ng icecream dahil may event dito sa school namin. Habang kumakain kami, hindi maiwasang pagtinginan ako ni ash and gab at iyon ay aking ikinabahala     

“anong problema niyo?” pagtataray kong tanong

“mahal mo pa ba siya?” tanong ni ash habang nakakunot ang noo

“hindi” tipid kong sagot habang nilalantakan ang ice cream ko

“Words are easy to say and much easier to lie, but actions are hard to do and much harder to deny” sabi ni gab at biglang nagapir silang dalawa

“kayo ba mga kaibigan ko? Parang okay lang sa inyo na nasasaktan ako ahh” pagsusungit kong tanong pero hindi na sila nakapagsalita ng biglang dumating si vince

“ohh bakit ka nandito?” paggulat kong tanong

“ayaw mo ba? Sige alis na lang ako” paalis na siya ng hinatak ko siya pabalik sa amin

“di na mabiro! Alam ko naman na pwede yung OUTSIDER ngayon” patawa kong sabi

“papa vince, bakit nandito ka? Yayayain mo ba akong magdate?” paglalandi ni gab

“ahahahaha ikaw yayayain niya magdate? Mahiya ka naman sa balat mo gabrielle andy!” patawa na sabi ni ash

“hmm yayayain sana kita kylie , magboracay” sabi niya habang nakalagay ang kamay sa batok niya

“SIGE GO AKO JAN!” sigaw ni gab

“gaga bakla, ikaw si kylie? Ikaw si kylie? makaGO akala mo siya inimbitahan” sarkastikong sabi ni ash “PWEDE SUMAMA?” pahabol niya, akala ko ba tss

“mahiya nga kayong dalawa! Vince sige pwede naman ako” sabi ko habang nakangiti

“sige sa sabado hah, mga tatlong araw lang naman” sabi niya habang nakangiti ng malapad

“ano yung sa sabado?” sabat ni Bianca kasama si six. Nangaasar ba siya?

“ahh yung sa boracay” walang ganang sabi ni vince

“WOW, baby! Sama tayo sa kanila, I think mas masaya kung tayong apat, right?” ikaw lang siguro yung masaya BIANCA!

“ahh ano kasi –“ naputol yung sasabihin ko ng kinausap niya agad si vince

“so can we join vince?” tanong ni Bianca kay vince. Pero vince looked at me first

“jan mo ipakita yung sinasabi mong, hindi ka na apektado” bulong ni gab sa akin

“SIGE SUMAMA KA NA KUNG GUSTO MO!” iritado kong sabi kay Bianca but she just rolled her eyes

“ayun naman pala, baby sama tayo huh. Sabado yung rinig ko right? Here’s my calling card vince” then Bianca gave a calling card to vince. May pacalling card pang nalalaman, arte!

END OF FLASHBACK

SO AYUN na nga, kaya kasama sila dahil sa epal na babaeng yun. Ihagis ko siya sa dagat mamaya Makita niya hinahanap niya! Narinig ko na yung doorbell at alam ko na si vince nay un. Dali dali akong bumaba pero nakita ko si kiara na nagbubugnot

“yohanna!! Bakit hindi ako pwedeng sumama” then kiara pouted

“kasi bawal bata doon” sabi ko then I pinch her cheeks

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon