Tricia's POV
Hindi ko na inantay pa na may ibang pumasok sa kwarto at kamustahin ang pakiramdam ko. Nilock ko yung pinto. Tsk, biglang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko iyon. Binalik ko ulit 'yon sa sidetable dahil group message lang pala 'yon. Maya-maya may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya tamad akong tumayo at binuksan yun.
"Kamusta?" bungad ni kuya sakin kaya agad ko siyang binato ng unan na swerteng hawak ko pala ngayon.
"Hahaha! Pikon ka talaga eniale." hawak niya ngayon yung unan at tawang tawa habang nakahawak sa tiyan niya.
"What are you doing here?" tanong ko at tiningnan niya. Gusto ko siyang sakalin ngayon. "I don't break my promise." bigla siyang ngumisi at pumasok sa loob ng kwarto ko.
"Kuya!" nilinga linga niya naman yung bawat sulok ng kwarto ko. "Oh? Kagabi lang may bagyo dito. Umalis na? Linis ah." biro niya.
"Gumamit ako ng wand e. Tinaboy ko na yung sinasabi mong bagyo." sarkastikong sabi ko.
"Ha.ha.ha.ha. Funny." pinandilatan ko siya.
"Nga pala, pumayag na si mom na sumama ka." napataas naman ang kilay ko.
'So? wala naman akong gana--'
"Ayoko nga." pagmamatigas ko. Ayokong makita ang pagmumukha ni chase.
"Okay." napatingin naman ako sakanya. "What?" takang tanong niya. "Wala." maikling sagot ko.
"May pupuntahan kame ni AJ." sabi niya kaya tumango ako.
"Sumama ka. Is it a yes? or a yes?" ngumisi ako at tumango.
"Yes, pero ako na muna ang magdadrive papunta." tumaas naman ang kilay niya. "And why?" tanong niya kaya umiling ako.
"Wala lang. Sige na kuya, please?" nagmakaawa pa ako niyan sakanya kahit di ko namang ugali ang magmakaawa. Sa huli pumayag siya kaya palihim akong ngumisi.
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na din siya at ako naman ay nagready na.
"Mag-iingat kayo." tumango naman ako kay manang at lumabas na.
"Kuya? San ba tayo pupunta?" tanong ni AJ. Imbis na balingan niya ng tingin at sagutin ito. Sakin siya tumingin. "Bistro." malamig at maikli nitong sagot. Napaawang konti yung bibig ko at nagkatinginan kame ni AJ. He just shrugged his shoulder.
Pinaandar ko na yung kotse papunta sa bistro at hindi ko na natuloy yung balak ko dahil wala sa mood si kuya at baka sakin niya pa pagbuntungan yung galit niya. Palihim ko siyang tiningnan sa rear mirror at nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang pinapaikot ang cellphone sa bawat daliri niya. Ano kayang nangyari? Bakit ang lalim ng iniisip niya? Nag-away kaya sila ni ate leslie? Tss. LQ siguro sila. Hindi ko nalang siya pinansin pa. Habang pinaparada ko yung kotse ay biglang nagsalita si kuya.
"May kakausapin lang ako. Wait for me, sabay na tayo." sinenyasan niya yung phone niya kaya tumango ako. Tinaasan ko ng kilay si AJ nang ikiskis niya yung dalawang palad niya habang nakangisi.
"Umaayon sakin yung tadhana ah." nang akma siyang papasok sa loob ay hinawakan ko yung balikat niya. Taka naman siyang tumingin sakin. "What?" inalis niya yung earphones sa tenga niya. Kaya naman pala, tumaas ang gilid ng labi ko.
"Tss. Let's wait for kuya." sabi ko at tumawa naman siya. "Really? Wala naman akong narinig e." napaface palm nalang ako.
"You didn't hear anything, its because naka earphone ka." sabi ko at ngisian niya ako.
"Are you afraid ate na baka dumugin ako ng mga babae sa loob?" nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.
"Ano?! tss. Mahangin ka rin pala AJ no. Baka ikaw pa ang----"