Tricia's POV
First day of school namin ngayon kaya maaga kameng gumising ni arkishra. Pagbaba namin ay nasa dining room na si mom at naghahain ng breakfast. At tinutulungan naman siya ni manang.
"Goodmorning girls." bati ni mom kaya binati din namin siya.
"Goodmorning manang! mom! mga ate!" bati ni AJ pagkababa niya.
"Goodmorning." nakangiting sabi din ni mom.
Habang kumakain kame ay biglang nagsalita si mom.
"By the way, malapit na palang umuwi ang kuya jasper niyo."
"Talaga? That's great and good mom! Sa wakas may buddy na ako." nakahinga naman ng maluwag si AJ kaya natawa kame. Paano ba naman eh lahat ng kasama niya dito ay puro babae. Pwera nalang sa hardinero at driver namin na lalake. Pero hindi naman niya pwedeng ayain sila mang carding at mang carlo. Hahaha!
"Tss. Sabihin mo hindi ka lang talaga makaalis ng basta basta dito dahil wala kang kasamang hihingi ng permiso kay mom para makagala ka. Ano?" biro ko sa kanya kaya nag pout naman siya.
"Haha! Oh tama na yan. Let's eat baka malate kayo.
Pagkatapos naming magbreakfast ay sinukbit ko na yung bag sa balikat ko at nagpaalam na kame kay mom.
"Mom! Manang mauna na kame." sabi namin.
"Takecare okay? Drive safely." tumango naman kame.
Pinaandar na ni arkishra yung kotse papuntang school. Nakaearphone lang ako habang nasa byahe pa kame. Hindi nagtagal ay nakarating na kame at pinarada na ni arkishra yung kotse.
"Ate trish may practice kame mamaya sa soccer. Baka magabihan ako." paalam niya kaya tumango lang ako.
"Okay. We'll wait for you." tumango naman siya at naghiwalay na kame.
"I'm so excited! new classmates, new faces." hindi ko siya pinansin at naglakad papunta sa room namin or should i say magiging room namin.
Nang makapasok na kame sa loob ng classroom ay agad akong umupo sa may bandang likuran at napatingin sa labas. Nasa tabi ako at malapit sa may bintana. Habang hinihintay namin yung teacher na papasok ay nabagot ako kaya pinatong ko yung ulo ko sa desk ng upuan at napapikit. Hindi nagtagal ay biglang nagtilian yung mga kaklase naming babae. Sakit sa tenga! Malamang boys na naman yan kaya hindi ko nalang sila pinansin. Naramdaman kong naglakad sila papunta sa likuran namin.
'Eh malamang dun sila uupo!'
"Huy gising na." sinundot sundot niya yung tagiliran ko kaya inangat ko yung ulo ko at tiningnan siya ng masama. Maya-maya ay may pumasok na dalawang babae at umupo sa tabi namin. Bale tabi ni arkishra yung dalawa dahil nasa gilid ako.
Sakto namang pumasok na yung teacher at agad na nagdiscuss. Dito kasi kapag unang araw palang ay hindi na nagiintroduce ng sarili. Tatawagin ka nalang ng teacher at tatayo ka nalang para sumagot. Well sabagay may point naman din kasi hindi magtatagal ay makikilala naman din namin ang isa't-isa. Dahil nasa iisang classroom lang kame. Magkikita parati.
Habang natuturo yung guro sa harap ay nakikinig lang ako sa kanya. Matapos nun ay nagdismiss na din siya.
Pagkatapos nun ay nagtuloy tuloy ang klase namin. Hmmm wala naman ding masyadong nangyari dahil puro lectures lang ang naganap dahil first day of school palang naman.
Nagpaalam ako kay arkishra na magccr muna ako dahil kanina pa ako naiihi. Habang naglalakad ako papalapit sa women's cr ay may narinig akong sumisigaw.