I really can't tell what day akong nag-uupdate. It depends kung sinisipag ako magsulat. Basta so stop messaging me kung kailan ang update kasi I really can't tell you. Good story takes time diba? Advance Happy 2
Million!
Italicized means flasback mga babes. Wag malito. Sige po, enjoy sa pagbabasa.
[Please play the multimedia at the side before reading this chapter. Forevermore by David Archuleta. Thank you para mas ramdam! ]
Chapter 52 - Agony
Terrence
Idinilat ko ang mata ko, "Ahh.." masakit ang katawan ko. Hindi mahalaga yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas mahalaga na malaman ko kung nasaan s'ya?
"Bro, ayos ka na ba?" tanong sa akin ni Carl. Nakahiga ako sa isang hospital bed, "Bakit n'yo ko dinala dito? Asan si freak?!" gusto kong makalayo at hanapin s'ya. Alam kong galit s'ya sa nagawa ko at napakasakit sa parte ko na ang babaeng mahal ko ay nagdesisyon na layuan na ako.
"Bro, magpahinga ka muna. Magkakaayos din kayo.." sagot n'ya. Nakita ko kaagad yung nga kaibigan ko na lumalapit sa pwesto ko.
"Dude, kami na kakausap sa kanya. Okay? Magpahinga ka muna. Tingnan mo ang dami mong galos. Ikaw na pinakapangit sa grupo, hindi na si Carl." sinamaan naman ni Carl ng tingin si Kurt.
"H-hinde eh.. galit s'ya. Galit s'ya sa akin. Hindi ako makakapagpahinga habang alam ko na galit s'ya.." naiisip ko na naman ang nangyari kanina.
Kung paano s'ya umiyak sa harap ko. Gusto ko s'yang yakapin pero lumalayo s'ya. Shit! Ang hirap! Hindi ko kakayanin na lumayo s'ya kaso habang iniisip ko 'yon, alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan ng bawat paglayo n'ya. Kinamumuhian n'ya na ako... wala na ba talagang pag-asa?
"Bakit ka ba andito?" tanong n'ya. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa couch. Nakataas pa ang kilay n'ya. Tss, bakit ba napakasungit nito sa akin?
"Simpleng thank you lang hindi mo pa masabi." bumuntong hininga ako. Mas lalo namang kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko.
"Simpleng tanong hindi mo masagot!" pagdedepensa n'ya. S'ya yung babaeng ayaw magpatalo laging may naiisip na isasagot sa kausap n'ya.
"Halika ka nga dito.." tinapik ko yung tabi ko. Lumapit naman s'ya at tinabihan ako. Damn, bakit ba ang ganda n'ya.
I was about to kiss her when my little brother and his brother messed up our moment.
"Baliw ka na ba?" nabalik ako sa huwisyo ko noong iwinagayway ni Carl yung kamay n'ya sa harap ng mukha ko. Tinabig ko naman 'to.
"Iwan n'yo muna nga ako. Please lang!" wala namang maitutulong sa akin.
"Alam mo bro. Sometimes you have to step back to move forward.." sabi naman ni Dominique.
"Shit ka Dominique! Anong pinagsasabi mo?! Nahahawa ka na jan sa baliw nating leader!" sita naman ni Carl sa kanya.
"Naiinis na si Terrence oh! Alis muna tayo!" narinig kong sabi ni Kurt.
"Sige bro alis muna kami. Deal with the fact that life doesn't always go our way." unti unti silang nag-alisan sa paningin ko.
Noong nakaalis na sila doon ko na naramdaman na talagang nag-iisa na ako. Na lahat ng memories ay bumabalik sa alaala ko. Na lahat ng meron kami dati ay unti unting mawawala ngayon. Na kahit anong habol ko pa.. kahit anong gawin ko pa.. na kahit anong effort ko pa.. kung nagdesisyon s'ya at sinabi na lalayo na s'ya .. lalayo s'ya.
BINABASA MO ANG
Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)
Teen FictionPublished under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two different worlds collide and find love. Princess Trish Lua is a certified bad girl. She always win an argu...