Tricia's POV
"Don't forget your assignments for tomorrow. Class dismissed." lumabas na ang teacher namin kaya nag-ayos na ako ng gamit.
Nagpaalam ako sakanila na pupunta akong library dahil may titingnan akong book kaya pumayag sila. Habang naglalakad ako sa hallway ay wala masyadong estudyante.
Nang makarating ako sa library ay pumunta ako sa isang section ng mga libro dahil nandun ang hinahanap ko. Habang hinahanap ko ang libro na 'yon sa bookshelf ay nakita kong nasa mataas na parte ito. Although mataas naman ako pero mas mataas ang kinalalagyan ng libro. Luminga linga ako sa paligid at may nakita akong lalake nasa malayo banda sakin. Matangkad sakin kaya baka pwede akong humingi ng favor sakanya.
Lumapit ako sakanya. Kahit makahiya pero sige nalang, kakapalan ko nalang mukha ko.
"Excuse me?" sabi ko pa sa lalake pero nanatili siyang nakatalikod. "Pwede ba akong humingi ng favor?" pakapalan na 'to ng mukha. Dahan dahan siyang humurap sakin kaya nagulat ako ng makitang si chase ito. Nakataas ang kilay niya habang tumingin sakin.
"Ano?" sabi pa nito. "Ahm, yung ano kasi-- yung libro, hindi ko maabot e. Pwede mo bang abutin 'yon para sakin?" pagmamakaawa ko.
"Saan ba?" tanong niya kaya tinuro ko yung libro. "Yan oh." bigla siyang naglakad papalapit sakin kaya nataranta ako dahil makokorner niya ako. Ang resulta, nakorner niya ako kaya naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
'Masyadong mabilis yung kilos niya. Hays.'
"Eto ba?" tanong niya at binaba ang tingin sakin. Bahagya akong tumingala dahil nga matangkad siya ng konti sakin. Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Tango lang ang naisagot ko sakanya.
"Here." sabi niya at inabot sakin. Nang kukunin ko na 'yon ay bigla niya naman itong itinaas.
"Abutin mo muna." ngumisi ito kaya napabuntong hininga ako. "Give me that book." sabi ko pa sakanya at pinilit itong abutin.
"Abutin mo." may halong pang-aasar yung tono ng pagkasabi niya. Talaga naman!
"Give me that book!" pabulong kong sigaw sakanya. Andito na naman tayo. Sumandal siya sa bookshelf habang hawak parin ang book.
"Oh." abot niya sakin ng book. Agad ko yung kinuha at hindi nagpasalamat sakanya. Bahala siya dyan! Lumabas na ako ng library.
Habang pabalik ako sa classroom ay nakasalubong ko ang grupo nina andrada. Nakayuko lang sila at hindi makatingin sakin.
'Anyare sa mga 'yon? Himala at hindi na ako ginugulo.'
Pagdating ko sa classroom ay napagpasyahan naming magtungo na sa canteen.
"Asan na si chase?" rinig kong tanong ni naomi. "Baka papunta na 'yon dito. Antayin nalang natin." sabi pa ni zia.
"Oh there you are!" sabi ni zia at naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"Hmm." sabi pa nito. Hindi ko siya nilingon.
"Malapit na ang camp natin. Anong plano niyo?" tanong ni zia. "Sa pagkakaalam ko yung camp na 'yon ay maraming activities at siguradong mag-eenjoy tayo. Marami din tayong makikilalang ibang students." saad ni tyler.
"At marami din akong makikilang chicks." nagtaas baba naman yung kilay niya. Playboy na 'to! Tsk.
"Syempre sasama! Required din naman siguro 'yon?" ani ni kiel.
"Yes. Required 'yon para satin." bigla namang inangkla ni arkishra ang kamay niya sa braso ko. "Sana kagrupo tayo." tayo." sabi nito at bumitaw din pagkatapos tsaka kumain ulit.