Chapter 39
Terrence's POV
I'm still holding her hands. She's asleep, really a damn angel. I can't compliment her as I want it. You know, this girl beside me is extraordinary. Nakakatawa kasi ang lakas n'yang magalit sa akin. She's like a timebomb, yung tipong sasabog na lang bigla.
I don't know. Since my last girlfriend, I never felt like this. It was so magical. Ang korny ko na shit. Ewan ko ba, nakakahawa yung kabaliwan ng freak na 'to. Hindi naman maganda, slight lang. Hindi naman sexy. Walang wala sa mga model at katrabaho namin sa showbiz na maganda. She's plain, intelligent at talagang mainit ang dugo sa akin.
"Don't fall in love with me..please" as much as I hate to say this line. Pero wala eh, ganun talaga. Minsan kasi kailangan mong magparaya para sa kaibigan mo. Nevertheless, makakahanap naman ako ng ibang babae jan.
I'm inlove with her? I don't think so. Malayo s'ya sa standard at ideals ko for girls. Kumbaga, s'ya nasa starting line pa lang pero yung iba malapit na sa finish line. Ganun 'yun eh.
You're inlove, Terrence. My heart said, pero kailangan talaga minsan na tanggapin na lang na hindi s'ya para sa'yo. Anong magugustuhan ko ba sa kanya? Sadista s'ya. Walang awa sa lalake. Did you see how she rolls her eyes? How she manage to speak to a 'Terrence Sy' like that?
Never in my life that I was being trashtalked by a girl. Sa buong buhay ko, wala pang nakakagawa nun kung hindi si freak. Baliw s'ya. Yun ang tamang deskripsyon sa kan'ya.
"Bakit ang bait mo sa akin?" I remembered those lines coming from her. Bakit nga ba?
Dahil siguro 'yon ang dapat mangyari. Dahil naisip ko na dapat mag-cease fire muna kami kahit papaano. Nakakasawa na din kasi makipagtalo sa kanya. Lalo na sa tulad n'ya. Isang sadista at parang senador sa pakikipagdebate. Gara noh? Kakaibang klase.
"Freak!" niyugyog ko 'yung balikat n'ya. Pero wala pa ding response, "Hey sleepyhead, wake up.." tinapik ko pa yung pisngi n'ya. But I only got a those sweet, "mmm..." I don't know but I smile.
I looked at her for a minute. Before I decided na gigising ko na talaga 'to. Isang malakas na yugyog ang ginawa ko sa kanya. "ANO BA?! WHAT THE HELL?! MONSTER?!" nagulat pa s'ya.
"Tanghali na oh.." tinuro ko pa yung langit pero mas lalong pumangit yung pagmumukha n'ya. "Anong tanghali? Kita mo ba? Ang dilim dilim eh! Madaling araw pa! Bobo nito! Psh!" alam ko naman na ganyan ang magiging reaskyon n'ya. Medyo sanay na din ako sa kamalditahan n'ya.
"Tumayo ka na jan. Lakas mong mang-yakap. Sakit ng braso ko..." nag-inat pa ako para makita n'ya. "Anong yakap? Kapal ng mukha nito!" sabi n'ya pa.
"Tulog mantika. Tss! Pagkatapos mo matulog sa biceps ko. Sasabihan mo ko ng ganyan. Napaka-ungrateful mo. Tsk!" medyo namula naman s'ya sa sinabi ko. "Kung maka-yakap ka pa sa akin sus. Sabi mo pa nga "Mickey mouuuseeee... wahhh! Why so huggable?!" I mimicked her voice.
"T-totoo?" tanong n'ya na hindi makapaniwala. "Oo nga, gusto mo idemonstrate ko pa?" pagsagot ko sa kanya.
"Tss. Ako pa nga pinagnasahan mo freak. May nalalaman ka pang teritoryo. Mukha mo..mga technique mo bulok!" isang nang-aasar na ngiti ang kumawala sa mga labi ko. "Oy! Nagbablush! Nakatsansing ka sa isang Terrence Sy ah?" sinundot ko pa yung tagiliran n'ya.
"Heh! Wala akong naririnig! Hindi totoo yan! Shut up!" sabi n'ya.
"Kailan ka ba magiging mabait sa akin? Ang bait bait ko na sa'yo oh..." tiningnan ko s'ya. "Pag naubos na ang tubig sa dagat! Psh!" sabay irap n'ya na naman. Kailan ba ako makakatanggap ng smile sa kanya? Hindi s'ya ngumingiti sa akin. Lagi na lang irap, pero pag si Russel yung kaharap n'ya, todo ngiti. Tss
"MASTERRRRRRRRRRR!" isang sigaw ang nanggaling sa bandang kanan namin. Paglingon namin yung buong Elite5 ay papunta na sa kinatatayuan namin. "OHHHHMYYYY! MASTERRRRRR! KANINA KA PA NAMIN HINAHANAP!"
"CARL!" sigaw naman ni freak. Yung mga panget talaga ang lakas makapag-intindihan sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)
Teen FictionPublished under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two different worlds collide and find love. Princess Trish Lua is a certified bad girl. She always win an argu...