I heard most of you guys are shock because I can write such an extreme point of view of a girl. Well, I agree. It's hard for me to write in this way, I want myself to be challege as possible as I can. You know, I am ecstatic about it. I am writer, deal with it. I am a writer that's why I can handle switching into different Povs. Hi, I'm sweetadmirer. Nice meeting you girls! Once again, I'm a guy so stop calling me Miss. It's too fucking annoying. Get it?
--
Chapter 44 - Confusions
Pasado alas dose na noong nakarating kami ng Manila. Isinuot ko ang shades ko. Naghihintay sila Papa sa akin sa labas ng airport. Hila hila ko ang black and pink kong suitcase. Sa hindi kalayuan, nakita ko na kaagad si Papa na kumakaway sa akin.
Kaagad akong sinalubong ng magaling kong kapatid. "Thanks!" sabi ko sa kanya at inirapan ako. Si Papa naman ay niyakap ako kaagad. "Pa.. mamaya na lang! Clingy much? Haha!" natawa tuloy s'ya sa sinabi ko. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan ni Papa. Si Papa ang taga-drive, natatamad daw kasing mag-drive ang magaling kong kapatid
"Oy hah?! Di mo ba ako namiss?" pang-iinis ko kay Tristan. Tiningnan n'ya naman ako at parang nasusuka, "Ikaw nakakamiss? Sus. Asa ka naman!" sa sobrang inis ko sa kanya at nilapirot ko ang pisngi n'ya.
"Wahh! Ano ba! Mashaaket!" tawa lang ng tawa si Papa sa pagkukulitan namin. "Ano hindi mo ba ako namimiss? Sagot Tristan!" tanong ko na naman sa kanya.
"Hi- Oo na mimishh! Mashakeet!" daing n'ya. Binitawan ko naman yung pisngi n'ya. Tawa lang kami ng tawa si Papa. Si Tristan naman ay chineck yung pisngi n'ya sa salamin.
"Look at what you did! Kapag ito nagpasa! I swear gagantihan kita!" galit na sabi sa akin ni Tristan. "Papa oh. Look at Tristan!" pagsusumbong ko kay Papa. Tiningnan naman s'ya ni Papa. Natawa ako sa isip isip ko. Tumiklop ang mokong na 'to. Isang tingin lang pala ang katapat n'ya.
Nakarating na kami kaagad sa bahay. Maganda pa din as usual. Napalingon naman ako sa bahay nila Liam. Nasa bahay kaya s'ya? sa isip isip ko. The moment na nag confessed s'ya sa akin ay nabaliw na ako. Oh gahd, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nun. Para bang may kulang pa din, ang swerte at ang ganda ganda ko naman diba? Imagine, Russel Liam Ong? Isang sikat na artista ay nagsabing mahal ako? Hindi ko alam kung maniniwala ako. Basta alam ko na masaya ako kapag kasama sila.
Napahinto ako sa pag-iisip ng bungguin ako ni Tristan, "Ipasok mo 'yang gamit mo. Tss!" at iniwanan n'ya ako. Grabe, bakit ganyan ang kapatid ko? Napaka! Napaka-ungentleman! Hindi ko na s'yang nagawang awayin dahil prente s'yang naglakad habang nakapamulsa, feeling cool. Ugh!
NAGPAALAM na ako kay Papa na aalis muna ako at sasaglit ako kila Steph. Nagpaalam din ako kay Papa na hihiramin ko muna yung kotse ni Tristan. As usual, ayaw n'yang pumayag pero ano pa ba ang gagawin ng charm ko kay Papa? Edi bandang huli, ako ang nagwagi.
Naipark ko na ang kotse. Dali dali akong sinalubong ni Steph na todo naka-sunglass pa. Nandito kaming dalawa sa garden nila, "Oh my gahd! Oh my gahd! You're back huhubels!" niyapos n'ya ako. Pinalo ko naman ang kamay n'ya na nakaligkis sa akin.
"Pumasok na muna tayo. Alam mo 'yon? Ang init init!" pagtataray ko sa kanya. At ganoon na nga ang nangyari, pumasok na kami sa loob ng mansion nila at binaybay ang daan patungong kwarto n'ya.
BINABASA MO ANG
Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)
Teen FictionPublished under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two different worlds collide and find love. Princess Trish Lua is a certified bad girl. She always win an argu...