Chapter 18 - Threat

509K 9.6K 2.3K
                                    

Chapter 18

Maagang maaga akong nagbihis. Mahirap na at baka mapektusan ako ni Tristan. Alam n'yo naman na sobrang bait ng kapatid ko. Well, papasok kami ngayon ni Tristan at sabay daw kami sa kan'yang Mercedez na kotse. S'ya na ang may kotse, ako na ang wala. Life is so unfair buti na lang talaga at maganda ako.

Kanina pa ako naghihintay sa sala. Ang tagal at ang kupad talaga kumilos ng lalaking 'yun. Sumasakit ang mga brain cells ko sa kan'ya, "Thank you Lord." nakahinga ako ng maluwag noong namataan ko na s'ya na pababa ng hagdan. Mabuti naman at kanina pa umuusok ang ilong ko kakahintay at kanina pa din umiinit ang pwet ko sa kakaupo at kakahintay sa kan'ya. Tumayo ako at nilagay ang ang dalawang kamay ko sa baywang ko.

"Ang kupad mong tukmol ka!" singhal ko sa kan'ya. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay. Hala! Bakit ba ang astig n'ya kapag ginagawa nya yun? Dinampot n'ya 'yung bag n'ya sa couch. Tiningnan n'ya ako at tinaasan ng kilay, "I'm not asking for your opinion." and he began walking. Ugh, peste ka talaga Tristan!

"Hoy! Ikaw na nga ang hinintay! Ikaw pa ang gan'yan, aba naman Tristan! Isang isa na lang, sasamain ka na sa akin!" pagbabanta ko sabay pasok sa passenger seat ng kotse n'ya.

"Is that a threat? Just for you to know, I'm scared sister. I am scared." he said sarcastically. He even rolled his eyes. Ew, gayshit.

"Hoy bakla ka ba?" tanong ko. Naningkit 'yung mata n'ya sa sinabi ko. What's wrong with that?, "Yung gwapong 'to? Bakla? Go to hell and bury yourself underground and die in a fire." then he started the engine. I rolled my at eyes to him. Sirang sira na ang araw ko sa kan'ya, what more kung sa school pa? Hays, kakabadtrip.

Wait, anong sabi n'ya? Ibaon ko daw ang sarili ko sa lupa? Pasalamat s'ya at mahaba pa ang pasensya ko. Buhat ng dumating 'yung Elite 5 na 'yan. Habang padami ng padami 'yung taong nakakasalamuha ko mas gumugulo ang tahimik kong buhay. Mas nagiging baliw na ko, kinakausap ko na si Minnie at yung sarili ko.

Ayaw ko na makipagtalo sa kan'ya. Tutal, hindi naman magpapatalo 'yan. Itinuon ko ang mata ko sa bintana. Sa sobrang pag-iisip. May pumasok na naman sa isip ko.

"I missed you princess.."

Ahh! Babae din ako! Kinikilig ako, peste naman! Gusto kong tumili na mag tumbling na mg head spin. Ganyan 'yung feeling pag kinikilig ako. Si Liam talaga noh? Lakas magpakilig. Pogi pa! Oo s'ya 'yung crush ko. Crush lang naman! Wala namang masama dun. "Eh ano si Terrence sa'yo? " bulong ng konsensya ko,  kailangan maisingit talaga 'yung monster na 'yun 'no? Sino nga ba s'ya? Isa s'yang kalat at salot sa tahimik kong buhay.

"Diba nga sabi there is a thin line between love and hate?"

Ano bang bang pinaglalaban ng maliit na boses sa utak ko? Ang nosy n'ya ah, leche lang. Thin line nga lang e. Sa sobrang thin nalagot na! Naputol na sa sobrang nipis! Or hindi na nakita sa sobrang nipis! Kung ano man 'yan, 'wag mo na ipush.

"At least may line pa din kahit manipis."

Bulong na naman Ikaw na kaya pumalit sa akin dito?! Makarunungan pa sa nararamdaman ko e! Aish, nasisiraan na ata ako ng bait.

"Earth to panget." nagulat na lang ako ng may malakas na impact na tumama sa noo ko. "Aray! Ano ba?! Ang hina mo mamitik! Swear!" sarkastiko kong sabi sabay irap sa kan'ya. Nakakainis! Kala n'ya ang hina n'ya mamitik, ang sakit kaya. Baka magkainternal hemmorhage na ako dahil dun. Kawawa naman ako.

"You're spacing out. Kanina pa kita tinatawag kaso nakatulala ka lang jan. Ano bang iniisip mo?" tanong n'ya.

"Ah ano.. Wala ka na dun!" hindi ko naman pwedeng sabihin na si Liam ang iniisip ko. Oh my God! Nababaliw na talaga ako!

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon