Umuwi kami ni Tristan sa bahay ng hindi nagpapansinan. Hindi na rin s'ya nagtanong kung anong nangyari sa aming dalawa ni Terrence. Kung ano man ang nangyari sa aming dalawa, sa aming dalawa na lang 'yun. Hindi naman kailangan na i-broadcast sa iba ang bagay na iyon. "Prince and Princess.." tawag sa amin ni Papa pagkadating namin sa bahay. Nagkatinginan na lang kaming dalawang magkapatid and we quickly divert our gaze to Papa. Napaka-awkward ng atmosphere naming dalawang magkapatid. Kulang na lang ay hindi na kami magpansinan sa harap ni Papa.
"May problema ba kayo?" he asked and we just bow our head down, "Baka makatulong si Papa.." pag-aamo n'ya sa amin. Nanatili lang kaming nakatahimik. Ni hindi ko masabi kay Papa kung ano ang dahilan kung bakit kami hindi nag-iimikan ni Tristan. Mas lalong masakit sa part n'ya ang bagay na 'yon. "Hindi n'yo na pinapansin si Papa. Nakakatampo na ang kambal ko.." pag-uulit n'ya -- may halong tampo ang boses n'ya. Nakarating kaming tatlo sa sala habang nakaakbay s'ya, kaagad kaming umupo sa mahabang sofa ni Tristan habang si Papa naman ay nasa pang-isahang upuan.
Gusto ko sanang magsalita at sabihin sa kanya ang rason pero parang walang salita na lumalabas sa bibig ko. Para akong nawalan ng boses at ng gana, "Pa.." nagkasabay kami ng tawag ni Tristan sa kanya. Maging si Tristan ay napatingin sa akin. Wala na bang mas-aawkward pa rito?
Tiningnan n'ya naman kaming pareho as he both held our hands, "Ano 'yun? Tell me. Makikinig si Papa.." sabi n'ya. Nagkatinginan na naman kami ni Tristan. Buti na lang ay nawala na rin ang bakas ng luha sa mukha ko, naubos na ata. Hindi ko lubos maisip na humantong kami sa ganong tagpo na bigla na lang mawawala ang lahat.
Magulo. Magulo ang isip ko kanina. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. Kung tama ba ang sinabi ko sa kanya. Tao lang din naman ako at nasasaktan lang din. Masisi mo ba ako kung ganoon ang naging reaksyon ko? Kung ikaw ang nasa kalagayan ko.. ganun din diba ang gagawin mo? Hindi ako mabait at hindi rin ako martir. Hindi ako madaling magpatawad at hindi rin ako madaling makalimot. Hindi ako madaling magpatawad lalo na kung alam mong hindi simpleng kasalanan ang ginawa n'ya. Mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko sa pamilya ko kaysa sa kanya. Pagbalik-baliktarin man ang mundo, mas mahal ko sila.
Nagulat. Nabigla talaga ako sa nalaman ko. All of those years, s'ya pala ang ang dahilan kung bakit nawala si Mama? Kung bakit naging miserable ang buhay naming tatlo. Kung bakit sa lahat ng lalaki, bakit s'ya pa? Malapit ko na sanang aminin sa kanya na mahal ko s'ya. Malapit ko na rin sanang iparamdam sa kanya kung gaano n'ya ako pinapasaya sa bawat minuto na magkasama kami. Talagang hindi kami bagay para sa isa't isa. Ito ang nakatadhana sa palagay ko, hindi s'ya ang huling piraso ng puzzle na bubuo sa pagkatao ko.
Sabi ko sa sarili ko na once na malaman ko kung ano o sino man ang dahilan n pagkamatay ni Mama ay hindi ko s'ya mapapatawad, at ngayon na alam ko na ang rason, sa tingin ko ay alam ko na ang sagot. Do I need to forgive him? I know that he's too young. Ahead s'ya sa akin ng 1 year in terms of age, and I really don't know what happened. He even didn't tell what happened 8 years ago.
Nawala kami sa pag-uusap namin noong nag-ring ang phone ni Papa. Nakamasid lang kaming dalawa kay Papa na kasalukuyang kinakapa ang phone n'ya sa loob ng bulsa n'ya. "Who's this?" tanong ni Papa. Nakatuon lang ang pakikinig namin ni Tristan kay Papa na hindi ko maexplain ang itsura. Para s'yang masaya na nagulat.
"Black knight?" tanong n'ya. Bigla akong kinutuban sa narinig ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagulat si Tristan sa ginawa ko, at nabigla kami ni Papa noong in-announce ni Papa sa amin ang balita.
****
Kinabukasan ay napagdesisyunan ko na tumungo sa school. Handa pa rin naman ako pumasok sa school sa kabila ng mga nangyari. Sa kabila ng lahat, hindi ko dapat sinasayang sa mga walang kwentang tao ang oras ko.
While walking bigla na naman akong kinabahan. Alam mo 'yun? Instant na kinabahan even if there's no reason. Biglang nagflash sa utak ko kung paano s'ya umiyak, kung paano s'ya magmakaawa sa akin, he even kneeled down in front of me and it causes me guilt. Maniniwala na ba ako sa kanya? Should I forgive him? For heaven' sake, pinaniwala n'ya ako sa kasinungalingan n'ya. I think, once nasira 'yung trust na ibinigay mo sa isang tao, hindi na mababalik 'yun ng perpekto. May lamat na kahit idikit pa.
I sat down on my chair and pretend to ignore everything. Ayaw kong may kakausap sa akin, not even Tiara, not even those pathetic bitches on this campus, and not even, the boys. They seem so quiet. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, walang nagkakagulo. Not like the usual day na kapag nandito sila ay hyper. I mean, where are they? Hindi ko naiwasang hindi magtaka dahil wala pa sila.
I checked my phone kung anong araw ngayon, "Friday." So meaning to say, nandito dapat sila. Nagtaka ako bigla at the same time nalungkot. Kahit pilit kong sabihin sa sarili ko na hindi ko sila namimiss, ito namang puso ko nakikiepal. Haluan mo pa ng magaling kong konsensya. Halo halo na naman ang nagraramdaman ko ngayon: guilt, galit, nervousness, and happiness kasi nalaman ko na taong nasa likod ng pagkamatay n'ya.
Lumabas muna ako ng classroom namin at gusto kong magpahangin. Gusto kong sumigaw habang naglalakad at ilabas lahat ng sama ng loob at kalungkutan ko pero hindi ko magawa dahil nakataya ang dignidad ko habang nasa loob ng campus.
Baka mamaya ay nand'yan na ulit sila.You know, they are always busy. I went yo the comfort and check my eyes. Magdamag din kasi akong hindi nakatulog dahil laging nagpaflashback sa utak ko 'yung nangyari kahapon. Magdamag din akong umiyak.. ng dahil sa nalaman ko at sa puso kong labis na minahal s'ya.
Pero sana kung hindi nangyari 'yun diba? Look.. anong magandang bagay ang mangyayari sa buhay ko? Anong bagay na wala ako ngayon ang dapat na mayroon ako? Magiging masaya ba ang buhay ko at mag-iiba ang takbo ng buhay ko kapag buhay pa si Mama?
Pagkabukas ko pa lang nung pinto ay nakita ko si Iana na nag-aayos ng buhok n'ya. Nakita n'ya naman ako at nginitian. Kinuha ko 'yung conceiler ko para takpan ang eyebags ko. Mahirap na at halatangwala akong tulog, at magdamag na umiyak.
"Napag-isipan mo na ba?" tanong n'ya sa akin. Nakita kong kinuha n'ya yung lipgloss n'ya at nagpatuloy sa pag-aayos. Ako naman ay matipid na sumagot sa kanya. "No need Iana.. don't ask about that. Hindi rin naman ako interesado." nakita ko s'yang napahinto sa pag-aayos n'ya.
"Okay. But umaasa pa rin ako.. see you Trish. May klase na ako." paalam n'ya. Lumabas na s'ya ng comfort room at naiwan akong mag-isa.
Ilang minuto pa ng pag-aayos ay napagdesisyunan ko na rin na lumabas na. Siguro ay nariyan na ang magugulong lalaki na 'yun, naisip ko. Pinihit ko ang door knob at bumungad sa akin ang sandamakmak na tao sa labas. Lahat sila ay parang nagkakagulo, may mga babaeng umiiyak, ang iba ay tulala, ang iba ay parang hindi makapaniwala sa nasasaksihan nila. May ano ba? Tanong ko sa sarili ko.
Pumunta ako sa lugar na pinagkakaguluhan at isiniksik ko ang sarili ko sa mga taong nagkakagulo, lahat sila ay tulala sa nasaksihan nila sa malaking screen sa harap ng College of Arts and Sciences,
"Terrence Sy committed suicide." I read and I froze.
BINABASA MO ANG
Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)
Teen FictionPublished under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two different worlds collide and find love. Princess Trish Lua is a certified bad girl. She always win an argu...