Tricia's POV
Habang naglalakad kame sa hallway ay hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi sakin ni chase nung isang araw. Agh! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at nasabi niya yun sakin. Hays!
"Ayos ka lang ba?" biglang tanong ni arkishra sakin kaya tiningnan ko siya saka tumango. Nauna akong pumasok sa kanya at dali daling umupo sa upuan ko. Nakita kong nagkukwentuhan sila kaya nagbasa nalang ako ng notes kunwari para naman hindi na nila ako distorbohin o kausapin pa.
"Hindi mo ata gawain 'yang pagbabasa ng notes sa klase." halos mapatalon na ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang magsalita galing sa likod. Bwiset na lalaking 'to!
Nilingon ko siya. "Eh ano bang pakelam mo? Gusto kong magbasa ng notes at wag kang istorbo, pwede?" sarkastiko kong sabi pero tumaas lang yung gilid ng labi niya. "Ayoko nga." sinamaan ko siya ng tingin.
"Baka naman hindi mo pa nakakalimutan yung sinabi ko sayo nung isang araw?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya feeling ko lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat papunta sa mukha ko. Naghuhuramentado ang puso ko ng dahil sa ginawa niya! Hindi ko na siya nilingon dahil alam kong makikita niya yun pagmumukha ko. Gosh chase!
Mabuti nalang at dumating na teacher kaya hindi na niya ako
ginulo pa. Minabuti kong alisin sa isipan ko yung sinabi niya kanina dahil kung hindi, talagang hindi ako makakapagfocus sa discussion namin ngayon.Kakatapos lang ng klase namin at papunta ako sa rooftop. Gusto kong magpahangin. Hindi ko na alam kung ano tong nararamdaman ko. Sa tuwing nakikita ko siya bigla nalang akong kinakabahan at bumibilis yung tibok ng puso ko.
Nafall na ba ako?
Di pwede to. Imposible!
"Denial ka masyado trish. Halata naman na gusto mo na siya."
Naalala ko na naman yung sinabi sakin ni arkishra. Hays! hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Mamaya makikita ko na naman siya at papalapit na yung leadership camp namin at magkasama kame! Gosh!
Napaupo lang ako sa semento at tiningnan ang kabuuan ng school namin. Siguro hindi nalang ako titingin direkta sa mga mata niya--- pero baka anong isipin ng lalakeng yon pag ginawa ko yon. Tsk! Ewan ko ba. Bahala na!
Arkishra's POV
Saan ba pumunta yung babaeng yon at bigla nalang siyang nawala. Kanina pa namin siya hinahanap pero hanggang ngayon wala parin siya.
"Umorder nalang tayo." sabi ko ngitian sila. Luminga linga ako at nagbabakasakaling papunta na siya dito.
"Napakamisteryoso talaga nyang si tricia. Tingnan niyo ha bigla bigla nalang siyang nawala kanina----"
"Hi guys. Pasensya na at pinaghintay ko kayo." nakangiti ito samin pagkatapos ay tumabi sakin. Dumating naman ngayon si chase at tumabi kay zia. Magkaharap silang dalawa ngayon, naabutan ko pang nakatingin si chase sakanya pero nakatuon si tricia sa pagkalikot ng phone niya.
Anong meron sa dalawang to? Hmm.
"San ka galing?" bulong ko sakanya. "May pinuntahan lang." aniya at nakipagkwentuhan kina zia. May hindi sinasabi to sakin at kailangan malaman ko kung ano 'yon.
Malihim talaga tong babaeng to. Like duh! Mapagkakatiwalaan naman ako. Naku!
Habang kumakain kame ay may dumaan sa likod namin at biglang nabasa si tricia. The heck? pati sakin natamaan yung orange juice na binuhusan ni micah. Nag-umpisa nang magbulungan ang mga tao sa loob ng canteen.
"Oh my gosh! I'm so sorry tricia, hindi ko sinasadya. Sorry for being clumsy." paumanhin niya pero bakas naman sa mukha niya yung pagiging sarcastic e halata namang sinadya nang babaeng yan na buhusan ng orange juice si tricia.