One week na ang nakalipas at masakit pa din sa akin ang lahat ng nangyari. Unang una, hindi kami magpapansinan ni Steph. Pangalawa, 'yung tinuring ko na mga kaibigan ay pinagtripan ako. Grabe sila, ganun na ba talaga ako kasama? Nabigla ako noong may kumatok sa pinto ng kwarto ko, "Nakaayos ka na ba?" tanong sa akin ni Tristan. Tipid akong tumango sa kanya.
Lumapit s'ya sa akin at umupo sa tabi ko. "I know you're depressed pero sana sa pag-alis natin bumalik ka na sa dati." he said-- comforting me.
"I'm not depressed, Tristan. Tigilan mo 'ko." sagot ko pabalik sa kanya. One week din akong nagkukulong dito sa kwarto ko. Hindi ko lang feel na lumabas at magsaya sa kalagayan ko ngayon. Feeling ko lahat sila ay iniwanan ako.
"You know what? Halatang halata naman na depressed ka. Huwag mo ng ikaila sa akin.. magkapatid tayo. Kakambal kita, kaya pwede ba.. don't act as if you are strong." natamaan ako sa sinabi n'ya.
Nagtatapang-tapangan lang ako but deep inside gusto ko talagang makausap sila. Para malinawan na ang mga confusions ko. "May bisita ka nga pala.." sabi sa akin ni Tristan. Nagulat na lang ako noong may sumilip sa pinto ng kwarto ko.
"Best friend naman eh.." narinig ko na naman ang malakas n'yang bibig. 'Yung kaartehan sa tono ng pananalita n'ya. 'Yung blonde n'yang buhok.. lahat namiss ko sa kanya.
Tinapik ni Tristan ang balikat ko, "Mag-usap kayo." sabi n'ya sa akin at lumabas na ng kwarto. Tanging si Steph at ako na lang ang naiwan. "Ahhh...ehhh.." pinagdikit pa ni Steph 'yung dalawa n'yang hintuturo. Marahil ay kinakabahan s'ya. Pero deep inside natatawa ako sa mukha n'ya para s'yang kinakabahan na ewan.
"Ahh ano kasi.." patuloy pa din s'ya sa paglalaro ng daliri n'ya. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya at itinaas ko ang kilay ko. Pinag-cross ko din ang braso ko. "Ano?! Magsalita ka!" isang sigaw ang pinakawalan ko. Tumakbo naman s'ya sa akin at niyakap ako. "Sorry na! Sorry na!" pauulit ulit n'yang sinasabi. "Tumayo ka nga jan. Mukha kang talaga baliw tsk!" sermon ko sa kanya. Umupo naman s'ya sa kama ko.
"So bati na tayo?" tanong n'ya sa akin. Nag-puppy eyes pa s'ya sa akin pero inirapan ko lang s'ya.
"Grabe ka Trishy! Kapag ikaw ang nagkakamali pinapatawad kita kaagad.. tapos ako ginaganyan mo? Huhu naman." pagmamakaawa n'ya.
"So, sumbatan ganon? Ano pa nga bang magagawa ko kung hindi patawarin ka.. above all, ikaw lang ang nakakatagal sa ugali ko." hin-hug ko na din s'ya pabalik. "Halika nga dito, gusto kitang sampalin." lumapit s'ya sa akin at niyakap ko s'ya.
"Grabe ka. Natiis mo ko ng one week na hindi man lang tinatawagan o tinetext? Sa ganda kong 'to natiis mo 'ko?" she said.
"Excuse me. Masyado lang talaga akong maganda para pag-aksayahan ka ng oras," sagot ko naman sa kanya.
"Heh! Kainis 'to! Tapos ngayon malalaman ko na aalis na kayo nila Tito? Ano ako dito maiiwanan?" nagtatampong sabi n'ya. "Iiwanan mo ang maganda mong best friend?" she said--crestfallen.
"You can go there naman. Pagbakasyon mo, go there." sagot ko sa kanya. Para naman s'yang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko. "Sige na nga. Sana pagbalik mo kami na ni Carl my loves 'no?" nag-spark na naman ang mata n'ya.
"Sabihin mo baka pagbalik ko. Nabuntis ka na ng standee ni Carl. Bawas bawas din ng kabaliwan mo, Steph. Habang tumatagal palala ka ng palala.." naalala ko tuloy nung pumunta ako ng kwarto n'ya.
"Ehh? Grabe ka talaga! Basta mapapasaakin din si Carl my loves 'no! Alam mo ba, speaking of Carl, 'yung Elite 5 ay hindi na kumpleto. Hurt hurt hurt ako!" narinig ko na naman 'yung pangalan ng grupo nila.
"Oh ano ngayon?" tanong ko sa kanya. Hinampas n'ya naman ako sa braso ko.
"Share ko lang.." inirapan n'ya din ako. "Si Russel hindi na nagrenew ng contact. Huwag kang magagalit ah? Pero nung time noong narinig mo kami sa hospital nabanggit ni ano 'yun. Sabi n'ya.. nag-quit daw si Russel kasi he will give his time daw kay someone.. and you know who's that someone? Ikaw 'yun! Ang haba ng hair!" pumalakpak pa s'ya.
BINABASA MO ANG
Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)
Teen FictionPublished under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two different worlds collide and find love. Princess Trish Lua is a certified bad girl. She always win an argu...