Chapter 42: Their Sweet Side

330 15 0
                                    

Chapter 42: Their Sweet Side

KYLIE’S POV

Lagi kong naaalala yung katagang sinabi niya sa akin kahapon. Mga katagang nagbigay linaw sa akin na hindi niya na talaga ako kailangan sa buhay niya.

“PAHALAGAHAN ANG NANDIYANG AT KALIMUTAN ANG NANGIWAN”

Triple yung sakit nung sinabi niya yan. Akala ko yayakapin niya ako kahapon. Akala ko sasabihin niya na mahal niya din ako pero mali ako. Mas pinili niya pa rin si Bianca kahit nasasaktan na ako.

“yohanna?” tanong ni kiara habang nakahiga ako sa kama ko

“hmm nagpapahinga ako kiara” sabi ko habang nakatalukbong ako ng kumot

“wag mo nga akong gawing tanga, if I know umiiyak ka lang” sabi niya at hinahatak yung kumot ko

“tanghali ngayon, I need a rest” sabi ko habang pinipigilan ang luha ko

“Sige nga aber! Kailan ka pa natutong matulog sa tanghali? You’re not a good liar yohanna” then inalis ko ang kumot at umupo sa kama.

Nakita ko na nagaalala siya sa akin. Hindi ko mapigilan yung luha ko at mas lalo itong bumuhos ng niyakap niya ako

“tignan mo namamaga na yang mata mo” sabi niya habang kumalas na yakap sa akin

“masakit na kasi” sabi ko habang lumuluha. Nakita ko na kinuha niya yung phone niya at parang may hinahanap

“Sabi sa tumblr, 3 steps to end your pain: Ctrl + Alt + Del – CONTROL yourself – look for ALTERNATIVE solution – DELETE the situation that cause your pain” medyo napatawa ako sa sinabi niya

“hindi ako nagbibiro kiara, nasasaktan na ako sa twing tinutulak niya ako papalayo. Nasasaktan ako kapag sinasabi niya na hindi niya na ako mahal. Nasasaktan ako kapag sinasabi niya na may mahal na siyang iba” sabi ko habang umiiyak

“do I look joking? Kaya nga sinabi ko sayo yun para mawala na yang sakit sa puso mo. Kung patuloy ka pa ring iiyak, walang mangyayari sayo. Tingin mo yohanna sa pagiyak mo, mamahalin ka ulit niya? Tingin mo sa pagiyak mo mawawala na yang sakit na nararamdaman mo?” seryoso niyang tanong

“hindi pero –“ hindi ako nakapagsalita ng bigla siyang sumabat

“hindi naman pala, bakit ka umiiyak? Kasi nasasaktan ka? Alam kong masakit kasi napapanood ko na yan sa mga palabas. Alam ko kung gaano kahirap yang sitwasyon mo pero sa ginagawa mong yan mas sinasaktan mo yang sarili mo. Sige nga define me gaano mo siya kamahal?” tanong niya habang nakacrossed arm

“I cant define you that” sabi ko at napakunot noo siya

“why cant? Akala ko ba mahal mo?” tanong niya

“mahal ko nga siya. I cant define kung gaano ko siya kamahal. Basta ko na lang naramdaman na mahal ko siya. Sa kanya ko natutuhan na sa love hindi mo madedescribe yung nararamdaman mo. Basta natulog ako na asar na asar sa kanya then pagkagising ko hindi ko namamalayan, mahal ko na pala siya” sabi ko

“so kung ganon pala, bakit hindi mo ipakita sa kanya na kaya mo kapag wala siya. Kaya mong maging masaya kahit wala siya?” tanong ni kiara

“hindi kaya ng puso ko na maging masaya kapag hindi siya ang nasa tabi ko” tipid kong sagot. Then kiara hugged me and kissed me on my cheeks

“alam mo yohanna, wala na akong magagawa kung ayan nararamdaman mo. Ayoko lang na nasasaktan ka, ayoko na may nananakit sayo, gusto ko ako lang!! Pero kung kaya mo siyang ipaglaban, kung kaya mo pang iparamdam na mahal mo siya, then do it. Just always remember na nandito lang ako sa tabi mo” then he hugged me tightly. That’s the sweet side of my little sister.

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon