Chapter 27: He’s Confessing
KYLIE’S POV
Habang nagaayos ako ng gamit para pumasok na , nakatanggap ako ng isang text from vince
“I’ll talk to you later. Sa field niyo before lunch time.”
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa text niya. Nakakapanibago din kasi walang sweet sa text niya. Nagexpect naman kasi akong si tanga kaya ayan nasaktan ka na naman kylie! Hanggang sa pagpunta sa school, yung text pa rin ni vince yung naiisip ko.
Hindi ako mapakali. Parang may mangyayaring hindi maganda. Gusto kong isipin kung ano yung sasabihin niya. Baka ayaw niya na akong maging kaibigan? O baka isa ito sa plano ni Chelsea, na sinasabi ni piolo? Ayoko gumawa ng hypothesis noh kailangan pumunta ako dun mamaya para makausap siya
“HOY BAKLA! Kanina ka pa tulala! Anyare sayo?” sabay upo ni gab sa tabi ko
“kakausapin daw kasi ako ni vince. Ewan ko pero parang kinakabahan ako” sabi ko na halatang kinakabahan
“ano naman ngayon? Lagi naman kayong naguusap huh?” tanong ni ash
“oo nga pero iba talaga pakiramdam ko ngayon” sabi ko habang hindi mapakali sa upuan ko
“ano ka ba bakla! Ang likot mo, try mong kumalma” then gab rolled his eyes
“panong hindi ako kakabahan, iba kasi yung text niya ngayon” sabat ko naman
“ano naman ineexpect mong text niya? Yung may I LOVE YOU? O yung may MISS NA KITA? Ganon?” tanong ni ash at nakapangalumbaba siya
“I admit it , ganun yung mga gusto kong text niya. Pero alam ko naming hindi pwede yun. Pero sweet kasi lagi text niya sakin nitong mga nakaraang araw ewan ko ba ngayon” pagtataka kong tanong
“sweet text? Gusto mo araw arawin niya? Ano kayo magjowa? Friendship masyado ka na yatang nahihibang sa lalaking yan” sabi ni gab sa akin
“magagawa niyo mahal ko siya” pagtataray ko
“mahal ka ba?” sabay nilang tanong at binigyan ko lang sila ng death glare
Habang nagklaklase hindi ko maiwasang isipin yung text ni vince. Oo ako na excited kasi makikita ko na naman siya. Lumingon ako sa tabi ko at nakita kong seryoso siya. Ibang iba na siya kumpara dati. Wala na akong naririnig na tumatawag sa akin na BABE or hindi naman kaya ay yung nagyayabang. Minsan nakakamiss din yung Gawain niya
“may problema ba?” seryoso niyang tanong sa akin at napatingin naman ako sa board kasi nakatitig ako sa kanya kanina
“bakit naman ako magkakaroon ng problema?” pagtataray kong tanong
“hanggang ngayon ba naman , ganyan ka pa din sa akin? Hindi ko talaga alam ang problema sayo kylie, ang hirap mong intindihin” sabi niya at napalingon naman ako sa kanya
“ako? Mahirap intindihin? Baka ikaw? Pinapakita ko lang naman kung ano ba talaga yung nararamdaman ko ahh” sabi ko habang tinuturo ang sarili ko
“bakit ako ba hindi?” then he looked at me seriously
“pwede ba tigilan mo na ako! Lagi ko na lang sinasabi sayo yan hah. Gusto mo bang iumpog pa kita para magising ka lang sa katotohanan na ayaw ko sayo!” sabi ko sa kanya
“kahit iumpog mo man ako ng sampung beses , wala kang magagawa kasi gising na gising na ako. At kahit anong pagtataboy mo sakin , hindi ako susuko” then humarap na siya sa board
Ang tigas ng bungo niya!
Recess pa lang at hindi na ako mapakali. Gusto ko ng puntahan si vince pero alam kong mamaya pa kami magkikita. Bakit ganyan yung oras , kung kailan masaya ka tska bibilis, kung kailan naghihintay ka tska naman bumabagal! Nakakabanas na ahh
![](https://img.wattpad.com/cover/10009965-288-k57518.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny's Game
Teen FictionDestiny? lahat tayo meron niyan. But what if pinaglalaruan lang pala kayo ng tadhana? Na yung akala mong FOREVER ay isang GAME lang pala ni tadhana? Paano kung maging complicated ang buhay niya because of love? Mapipili niya kaya yung tamang lalaki...