Chapter 30: He's Courting Me

358 14 0
                                    

Chapter 30: He’s Courting Me

KYLIE’S POV

Its been a  while since pinagisipan ko ang sinabi ni six! Tama nga ba siya na dapat payagan ko na si vince na manligaw sa akin. Mahal ko siya at mahal niya ako, wala naman sigurong masama doon. Pero bakit kailangang ko pang magisip ng ganito.

Nagtext ako kay vince at sinabing magkita kami sa park ng mall. Siguro its time para maging masaya ako sa piling ng taong ---- mahal ko….. :/

“VINCE!!!” sigaw ko habang patakbo sa kanya at bigla niya akong niyakap

“I miss you so much” he said sweetly at binitawan niya ako. umupo kami sa swing at dun nagusap

“wag mo sanang isipin na niloloko lang kita. Totoo yung nararamdaman ko para sayo , simula pa lang” sabi niya habang nakatingin sa lupa

“mahal mo ba talaga ako?” tanong ko

“higit pa sa inaakala mo” sagot niya habang nakatingin sa akin

“alam ko naman yun ehh” then napangiti kaming dalawa

“ibig mong sabihin—“

“oo pumapayag na akong ligawan mo ako” then a smile formed on his lips and hugged me like there’s no tomorrow

Parang kailan lang pinapangarap ko siya. Parang kailan lang kinikilig ako kapag kasama siya bilang kaibigan. Parang kailan lang hindi ko siya kilala. Pero ngayon , yung taong to hang magpapasaya sa akin.

Habang naguusap kami ni vince, masaya kami at mas lalo kong nararamdaman na talagang mahal niya ako. Hindi inaasahan nakita ko si sixto na naglalakad pero hindi siya dito nakatingin. Alam kong siya yun! Napatayo ako pero hinawakan ni vince yung kamay ko.

“may problema ba kylie?” tanong ni vince habang hawak ang kamay ko

“ano kasi vince , pupunta lang akong comfort room” pagsisinungaling ko at tumango na lang siya. Dali dali akong tumakbo at hinanap kung saan nakita ko si sixto. Pero madaming tao kaya hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin

Bakit ko siya hinahanap at  bakit ako nagsinungaling kay vince para sa kanya? kasi gusto ko siyang pasalamatan sa mga sinabi niya sa akin. Lingon ako ng lingon pero hindi ko siya nakita.

“ako bang hinahanap mo?” tanong ng isang boses mula sa likod ko. Agad akong napalingon and there’s a smile formed on my face. Tumango na lang ako bilang sagot

“sabi ko na nga ba , inlove ka na sakin” then he smirked. Napakunot noo ako sa sinabi niya, naasar na naman ako sa kanya

“bakit naman ako maiinlove sayo? FYI hinanap lang kita kasi I just want to thank you about yesterday” pagtataray kong sabi but he just grabbed me somewhere

“ano ba bitawan mo nga ako! hinihintay na ako ng FUTURE BOYFRIEND KO” i emphasize the word FUTURE BOYFRIEND KO….. but I think he didn’t heard it kasi naglalakad pa rin kami hanggang makarating kami sa bilihan ng ice cream

“ano to suhol?” pagtataray kong tanong habang binibigay sa akin ang strawberry ice cream

“hindi , I know its your favorite” then nagsmile siya habang hinawakan ang kamay ko at binigay ang ice cream pero I just stared at the ice cream

“malulusaw yan, bahala ka.. sayang naman” sabi niya sabay kain ng sa kanya

“pwede ba aalis na ako kasi naghihintay na si vince!” pasigaw kong sabi

“ayaw mo ba akong kasama?” seryoso niyang tanong at umiling ako

“sige tara hatid na kita sa FUTURE BOYFRIEND MO” seryoso niyang sabi.

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon