Chapter 5 [2] - Bad
Halos mabasag na yung mga bintana at salamin sa lakas ng sigaw ko. Yung puso ko naman ay parang hinahagis sa Mars! Ang lakas ng kabog..
Oh God! Totoo pala yung six pack abs na 'yan. Wet look pa yung halimaw. Tanging towel lang ang suot n'ya. Infairness, napakahot n'yang tingnan habang may tumutulo na tubig sa buhok n'ya pababa sa gitna ng abs n'ya. Yuck! Ano bang pinag-iisip ko?!
"Kyaaa! Magbihis ka ang manyak mo!" sigaw ko sa kan'ya.
"Manyak?! Tama na yung pagtitig baka matunaw ako." baliwala n'yang sabi.
Agad naman akong nagreponse.
"Pwe! Ang pangit mo! Muk'a kang kargador!" pasensya s'ya, 'yan 'yung lumabas sa bibig ko. Muk'a s'yang kargador. Ang galing ko diba? Pero di naman talaga s'ya mukang ganun. Ayaw ko lang s'yang purihin, baka lumaki yung ulo.
"You're drooling.." sabi n'ya sabay sara ng pintuan. Naririnig ko pa ang mga tawa n'ya. Bwisit ka talaga!
You're drooling. Takte! Agad ko naman sinalat yung gilid ng labi ko. Pero pwede bang mag-mura? Shit lang! Wala naman! Walang'ya ka talaga! Asa kang maglalaway ako sayo!
Back to reality, medyo napakalma ko na din yung sarili ko sa liveshow kanina. Kadiri talaga! Nakaupo ako sa couch, may magazine dito sa glass table. Mas mabilis pa ata yung paglipat ko ng page ng magazine kesa sa pagkurap ko. Ganun talaga natetense ako. Ohmyghad!
Marami bang humahanga sa kanya dahil sa six pack abs na yun. Parang ang sarap sundutin! Totoo kaya yun? Yuck! Polluted na ng utak ko!
Alam ko magrereview kami. Halos mag iisang oras na kaming walang ginagawa dito.
Speaking of that freaking halimaw, kalalabas n'ya lang ng kwarto n'ya. Nakabihis na s'ya. Pag-artista ba gan'yan talaga pumorma? Hanggang sa bahay nakaporma? Duh hell! Naka-uniform pa ako, tss.
"Let's start." sabi n'ya tapos umupo sa single couch na kaharap ko. Bakit ba ako natetense? Halimaw kasi yung nasa harap ko.
"Anong subject ka nahihirapan?" tanong ko sa kan'ya.
"All" walang gana n'yang sabi.
"All? As in lahat?" nanlalaki pa ang mata ko sa sinabi n'ya. Bakit naman lahat? Hindi ba s'ya nag-aaral o nakikinig man lang? What kind of student he was?
"Obviously.." sabi n'ya. Bakit ganun ba s'ya sumagot? One word? Two words? Tipid magsalita? Eh hindi naman big deal ang pagsasalita. Ikakamatay n'ya ba pag nagsalita s'ya ng mahaba.
"Don't stare, I know I'm handsome but it's rude.." walangya!
"Kapal ng mukha mo!" sabi ko sa kan'ya. Ang hangin talaga dito. Sana liparin na ako para makauwi na ko. Nakakabwisit s'ya as in. Sa'n ba 'to pinaglihi ng nanay n'ya, sa semento kaya? Kapal eh!
"As'an notes mo? Bilisan natin ng makauwi na ko." pag-iiba ko ng topic. Baka kasi hindi kami makapagreview at makapatay pa ako ng di oras. Makulong pa 'ko.
"I don't have." sabi n'ya naman.
"Oy seryoso na kasi! Asan na mga notes mo?" baka kasi nagbibiro lang s'ya diba? P'wede ba 'yun walang notes?
"I. don't. have" inemphasize n'ya pa talaga ng mabuti ang bawat word sa sentence na 'yun. May bright idea naman akong naisip. Nakita ko yung school bag n'ya. Tumayo ako at kinuha yun at bumalik sa pagkakaupo ko sa harap nya.
Binuksan ko yung bag at nakita ko ang isang makapal na notebook. Or should I say isang binder. Kulay dark blue. Pati notebook mamahalin?
"Hey freak! That's mine!" sabi n'ya pa sabay agaw sa akin ng notebook.
BINABASA MO ANG
Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)
Teen FictionPublished under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two different worlds collide and find love. Princess Trish Lua is a certified bad girl. She always win an argu...