Chapter 21

47 3 0
                                    

Tricia's POV

"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko dahil napunta kame ngayon dito sa park. Nakapunta na ako dito nung dinala niya ako dito. Hindi ko makakalimutan yung ginawa niyang pambablackmail sakin.

"Magpalamig ka. Para kana kasing sasabog kanina sa sobrang pula ng mukha mo. Ewan ko kung dahil ba sa galit o---"

"Tumahimik ka jan." may pagbabanta sa boses ko dahil alam ko na kung ano yung susunod niyang sasabihin.

"What? hindi mo naman alam kung anong sasabihin ko pero pinangunahan mo ako." nakangisi niyang ani.

"Oh please, tumigil kana jan sa mga ngisi ngisi mo." agad akong lumabas ng kotse at naglakad palayo sakanya. What the heck? Mygosh baka pula na yung mukha ko ngayon dahil sa kahihiyan!

"Hey ba't ka ba nangunguna? Hintayin mo ako!" rinig kong sigaw niya mula sa likod. Dali dali akong tumakbo palayo sakanya at hindi ko na tinitingnan yung dinadaanan ko dahil nakapikit ako habang tumatakbo. Lupa please bumuka ka ngayon na at lamunin mo ako ng buong buo please!

"Tricia stop!" rinig kong sigaw ni chase pero di ako nagpatinag hanggang sa naramdaman ko nalang yung matigas na bagay na tumama sa paa ko dahil para bumagsak ako sa lupa.

Wala akong nagawa kundi ang pumikit nalang dahil alam kong matutumba talaga ako. Hays! ang bobo mo talaga tricia! Clumsy mo masyado.

Nagtaka ako kung bakit hanggang ngayon wala akong maramdaman na sakit o kahit ano sa katawan ko na tumama sa lupa. Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko at napatitig ako sa mukha ni chase dahil ang lapit nito sa mukha.

"Okay ka lang ba?" bakas sa itsura niya ang pag-alala. Hindi agad ako nakapagsalita dahil nga sa gulat ko. "Hey!" bulyaw nito kaya nabalik ako sa ulirat.

"H-ha? A-ah oo n-naman! Okay lang a-ako. S-salamat!" inayos ko yung sarili ko at napahawak sa noo. Jusko naman! Nakakahiya ka tricia!

"Tss. Sa susunod wag kang tumakbo na nakapikit yung mga mata mo. Clumsy." aniya pa kaya napakamot nalang ako sa batok ko. Naglakad siya papunta sa isang bench at dun umupo. Sinundan ko siya at umupo din sa tabi niya.

"Nakakastress." pabulong kong sabi. "Saan ka nastress?" nagulat ako sa sinabi niya. Teka ano bang pinaparating niya sakin?

"Malamang dun sa mga babaeng 'yon." agad kong sagot. "Sa tingin ko nga." ngumisi siya.

"Hoy bakit akala mo nastress ako dahil sa sinabi ng kapatid ko na ikaw yung boyfriend ko? Duh! Manigas ka." dire-diretso kong sabi at maging ako nagulat sa sinabi ko. Maging si chase natulala sakin dahil--- Wtf? Did i just say that?

Nanlaki ang mata ko dahilan para talikuran ko siya. Tatakbo na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.

"Tatakbo kana naman?" seryosong ang tono ng boses niya. Napapikit ako dahil sa hiya. Araw ko ba talaga ngayon? Hindi ba pwedeng maging maganda yung araw ko na kasama itong lalakeng 'to? I mean yung chill lang. Walang awayan o ganito. Gosh!

Humarap ako sakanya kahit alam kong pulang pula na yung mukha ko.

"Nabigla lang naman ako sa sinabi ko. Okay? Ang ibig ko lang naman sabihin naistress lang ako dun sa mga babae kanina. Yun lang 'yon." tinaasan niya ako ng kilay.

"Then? Ano namang masama o mali sa sinabi ko sayo kanina at naging ganon nalang ang reaksyon mo?" takang tanong niya.

'Boom!'

"I-iba kasi yung t-tono ng pagkasabi mo e." napayuko ako.

"Tsk. Maayos naman yung pagkakasabi ko sayo kanina. Sadyang ikaw lang talaga 'tong kung ano ano iniisip. Masyado ka namang affected. Kaya tuloy ngayon nagiging defensive masyado." agad akong napatingin sakanya.

Fell Inlove With HimWhere stories live. Discover now