Epilogue

397K 4.6K 1.4K
                                    

May mga bagay na talaga na kahit inaasam mong mangyari ay hindi mangyayari..dahil ito ay hindi nakatadhana.

Tadhana..

Maraming mga taong naniniwala dito -- na may nakatadhana para sa kanila. Na may nakalaan na tao na makakasama nila hanggang pagtanda nila. Doon sila umaasa.

Paano na lang kung yung tadhana na sinasabi mo ay pinaglaruan ka bigla? 'Yung sa isang iglap ay posible ng mawala ang lahat? Magpapatuloy ka pa ba sa pag-asa mo sa tadhana? Maghihintay ng sinasabi mong destined day na walang ginagawa? Hindi ba pwedeng, maniwala ka sa tadhana habang may ginagawa ka?

Tatlong araw na rin ang lumipas noong umalis si Trish. Tatlong araw na rin na pinipilit ni Terrence na kalimutan ang masasakit na nangyari.. na kailangan n'yang lumaban para sa rin sa sarili n'ya.

Napaupo na si Terrence sa isang high stool sa condo n'ya. Kasama n'ya 'yung mga kaibigan n'ya na hindi man perpekto ay lagi naman nand'yan para sa kan'ya.

Walang iwanan.

'Yan ang naging pangako nila sa isa't isa. Pero may isang umalis para hanapin ang sarili. Para sundan 'yung kanyang mahal.. upang magpatuloy sa pag-aaral sa ibang bansa.. para maging malaya sa mahigpit na regulasyon.

"Mag bar naman tayo mga dude kaysa nganga tayo dito sa condo mo!" sabi ni Kurt, nakataas ang dalawang paa nito at nakalagay sa isang coffee table. Inilipat nito ang pinapanood at nakita nila ang mga mukha nila.

"Hahahaha! Ang gwapo ko talaga!" itinuro ni Carl ang sarili. Parang first time n'ya lang makita ang sarili sa telebisyon.

"Mas gwapo ako sa'yo!" bwelta naman ni Kurt sabay kain ng chips. Isang napakalaking bag ng chips ang hawak nito. Tinignan naman silang dalawa ni Dominique. "Dream on. Ako ang pinakagwapo.." nagmake face naman si Carl at napatingin silang lahat kay Terrence na umiinom na naman ng paborito nitong inumin, yakult.

"Magpapakalasing ka na naman ba bro?" tanong ni Carl dito. Tinapunan naman ng tingin ni Terrence ang usiserong kaibigan. "Masama bang magtanong?!" dagdag pa nito.

"Nakakalasing ba 'to? Tanga ka na naman! Psh!" inirapan na lang tuloy ni Terrence 'yung kaibigan. Nagtawanan naman ang mga kaibigan nito.

Kagaya noong nakaraang linggo. Mainit na naman ang ulo nito. Lagi na lang itong tahimik at laging nalulunod sa mga bagay na paulit ulit na bumabalil sa isip nito. Kagaya na lang ng pagtatago n'ya sa katauhang si black knight.

Kung sinabi ko kaya na ako si black knight ay mabilis n'ya kaya akong mapapatawad? he thought. Ang tanga tanga ko lang.. he just shook his head in frustration.

Ang katotohanan sa likod ng pagsabi ni Liam na s'ya si black knight ay s'ya din ang dahilan. S'ya din ang may kasalanan. Ang tanga mo kasi! Komento ng isang side ng utak n'ya. Ipinaling n'ya ang kanyang ulo sa kanan pagkatapos ay sa kaliwa.

Noong nakaraang linggo. Nagkita ang dalawa, tinawagan kasi ni Terrence si Liam na pumunta sa isang coffee shop na tanging silang dalawa lang ang magiging tao doon dahil nireserved ni Terrence ang buong coffee shop.

Mahirap na at baka may makalabas sa pag-uusapan nila.

"Bro, favor?" bungad kaagad ni Terrence sa kaibigan. Napakunot naman ang noo nito sa sinabi ng kaibigan. Kararating n'ya pa lang ay ayun agad ang binugad nito.

"What?" hinatak nito ang isang upuan at umupo. Pinaglalaruan naman ni Terrence ang yelo sa loob ng baso nito.

"Can you pretend as black knight? That would be my last favor." mas lalong nagsalubong ang kilay nito.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon