Chapter 17

39 4 0
                                    


Arkishra's POV

Pagkatapos ng meeting namin ay dumiretso kame sa venue kung saan gaganapin yung socialization. Wala na naman kameng maitutulong dahil malapit nang matapos. Habang naglalakad ako ay nakita ko si tricia na naglalakad papunta sa direksyon ko pero nakayuko ito habang naglalakad.

"Anong nangyari kay tricia?" takang tanong ni naomi. Kasama ko sila nina isaiah at kiel.

"Mukhang nangangamoy LQ ata ang dalawa--- aray ko naman!" binatukan siya ni naomi. "Isa ka pa. Shut up." hindi na nagsalita pa si kiel kaya nilapitan ko si tricia.

"Trish!!! Asan na 'yung pagkain?" tinaas niya yung ulo niya at tiningnan ako ng blangko. Pero tumaas ang gilid ng labi niya.

'Hala? Ano namang nangyari?'

"Wag mo itanong sakin 'yan. Hindi naman ako ang bumili ng pagkain para sainyo. Dun sa kasama ko, dun niyo kunin sakanya." kalmado nitong sabi at nilagpasan kame.

"Anong problema non?" takang tanong ni naomi kaya nag shrug lang ako ng balikat ko.

"Oh anjan na si chase!" sabi ni kiel at kinikis ang magkabilang palad niya. "Ayon! May pagkain na." sabi nito at tumakbo papalapit kay chase. Wala din sa mood si chase at blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito.

"May nangyari nga talaga. Nag-away ata sila." bulong ni naomi at umiling-iling.

"Kumain na kayo." binigay sakin ni chase yung tatlong plastic na may pagkain sa loob.

"Ang rami naman nito." bulong ko. Napatingin ako kay chase na naglalakad palayo samin.

Habang kumakain kame ay dumating naman sina zia at tyler.

"Oh? Bakit kayo lang? San niyo nakuha 'yang pagkain na 'yan?" tanong ni zia.

"Binili ni chase. Umupo na kayo, kain tayo!" yaya ni kiel. "Wala sina chase at tricia. Mukhang LQ--- ay este wala sila sa mood." patuloy niya.

"Huh? Bakit naman?" takang tanong ni tyler.

"Hindi namin alam. Kanina kasi lumabas sila at pumuntang mall. Ayos naman sila kanina, pero pagbalik nila dito. Ayun! wala na sila sa mood. Nag away ata yung dalawa." paliwanag ni naomi at tumango tango naman si zia.

"Nangangamoy..." sabi niya pa at tumango tango.

Pagsapit ng hapon ay nagsiuwian na kame. Pero hindi ko parin mahanap si tricia. Kanina ko pa diya kino-contact pero hindi siya sumasagot.

"Hinanap na namin siya kung saan saan pero hindi namin siya makita." napakamot sa batok si kiel. Tumagos ang paningin ko sa likod ni kiel at nakita ko si tricia habang humihikab at kinukusot ang mata niya. Agad akong tumakbo papalapit sakanya.

"Tricia! San ka ba galing?!" sinamaan ko siya ng tingin. "Natulog." maikling sagot nito.

'Anak ng tokwa naman!'

"Uuwi na tayo." tumango lang siya sakin at dumiretso sa kotse. Napakamot silang lahat ng batok kaya nagpaalam na ako sakanila.

"Mauna na kame. Ingat kayo!" sinundan ko si tricia at sumakay na ako ng kotse. Nasakin pala yung susi kaya ako na ang nagmaneho.

"Ano ba kasing nangyari. Para kameng hanging kanina dahil sa inasta niyo ni chase." sinulyapan ko siya sa rear mirror.

"Long story." bored na sabi nito at tumingin sa labas. "Pwede mo namang paikliin nalang diba? Summarize mo nalang." hindi niya ata na gets na joke 'yon kaya tumahimik nalang ako. Pero nagulat ako dahil nagkwento siya mula sa simula hanggang sa nakasama nilang kumain si jasmin daw 'yon sa isang restaurant. Hanggang sa kahuli hulihan.

Fell Inlove With HimWhere stories live. Discover now