Chapter 41 — Quest
After naming maligo sa dagat. Pumunta na kami sa pampang. Natural saan pa ba pupunta? Wala man lang tap water o cold water na pambanlaw. Nakakaloka, amoy dagat na ang balat ko. Kinuha ko na lang yung mga damit ko. But sad to say may walang hiyang nagtago ng damit ko, one thing more, nakita ko si Tiara na parang demonyo ang ngiti. Lumapit ako sa kanya at buong tapang na nagsalita, "Where's my clothes? Ilabas mo nga!" matapang na tanong ko sa kanya.
Tinaasan n'ya naman ako ng kilay. "Anong clothes ka jan? I didn't stole your clothes. Kapal mo naman. Wow lang talaga! Ako pa pinagbintangan mo noh? Aanhin ko naman yung damit mo? Pamunas ng paa ko?!" nagtawanan bigla yung mga alipores n'yang, ang mga kampon ng dagat.
Sa sobrang inis ko, lumayo na lang ako sa kanila. So bikini ang peg ko ngayon? Walang top at short man lang? Kasi naman Trish eh, tatanga tanga kasi. Minsan talaga pumapalpak ang pagiging matalino ko, kagaya na lang ngayon. Nilalamig na ako. Letche!
Lumapit sa akin si Monster at binato yung damit n'ya, tinaasan ko naman s'ya ng kilay. "What are these for?" tanong ko sa kanya. Seryoso na naman s'yang nakatingin sa akin, "Isuot mo." tapos lumayo na naman s'ya.
Pinanood ko lang na lumakad s'ya palayo. Tanaw na tanaw ko ang maskulado n'yang pangangatawan. I mean those broad shoulders, and toned back muscles. Nako, kung hindi lang talaga kami nag-aaway, kung hindi s'ya mayabang, arogante, nakakainis ay posible kayang maging kami? Ay yuck! Ano ba pinag-iisip ko? Nakakadiri na naman ang mga deep thoughts na 'to.
Tiningnan ko at inamoy pa yung white long sleeves na bigay n'ya, infairness hindi mabaho at mabango naman. Ito yung suot n'ya kahapon hanggang kanina. Wala na s'yang doble ngayon, white sando na lang talaga ang suot n'ya. "Thank you monster. ." pabulong na sabi ko. Lagi n'ya na lang ako tinutulungan, ilang beses n'ya na ba akong tinulungan? Marami na at hindi ko mabilang.
Pagkasuot ko pa lang ng binigay n'yang damit, hala! Hanggang gitna ng hita ko ang haba! Nakakaloka, naging instant dress. -___-
Sila Liam naman ay kanina ko pa hindi nakikita, bigla kasi silang nawala nila Carl. Nagpupumiglas s'ya na hindi na sasama sa mga kabarkada n'ya kaso hinila hila s'ya. Sapilitan ang ginawa nila. Hindi ko din alam kung ako ang ginawa nila. Mga lalake nga naman oh..
Nagpatawag si Sir ng meeting kuno naman. Isa pa 'tong matanda na 'to. Matapos kami maligaw ay sinabihan lang kami na 'Huwag muna kayo lalayo'. O diba? Caring much lang? Ang sarap tapyasin ng buhok n'yang 50/50.
Anyway, nabawasan naman ang panlalamig ko dahil sa suot ko. Nakita ko naman sila Carl na papalapit at parang nakakita ng multo, isa isa silang lumapit sa akin.
"Kaninong damit 'yan Master?" tanong ni Carl. Nagtanong din si Liam, "Kay Terrence ba 'yan?" tanong n'ya. Napalingon naman si Kurt at Dominique kay Monster na nasa harapan lang namin at nakikipag-usap sa prof namin.
"Yes it is, there's someone na nagtago ng damit ko and ayun si halimaw, nag-offer ng damit n'ya." paliwanag ko. Parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Ganyan na ba talaga sila hindi katiwala sa ginawa ni Monster.
"Tss! Kailan pa naging generous si Terrence bro?" tanong ni Kurt kay Dominique.
BINABASA MO ANG
Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)
Teen FictionPublished under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two different worlds collide and find love. Princess Trish Lua is a certified bad girl. She always win an argu...