Tricia's POV
Pagkatapos nang huling game namin ay nagsibalikan na kame sa loob dahil maglalunch na kame.
"Napansin ko lang bakit wala si micah dito?" takang tanong ni naomi. Oo nga no?
"Yeah napansin ko nga yon. Tsaka madalang nalang siyang pumasok sa klase. Anyare don?"
Napapansin ko nga din 'yon. Tapos nung isang araw nakita ko siyang nakatingin sa malayo tapos nung nakita niya ako biglang tumaas yung kilay niya atsaka tinalikuran ako habang nagflip hair.
Nang matapos kameng makakuha ng pagkain ay umupo na kame at nagsimulang kumain ng biglang bumulong si arkishra saken.
"Hindi ko nagustuhan yung ginawa ni jasmin kanina. Nakita mo 'yon?" napatango naman ako. Ewan ko sa iba kung napansin nila 'yon pero ako kitang-kita ng dalawa kong mata kung anong ginawa niya.
Kanina kase habang naglalaro sila dahil as usual di parin ako sumali. Taga cheer at taga tingin lang ako sa game. Habang grupo na nila yung naglalaro tinulak niya yung isang babae na galing sa team nila kiel which is yung blue team na nga. Dahil kailangan protektahan nina kiel yung babaeng kasamahan nila na siyang may hawak nung telang kulay blue at kailangang kunin iyon ng kabilang grupo. Nang dahil sa nangyaring 'yon. I mean yung tinulak ni jasmin yung babae ang resulta sila yung nanalo.
"Ikaw naman bakit ang KJ mo? Ni hindi man lang sumali kahit sa isang game." inirapan ako ni arkishra. Hindi ko siya pinansin pero biglang nagsalita si kiel.
"Siya kasi yung taga cheer kay chase--- ay este sa grupo nila. Wagas kung makasigaw kanina e." nagtaas baba yung kilay niya habang nakatingin sakin. Sinamaan ko siya ng tingin peri tumawa lang ito. Ganun din yung ginawa ng iba pa naming kasama. Mga wala talagang magawa.
"Shut up kiel." suway sakanya ni chase. Nagsitahimik naman silang lahat. Palihim naman akong sinikuan ni arkishra kaya paimpit akong napadaing dahil sa sakit. Swear lakas nang pagkasiko niya sakin. Mababatukan ko na talaga 'to. Nahuli kong nakatingin si chase sakin habang nakakunot yung noo kaya umakto nalang ako na para wala lang. Observer talaga nitong isang 'to.
Pagkatapos naming maglunch ay lumabas na kame. Wala pa yung facilitator namin kaya nag-uusap usap muna kame.
"So kanino ka nakahiram ng damit pamalit kiel?" natatawang tanong ni arkishra.
"Kanino pa ba? Edi kay isaiah lang naman. Pagdating ko kasi sa harap ng pinto hindi ko na maopen. Tinawagan ko siya tapos hindi naman sinasagot kaya tumakbo na ako papunta sa kwarto nila isaiah. Badtrip talaga ako don."
"Karma mo 'yon." bulong ni naomi na nasa tabi ko. "Oy! narinig ko yung sinabi mo ah! Kontrabida mo talaga kahit kailan!"
"Ang bully mo din!" hanggang sa nag-away na silang dalawa. Inawat naman sila ni tyler. Para talaga silang mga bata!
"Students settle down, magsisimula na tayo." nandito na yung facilitator namin kaya bumalik na ako sa grupo namin.
"Tricia, asan na si chase?" ngayon ko lang din napansin na wala pa si chase.
"Hindi ko alam e. Kanina kasama lang namin, siguro nag cr lang." sabi ko nalang kasi hindi ko naman alam kung saan siya.
Pagtingin ko sa harap nakita ko siya na naglalakad patungo samin.
"For our first activity kailangan nyong mahanap yung box na kulay gold at may laman yung box na 'yon. Hindi ko na sasabibin kung anong meron don but it's for you to find out." explain niya samin. Nakikinig lang kame sakanya.
"Naiintindihan niyo ba lahat ng sinabi ko?" nag yes naman kame sakanya. Kaya nung magsimula na ay naghiwahiwalay na din kame. Hindi kame nagsama sama para naman madali naming mahanap yung box na 'yon. 3 box lang kasi ang meron kaya kailangan naming mahanap 'yon para hindi maeliminate yung team namin.