Tricia's POV
Busy ang lahat ngayon dahil next week na ang socialization. Kanya-kanya lahat sa pag practice at pag assemble ng venue.
"May practice kayo?" tanong ni naomi sakin. Mukha wala siya sa mood. "Oo. Kayo?" tanong ko pabalik sakanya.
"Meron din." matamlay nitong sagot. "Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" bigla siyang umiling.
"Sige! Una na ako! Magsisimula na yung practice namin!" tumakbo na siya palayo sakin habang kumakaway.
"Weird naman niya." bulong ko. "Triciaaa!!" nilingon ko kung sino man yung tumawag sakin.
"Oh bakit?" ngayon naman sumisigaw na siya. tsk. "Magpapractice na tayo." kumunot yung noo ko. Natawa naman siya sa inasta ko at ngayon ko lang narealize na magkapartner pala kame. Ayy bobo mo talaga tricia. Nakakahiya!
"Saan naman?" patay malisya ko nalang dahil talagang blangko ako ngayon. Umayos ka nga tricia. "Garden." tumango ako at kinuha yung gitara ko tsaka kame nagtungo papuntang garden.
"Mas mabuting dito na tayo. Marami din kasing nagpapractice sa loob ng hall." sabi niya kaya ngumiti lang ako.
"Yeah mas gusto ko nga dito. Makakapag concentrate talaga tayo." ngumisi naman siya kaya agad kong binatukan.
"Aray! Ang sakit non ah!" hawak hawak niya ba yung batok niya habang nakatingin sakin. "Yang utak mo talaga." umiling iling ako. Natawa naman siya kaya hindi ko nalang pinansin.
"Napagkasunduan natin na ito na 'yung kakantahin." pinakita niya sakin yung song sa phone niya at tumango naman ako dahil sa mga socialization, ito ang gusto gusto ng mga estudyante.
"Ako nang mag gigitara." sabi niya at nilahad ang kamay niya para kunin yung gitara ko.
"Akala ko ba----"
"Kakanta ka. Dalawa ang gagawin ko." tukoy niya na siya na ang kakanta at magigitara. Tsk! Binigay ko sakanya yung gitara at nagsimula na siyang magstrum.
Habang kumakanta ako ay nakatingin lang ako sa gitara at nakikita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin siya sakin at naiilang ako. Para naman hindi masayang yung effort niya sa pagstrum ay hindi ko nalang binigyan pansin yung ginawa niya. Hanggang sa dumating na sa point na kailangan na naming magduet. Maganda ang kanta at talagang hindi naman kame nahirapan sa pag practice.
"Akala ko mahihirapan pa ako." bahagya siyang natawa habang tumingin sakin. "Wow ah. Bakit mo nasabi 'yan?" tanong ko.
"Wala naman. Akala ko kasi--- well akala ko kasi once na makakapartner ko ang isang baguhan ay mahihirapan ako sa pag adjust. And i was wrong." sa isip isip ko binatukan ko na siya.
'Wow! Ang taas na ng tingin niya sa sarili niya. Pwes! hindi ako ganon.'
"Iba ka din talaga e no. Bilib na bilib ka sa sarili mo. Well, may kasabihan nga na 'Don't judge the book by it's cover.' tsaka sanay na din ako sa mga ganito. I mean sa ganitong may kaduet dahil ginagawa namin 'to ni kuya. Tss, batukan kita jan!" bulong ko at alam kong napansin niya 'yon.
"Haha. I'm sorry okay? Nung una alam kong magaling kana. Kaya hindi ako nagsisi na ikaw ang nakapartner ko. Gusto lang talaga kitang inisin at asarin." tiningnan ko siya ng masama.
"Tell me, ano bang nakukuha mo kapag nagagawa mo 'yon sakin?" seryoso kong tanong sakanya. "Wala naman. Gusto ko lang makita yung mukha mo dahil para kang kamatis dahil sa sobrang pula ng mukha mo. Katulad ngayon." turo niya sa mukha ko.
"Chase!!" hinabol ko siya dahil nagtagumpay siya sa pang iinis sakin at ang loko tawang tawa habang iniiwasan ang palo ko. Para kameng bata na nagtatakbuhan sa loob ng garden. Tss, hindi ko akalaing nagagawa ko 'to.