Chapter 35: Am I regretting?

278 15 0
                                    

Chapter 35: Am I regretting?

KYLIE’S POV

Kahapon lang nung pinahiya ko siya. Kahapon lang nung pinagmukha ko siyang tanga. Kahapon lang nung pinamukha ko sa kanya kung gaano ko siya kinamumuhian pero tama ba ang naging desisyon ko ngayong alam ko na sa sarili ko na IM FALLING FOR HIM. IM FALLING TO SOMEONE I HATE.

Papasok na ako ng school ng Makita kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Nakita ko din si ash and gab na papalapit sa akin. I smiled weakly and halatang nalulungkot din sila. Galit kaya sakin si ash?

“bestie , alam kong mali yung ginawa mo kahapon pero puso mo yan , may karapatan ba akong manghimasok” then she gave me a smile

“sorry, hindi ko kagustuhan yung nangyari kahapon. Nabigla lang ako” sabi ko

“iba ang nabigla sa sinadya. Girl alam mo ba kung gaano kasakit ang maging isang TANGA? Alam mo ba kung gaano kasakit marinig sa taong mahal mo na hindi ka niya mahal? Tagos yun hanggang sa puso” sabi ni gab habang naglalakad kami papuntang room

“gusto ko namang magsorry sa kanya” sabi ko ng nakayuko

“wag na bestie , baka hindi nya pa kayang harapin ka. Hindi mo nakita kung gaano siya nasaktan” ash said. Nakarating kami sa room pero wala pa siya.

“hindi mo ba nararamdaman o napapansin man lang na mahal ka niya? Ang tagal na kasi naming nagpapakita ng sign pero heto ikaw nagpapakabulag kay vince” sabi ni gab

“magulo ang isip ko noon, hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kaya nasasabi ko yun” sabi ko

“pero wala ka ng magagawa kasi nasaktan mo na siya” sabi ni gab at nakita namin na pumasok si six. Dere-deretso lang siya sa upuan niya ng walang nililingon na iba. Tinignan ko siya, gusto ko siyang lapitan at sabihin na PWEDENG ISA PA?

You know what makes people give up? Its when they gave their best and you still choose to hurt them” sabi ni ash

“hindi pa naman siya give up diba?” tanong ko

“ano ba sa tingin mo ang nangyayari ngayon? He’s giving up kylie , he said, he give up” sabi ni gab

Napatitig ako kay six, He’s cold. Ibang iba ang itsura niya ngayon. Ganon ko na ba siya nasaktan? Hindi ba pwedeng ibalik na lang yung kahapon para maitama ko ang mali ko

Nagumpisa na yung klase at values na naman namin. Naaalala ko yung debate namin about TO SEE IS TO BELIEVE. Parang lahat ng nangyari nagflashback sakin. Lahat ng pangaasar niya , lahat ng mga banat niya, lahat ng mga kanta niya. His voice, I really miss him being an ignorant one.

“Ms. Manrique , gusto mo bang ulitin ang tanong ko?” napatayo ako sa sinabi ni mam

“ano po yun mam?” mahina kong tanong

“Sa buhay mo , mayroon ka bang pinagsisisihan? At kung maibabalik yung oras na yun , ano ang gagawin mo?” sakto pa yung tanong ni mam. Bago ako sumagot napatingin ako kay six pero hindi siya nakatingin. I sighed deeply and answer

“kung tatanungin niyo po ako dati , iyon yung dumating siya sa buhay ko dahil alam ko noon sa sarili ko na sobra ko siyang kinamumuhian. Pero kung tatanungin niyo po ako ngayon , iyo yung sinaktan ko siya. Kung ibabalik ko yung time nay un , gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko at sabihing SANA THERE’S STILL A SECOND CHANCE” nagulat ako ng biglang nagsalita si six

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon