Chapter 11 - Past

560K 10.4K 2.2K
                                    

Ang sarap talaga ng buhay kapag may pera. Kakasahod ko lang kay Terrence kanina. Hihi! Alam n’yo ba kung paano ko nakuha ang sweldo ko? Tutal tsismosa kayo, kukwento ko na din.

After kong maasar si halimaw kanina. Trip ko lang s’yang asarin. Eh baket ba? Sira  pala  sy’a. Ano ‘yun? Wala akong revenge? Pinaiyak n’ya ako remember? Akala n’ya hindi ako gaganti. Utot n’ya!

Successful naman ang plano kong pang-aasar. Kasi pulang pula s’ya sa galit. I'm so genius talaga. Naggupit pa ako ng mga construction papers para sa confetti ng pagkapanalo ko.

Effort na kung effort. Mas mabuti ng handa dahil sa huli nasa akin parin ang huling halakhak. Tumawa ka ng parang witch. Parang ganon. Anyways, nawala na tayo sa kwento ko. Before kasi naming dalawa mag-asaran doon sa vacant room. Nakuha ko na talaga ‘yung sweldo ko. Nag-paranigan diba kami after ng dismissal? Feeling maganda daw kasi ako. So ayun..

"Hoy pasahod ngayon ah? Give me my money.." nakalahad na ang kamay ko. Aba, hindi naman sa patay gutom ako sa pera kaso ang usap ay usap. Sa ayaw at sa gusto n’ya ay obligado s’yang bigyan ako ng sweldo.

"Tss! Mahirap" bulong n’ya.

"Aba't! Hoy lalake! Pinaghihirapan ko ‘yung binabayad mo sa akin! So akin na..." pinag-rub ko pa ‘yung dalawang kamay ko at hinipan saka inilahad.

"Oh." Abot n’ya na parang malaki pa ang sama ng loob dahil pasweldo ngayon. Tsk, ang pangit n’ya talaga. Hays.

"Kbye." sabi ko. Iniwan ko na s’ya dun at naglakad ng cobra walk.

Ganung kasimple. Hindi s’ya mahirap kausap. Anong akala n’ya dadamdamin ko ‘yung pagsasabi n’ya sa akin ng malandi. No way! I won’t make myself to look pathetic.

"Hindi porket nilait ka. Magdadrama ka na. Huwag tanga, laitin mo din para pantay." ‘yan ‘yung motto na isa sa mga favorite ko. Nilait ka na nga tapos wala ka pang revenge? No way.

Mas magalit ka kung nilait ka ng mas kalait lait sa’yo. Ipamukha mo sa kaaway mo. Na s’ya pusa at ikaw tigre. Ganun yun!

Ang dami kong nabibigay na tips sa inyo. Medyo nadadala na ako ng kadaldalan ko,"Bwiset ka Steph! Sa ganda kong 'to, pinaghihintay mo ‘ko!" sa loob loob ko.

Nandito ako sa mall at hinihintay ko ‘yung bestfriend ko. Hay nako ang kupad kupad n’ya talaga! Umupo muna ako sa high stool. Dito ako sa Startriangle, ang pinakasikat na coffee shop sa Pilipinas.

"Miss can I join you here?" tanong ng isang lalakeng chinito. Chinese na mukhang hito. Tiningnan ko naman s’ya mula ulo mukhang paa.

"How about no?" tinaasan ko s’ya ng kilay.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon