Chapter 35 - Huli Ka!

455K 10K 2.1K
                                    

Ptngna, lalaki yung author! May magcoment pa jan na 'miss', babanatan ko. Magaling lang ako gumawa ng PoV ng babae. Immune na, sa tagal ko ba naman sa watty. Kaka-1yr ko lang. Hahaha!

Chapter 35 Huli Ka! 

"Pa! Alis na ko!" paalam ko kay Papa. Naka-impake na lahat ng damit ko. Sapat na damit lang ang dinala ko. Baka kasi masabihan ako na masyado akong prepared.

Konting sunblock, shampoo, conditioner, face powder at kung anu ano pa. S'yempre may anti-mosquito, may alcohol at hand sanitizer din. Baka kasi maraming nakakadiring bagay dun. Kailangan maging ma-ingat.

Today is our outing with the wholesection. Ang saya diba? Kaso may mga panira na naman, nandoon na naman yung Elite5, yung maaarte kong kaklase, especially si Tiara. Bahala sila, basta ako mag-eenjoy.

"Pinaalis kitang buo. Bumalik ka sana ng buo Princess Trish.." sabi ni Papa.

"Si Papa naman.." kasi naman ginagawa ako baby. Malaki na kaya ako. Maganda pa.

"Basta huwag kang maglilikot doon. Huwag ka din mang-aaway. Huwag ka gaanong magpapa-araw. Huwag kang magpapawis. Huwag kang magnababad. Huwag kang magpakagat sa lamok. Huwag kang mag-vandal. Huwag kang lumangoy sa malalim. Huwag kang mag—"

"Papa naman! Ang dami namang bawal. ." napa-pout na tuloy ako. Lahat na lang ata ng pwedeng bawal ay nasabi n'ya na.

"Gusto ko lang na-safe ka. Sige, p'wede ka kumain ng marami. Pwede kang maligo sa dagat. P'wede kang tumakbo. P'wede kang magtampisaw. P'wede kang mag-shorts. P'wede kang mag—"

"Papa!" napasapo na lang ako sa noo Ko. Kanina puro bawal ngayon puro pwede. "Pa. . I'll be alright. Don't worry. Mag-iingat po ako. Malelate na po ko." yumakap na ako kay Papa.

Naramdaman kong hinahaplos n'ya ang ang maganda kong buhok, "Ok. Take care my princess." sabi ni Papa.

"Drama naman! Tsk!" may pa-epal na dumating. Sino pa ba? Si Tristan.

"Epal mo Tristan!" inirapan ko s'ya. Minsan na nga lang kami maglambingan ni Papa kung anu ano pa ang sinasabi. Masyadong kill joy.

"Sige. Ituloy n'yo na basta..." tumingin kaming dalawa ni Papa sa kanya. "... basta kasama ako!"

Yun nga, nag group hug kami. Epal kasi, yun lang naman pala ang gusto. Dapat sinabi n'ya na lang.

"So paalam na!" sabi ko kay Papa. Kinuha ko na yung isang suitcase ko. Pero nagulat ako ng kuhanin ni Tristan ang suitcase ko, "Ako na." sabi n'ya ng bukal sa puso.

"Taray! Naglelevel ang mahal kong kapatid. Anong nakaen? Ihahatid mo ko?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ba obvious. Tsk!" balik na naman s'ya sa pagiging badmood n'ya. Hay ewan ko ba sa mga tao ngayon, menoposal stage ata. Tsk!

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon