Prologue

1.1K 32 1
                                    

This is a work of fiction, names, characters, business, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

JustBrixx: Hi readers! Lahat ng mababasa niyo sa story na 'to o sa bawat chapter na 'to ay pawang imahinasyon ko lamang at kung may kahawig man ito sa ibang storyang nabasa niyo ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. PAALALA: Wag munang ijudge yung unang part nang story na nabasa niyo. Try to finish the story and as well as the all chapters. Okay? Yun lang. Enjoy Reading! Godbless :)

_______________________

Tricia's POV

Nasa airport kameng dalawa ngayon ni Arkishra at palabas na ng arrival area. Sa hindi kalayuan natanaw ko na si Mang Carlo, yung driver namin na susundo samin ngayon.

"Magandang umaga sa inyo mga binibini." nakangiting bati ni mang carlo habang nilalagay sa compartment ang mga bagahe namin.

"Magandang umaga rin ho mang carlo." bati din namin sa kanya.

Habang nagbabyahe kame pabalik ng mansion ay nakatingin lang ako sa labas. Nakaearphone lang ako habang si arkishra naman ay nakikipagkwentuhan kay mang carlo. Mag-isa akong nag oocupy ng back seat habang nasa passenger's seat naman si arkishra.

Dumating kame sa mansion, at ang sumalubong samin ay ang mga katulong namin, kasama na ang hardinero at ibang driver.

"Magandang umaga po maam arkishra, maam tricia." binati din namin sila.

Nasa kwarto ako ngayon at nagbabasa ng libro. Nung bata pa ako ito na yung libangan ko. Mahilig din ako sa mga sports at iba pa. Pero hindi naman ako showy para ipakita sa lahat yung talento ko.

Ibinaba ko yung librong binabasa ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Hey!" bumungad sakin si arkishra na may dalang laptop at agad na lumundag ng paupo sa tabi ko.

Habang nagbabasa ako ng libro ay panay ang tawa niya dahil sa may pinapanood siyang funny videos.

"Wahahaha! Nakakatawa naman 'to. Hahahaha!" tawa niya at napahiga sa kama.

"Pwede ka namang mag earphone nalang diba? Binubulabog mo yung pagbabasa ko." mahinahong sabi ko at tiningnan niya naman ako saka tumango.

Natagalan siya sa panonood ng funny videos at ako naman ay hindi nalang siya pinapansin pero hindi maiwasan na nasusuway ko siya dahil talagang ANG INGAY niya. SOBRA!

Nang matapos siyang manood nang funny videos ay lumabas na siya ng kwarto ko at bumalik sa kwarto niya. Nakahinga na naman ako ng maluwag dahil kanina ko pa siya gustong itulak sa kama ko. Keber mo naman talaga! Hindi lang siya wagas makatawa at talagang namamalo 'tong bwiset na babaeng 'to. Ang sakit pa naman ng palo niya. Tss.

Nasa garden ako ngayon at nagdidilig ng halaman. Wala naman akong ibang magawa dito. Kakatapos ko lang din magbasa ng libro. Si arkishra naman nasa kwarto niya at tutok sa laptop niya.

"Oh hija, Ako na jan! Umupo kana lang." bungad ni mang carding sa likod ko.

"Okay lang po mang carding. Magpahinga na muna po kayo. Ako na muna dito. Tsaka wala din naman akong magawa dito." sabi ko at pinagpatuloy yung pagdidilig ko.

"Bakit hindi ka lumabas kasama si arkishra. Mag shopping kayo o kaya naman mamasyal kayo." aniya.

"Kilala niyo po ako mang carding, hindi po ako mahilig sa ganyan. I'd rather stay in this house kesa sa lumabas at pumuntang mall. Besides po enjoy naman ako sa pagdidilig ng halaman dito e." sabi ko sa kanya.

Fell Inlove With HimWhere stories live. Discover now