Chapter 36 - Island

430K 9.8K 1.9K
                                    

Hi! Tapos na ang Finals Exam ko! Salamat sa paghihintay sa UD ko. Haha! Happy 600k! Mahaba 'tong Chapter na 'to! 

Chapter 36 - Island

"Huwag mong sabihin na naaapektuhan ka sa katawan ko? Umamin ka nga freak. . crush mo ko noh?"

Itinaas ko ang magaganda kong kilay, bastusan ganun ganon?

"Wow naman! I've never been affected on you. That face? Ow! Gross." I snapped. Ano bang nalamon ng halimaw na 'to. Super typhoon? Puno ng kahanginan ang buo n'yang katawan. Alam n'yo yun? Kaya n'yang magpataob ng isang 20 floors na building sa sobrang lakas ng kayabangan n'ya. Dinaig n'ya pa si Tristan.

"Asus! Nagdedeny pa. . lust over my body freak.." sabi n'ya pa habang pumunta ata ng comfort room. Nako, kung wala lang talagang mga tao na nakatingin sa amin. Kanina ko pa s'ya sinabunutan.

Pasalamat s'ya at napakarami n'yang fans na nakatingin  sa amin, I mean maraming masamang nakatingin sa akin. Sino ba naman ako? Isang hamak na magandang nilalang lang.

Anyway, after mga ten minutes. Dumating na din yung pa-vip naming professor. Nakakahigh blood s'ya infairness. Talagang pinaghintay n'ya ang magandang 'to? 

Yung Elite5 naman ayun pinagkakaguluhan, nasaan na ba ang security guards dito? Huwag na sana silang isama sa trip namin na 'to. Haha! Mas bright idea 'yon. 

"Let's go." sabi ni prof. Muntik na akong mapamura sa sinabi n'ya. Two words pre! Pinaghintay n'ya kami sa two words na yan? Agad kong hinawakan ang handle ng maleta ko, mamaya ko na lang isusuot ang shades ko. Mahirap na, baka sabihin masyado naman akong excited at may pashades shades pa akong nalalaman. I'm excited pero hindi ko na lang ipapahalata.

"Tabi tayo sa plane Master!" biglang singit ni Carl. Para 'tong kabute, akala ko kung ano na. Hindi ko na s'ya tiningnan at tuloy tuloy na naglakad. S'ya naman ay nakasunod sa akin. Manigas ka!

"MASTER!" sigaw n'ya ulit. Porke't sikat ganon na kalakas makasigaw, grabe talaga yung lalaki na 'to. Binagalan ko tuloy yung lakad ko, kawawa naman. Pinagtitinginan na kami dito sa loob ng airport. Itinakip ko tuloy yung hood ko at naglagay ng shades. Lakas pa maka-Master na tawag, hindi na nahiya. Baka akalain ng mga tao na inaalila ko s'ya, baka mangyari na naman ang pagkuyog sa akin ng mga psycho fans. I don't want that to happen again.

"P'wede tabi tayo sa plane?" tanong n'ya. "Hindi ako tumatabi sa panget." pambabara ko sa kanya. 

"Pwede nga tayo magtabi! Hindi naman ako panget! Thank you Master!" sabi n'ya habang kitang kita yung mga dimples n'ya. Ang gwapo talaga nito! Kala ko magegets ni Carl yung ibig sabihin ko but I was wrong. Mayabang din s'ya. 

Naglakad na kami papunta sa plane. Umupo na ako malapit sa bintana para hindi naman ako mabagot, may makita akong mga ulap ulap. Chos! Yung kagandahan ko abot tanaw mula sa itaas. 

Tumabi na din sa akin si Carl, napatingin naman ako kay Liam. Ang sama ng tingin n'ya kay Carl, tapos si Terrence naman ay papasok pa lang ng plane. Nasa bandang gitna kami ng eroplano. 

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon