Chapter 39: New Girl in His Life

300 15 1
                                    

Chapter 39: New Girl in His Life

KYLIE’S POV

Papasok na ako ng school. Nakayuko ako dahil mugtong mugto ang mga mata ko. Nasaktan ako anong magagawa niyo. Masakit para sa akin ang mga nangyayari. Habang naglalakad ako may nakabungguan ko

“ouch! Ano ba hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo! Nakayuko ka kasi , try mong iangat ang ulo mo!” sigaw ng nakabanggaan ko

“sorry hindi ko sinasadya” sabi ko habang pinupulot ang mga gamit niya. Inabot ko sa kanya ang books niya, maganda siya pero ibang klase yung ugali niya.

“ahaha kaya naman pala nakayuko ka kasi namumula mata mo, did you cry?” then nakataas ang isa niyang kilay pero umiling lang ako

“sa susunod kasi titingin ka sa dinadaanan mo para wala kang naiistorbong ibang tao” then umalis na siya. Bago ba siya dito? Transferee?

Sinalubong ako nila ash ang gab at parang may problema sila.

“ohh bakit hinihingal pa kayo jan?” tanong ko pero nagkatinginan lang sila

“I think hindi mo pa alam” sabi ni ash

“ano yun?” then I gave them a weak smile

“magiging kaklase natin yung EX ni six” sabi ni gab. Nagulat naman ako at may namuong luha sa mga mata ko

“don’t worry , hindi ka niya magagalaw” sabi ni ash. Pumunta na kami sa room at halatang kinakabahan ako. Kaya ba hindi na niya ako mahal kasi bumalik na yung ex niya? Tama nga siguro yung sinabi ng mama niya na IM JUST ONLY A REBOUND

“class, pakikilala ko sa inyo yung new classmate niyo. Come in please” nagulat ako ng Makita ko yung babaeng nakabanggaan ko kanina. Is she the one? Napalingon ako kay six at halatang nagulat din siya.

“hi guys, im bianca garcia, from cross academy” then ngumiti siya sa amin.  Nakita ko na nakangiti din siya kay six. Hindi ko alam pero biglang napunta yung dugo ko sa ulo ko

“you may sit beside Mr. Cervantes” sabi ni mam. WHAT!! Magkatabi sila? Which means, may possibility na maging sila ulit kasi mahuhulog ang loob nila sa isat isa.

“don’t worry bakla, mas maganda ka diyan” sabi ni gab ng pabulong

“alam ko namang wala akong laban sa FIRST LOVE ni six” malungkot kong sabi

Habang nagklaklase , nakita ko sila na naguusap at parang ang saya saya nila. Nagpicture pa sila, parang mahal pa talaga nila yung isat isa. Hindi maiwasan na tumulo yung luha ko. Masakit pa lang Makita na masaya yung mahal mo sa piling ng taong mahal niya.

Ano ba naman ang panama ko sa FIRST LOVE niya? Isa lang naman akong rebound diba? Rebound na nagpakatanga at nahulog sa kanya.

“Miss Manrique stand up” sabi ni mam

“bakit po mam?” tanong ko kay mam

“dahil about pagibig ang lesson natin ngayon, alam naman natin na may ibat ibang klase ng pagibig. Para sayo may natutuhan ka ba sa salitang pagibig?” tanong ni mam, pero hindi naman ako nakinig sa kanya paano na ito! Napalingon ako kila six at nakatingin silang dalawa sa akin

“ma’am kung sa pagibig po, marami po akong natutuhan. Una po yung pagpapahalaga, kailangan din po nating suklian yung pagmamahal na binigay nila sa atin. Kahit na huli na yung lahat, kailangan mo pa ring iparamdam kung gaano mo sila kamahal” sabi ko habang nakatingin kay six

“mayroon ka bang alam na kwento tungkol sa pagibig?” tanong ni mam

“pinakanagustuhan ko po yung kay ROMEO AND JULIET. Even death they don’t give up the love they feel with each other. Kahit anong dumating sa kanilang pagsubok hindi nila iniwan ang isat isa. Kahit na nawala yung isa, may time na kapag kayo talaga ang para sa isat isa, gagawa ng paraan ang tadhana na kayo pa rin ang magkatuluyan” sabi ko sabay upo

Destiny's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon