Chapter 8
Hindi ako makapagconcentrate. Naiinis ako sa presensya ng mga impakto na 'to.
Alam n’yo ba ‘yung mas nakakainis? Ang iingay nila! Kalalaking tao ang iingay! Feeling hari sa loob ng room. Lalo na yung Carl na ‘yan! Pinakain ata ng ano ng baboy, ng baka at manok. Lahat ng hayop! Halatang naiinis na din ‘yung katabi n’ya, ‘yung nasa kanan n’ya, the silent type na bored ang look, Dominique ang name n’ya sabi ng mga malalandot na kaklase ko. Tapos tinanong ko pa yung katabi kong ungas kung sino ‘yung nasa kaliwa nun, Kurt daw ‘yun at huwag daw ako maglalapit dun. Babala nya pa!
I freakin' don't care. Bakit ko naman sila tatapunan ng konting tingin? Tao din sila guys! My golden rule says ”iba ang gwapo sa feeling gwapo.” Iba naman talaga ang gwapo sa feeling gwapo. Hindi ko naman sinasabi na wala silang itsura, ang pinopoint out ko lang ay ayaw ko sa presensya nila.
Tama naman ako, artista lang sila pero tao pa din sila. Hindi nila teritoryo 'to. At wala dapat na maghari harian at special treatment pa dito kahit na isa 'tong exclusive school.
Nagdidiscuss si Sir Dimakasulat. Yap, ganyan ang name n’ya. Noong una ko nga s’yang na meet ay halos nagpigil na ako ng tawa. Pero hayaan natin s’ya, nagpakirap ang tatay n’ya na dalhin ang apelyido nila, so dapat respect din natin. Dakdak lang s’ya dakdak sa harap. Nakakainis kasi ang linaw linaw na nadiscuss n’ya na ‘yan simula nung isang araw at hanggang ngayon ay ang patuloy n’ya pa ring dinidiscuss, paulit-ulit lang kami sa topic. Nakakasawa nng making. Hanggang ngayon kailangan i-discuss?! Hindi makaget-over? Kaya sa sobrang antok ko at sa sobrang irita sa presensya ng mga ogre dito sa likod. Yap, ogre. Kamukha sila ng napanood ko! I took a nap..
Mga thirty minutes din ‘yung tinagal ng pag-iglip ko. Two hours kasi ‘yung subject namin na 'to. Math s’ya actually, Analytic Geometry. Puyat ako as in, sino ba naman hindi mapupuyat kapag nagbantay ka ng may sakit, hindi lang ordinaryong tao ang binabantayan ko, halimaw kaya at kasalanan 'to ng halimaw na ‘yun. Yung manyak na yun! I'll call him manyak na halimaw!!!
Nagising ako ng may sumigaw. Bading kasi yung professor namin na 'to pero kahit ano pa mang kasarian n’ya ay dapat pa rin s’yang bigyan ng respeto at dapat ding igalang..
"Omg?!" sigaw ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. As in! Parang may nagkakarehang mga kabayo. Ikaw ba naman ‘yung magulat mula sa mahimbing mong tulog? Tumatabing pa sa mata ko ‘yung ilang strands ng buhok ko. Medyo malabo pa ‘yung mata ko kasi galing sa pagkakapikit.
Nagtawanan ang buong klase sa inasal ko. Ang rank one ng engineering? Pinagtatawanan. Hindi ata 'to tama.
"MS. LUA! THIS IS MY CLASS! NOT YOUR BEDROOM!" sigaw ni professor. Talagang bumalot sa buong room namin ang high-pitch n’yang boses.
"Yes I know po.." cool kong sabi sabay ayos ng buhok kong nakalaylay sa mukha ko. S’yempre, maganda kaya ako.
"UGH! YOU ARE SUPPOSEDLY PAYING ATTENTION ON MY DISCUSSION BUT YOU'RE SLEEPING IN MY CLASS AND DROOLING!" sabi n’ya. Medyo hindi naman ata tama ang sinasabi n’ya? Naging professor ko na rin si Sir at alam ko ang mga sistema n’ya. Mahilig s’yang mamahiya ng mga estudyante. I know na palalabasin n’ya ngayon, at ito na nga iyon ang mapahiya ako.
BINABASA MO ANG
Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)
Teen FictionPublished under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two different worlds collide and find love. Princess Trish Lua is a certified bad girl. She always win an argu...