Chapter 19 - Like a Boss

499K 9.8K 2.5K
                                    

Chapter 19


Sumakit ang bangs ko sa nakita kong text message. Oh akala n'yo kung sino ang nasa school ngayon? Asa kayo! Mga assuming na naman kayo  "You're dead freak.." binasa ko s'ya sa pangalawang pagkakataon. Napa-huh pa ako pagkakita ko nito. Nireplyan ko s'ya ng, "Ano na naman yon?!" at sinend ko na.

"Ako naman libre mo." sabi ng panget na 'to na kaharap ko. Napa-arch naman 'yung brows ko, "Ano ako bangko?!" panggagaya ko sa kanya. Remember? Ganyan din ang sinabi n'ya sa akin kahapon.

"Tss gaya gaya ng line.." bulong n'ya. Naningkit naman ang mata ko, "Weh? Sa'yo ba 'yun? Libre mo na nga lang ako. Rice tsaka beef steak na lang. Samahan mo na din ng iced tea." sabi ko sabay ngiti ng malapad. Sinamaan n'ya naman ako ng tingin, "Fine. Hintayin mo ko dito." sabi n'ya at umalis na. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko naman makikipagtalo pa sa akin. Buti na lang talaga at galante s'ya.

Masyado lang talaga kaming suplada at suplado. Pero tandaan n'yo naman 'yung isa sa golden rules, maging mabait sa taong mabait. Maging masama sa taong masama. Give and take relationship lang 'yan. Ganyan lang ang ginagawa namin ni Tristan, may mga binabagayan 'yung pagtrato namin sa isang tao. Well hindi man kami magkamukha, magkalevel naman ang ugali naman. Kaso nga s'ya 'yung galante at ako hindi. S'ya 'yung mahinang kumain at ako 'yung matakaw. S'ya 'yung mas talented at ako matalino lang. S'ya 'yung mas maloko at ako slight lang. S'ya 'yung mas serious type at ako slight lang. S'ya 'yung hindi grade conscious at ako conscious pero slight lang. Marami man kaming pagkakaiba pero may talagang katangian kami na sadyang magkapareho.

Nakabalik na si Tristan. Dala dala ang isang tray at may isa pang crew na sumusunod sa kanya na dala pa ang isang tray.

"Daming pera ah?" tanong ko. Nag-shrug lang s'ya, "Ganyan talaga kapag pogi."

"Anong konek? Alam mo gutom lang 'yan, Tristan. Kumain ka na nga.." sabay tawa ko. Nakakatawa eh. Mababaw ang kaligayahan ko. Pasensya ka. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako kasi may next class pa ako, "Trist! I have my next class. So alis na ko.." sabi ko sa kan'ya. Tumingin lang s'ya sa akin habang sumisipsip sa orange juice n'ya, "Okay, let's meet later. Mall tayo." tumango na lang ako kahit tipid ako ngayon.

Bumalik na ako sa room ko. Kaso pagkabalik ko sa room, nasalubong ko 'yung mga feeling first class.

None other than, Iana Sharm and her friends. Nakita ko din 'yung nasampolan ko. Natatandaan n'yo si Jaz ba 'yun? Si Sando girl. So apat sila, at sinasabi din na sila ang mga campus princesses dito. Iiwas na sana ako para magconserve ng energy. Kaso 'yung dalawa nilang kasama, wait alam ko ang pangalan n'ya eh. Si Helo at si Kiti. Tama si Helo at Kiti! So apat nga sila si Jaz, Iana, Helo at Kiti. Yung Helo at Kiti, aba! Humarang harang sa daan. Oops!

"Alam mo ang landi landi mo!" sabi ni Helo. Ako? Sinabihan ng malandi? Wow naman. Napataas ang kilay ko sa sinabi ng pusang 'to, "Alam mo, hindi ko naaalala na hinihingi ko ang opinyon mo. And one thing more, If you think that I am flirt, what do you call to yourself? A bitch?" sabi ko at nagtangkang lumakad sa kabilang side kaso hinarangan naman ako ni Kiti.

"Lahat na lang talaga noh?!! Yung Elite 5 nilandi mo na! Ngayon, 'yung transferee naman. Ang kati kati mo!!!" nagagalit na sabi ni Kiti habang dinuduro ako. Hinawakan ko naman ang hintuturo n'ya at saka ibinalibag.

"Try mong gumamit ng sabon ko para hindi ka katihin. And Ikaw din. Hindi ko rin hinihingi ang opinyon mo. Kaya pwede bang 'wag kang humarang jan kung ayaw mong samain sa akin." sabi ko at pilit kong kinakalma ang sarili ko. Sinong transferee ba ang sinasabi nila? Si Tristan? Goodness gracious! Ano 'to laman sa laman?

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon