Chapter 11

50 4 0
                                    

Tricia's POV

"Gutom pa ako." napatingin naman kameng lahat kay arkishra ng magsalita ito.

"Ano?! Eh kakakain palang natin e! Gutom kana naman?! Anong klaseng tiyan meron ka?!" gulat na sabi ni naomi.

"Haay. Ako din gutom pa e. Balik tayong canteen." bigla siyang hinila ni isaiah kaya sabay silang bumalik ng canteen. Napailing nalang ako dahil para silang hindi nabubusog. Mukhang pang dalawahang tao na ang inorder nila kanina pero hindi parin sila nabubusog. Goodness!

"Hoy." tiningnan ko siya ng masama ng itulak niya ako ng mahina. Aba! Loko 'to ah. "Galit ka ha?" maangas niyang sabi. Jusko! pigilan niyo ako masasapak ko talaga 'tong taong 'to.

"Hindi po. Ano po bang sasabihin mo?" sarkastikong sabi ko kaya tumikhim naman siya bago nagsalita. Tss.

"Samahan mo ako mamaya." napantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Ano daw? Ako sasama sakanya? "Susunduin nalang kita mamaya. Tsaka nakapagpaalam na ako sa kuya mo." iniwan na niya ako at naunang maglakad. What the heck?! Ito na ba yung sinasabi niyang kabayaran? Talagang inunahan na niya ako. Pumayag na si kuya! Kainis! balak ko pa namang sabihin na wala ako sa mood.

Nakabalik sina isaiah at arkishra bago magsimula ang klase namin. Pagkatapos ng klase ay umuwi na kameng dalawa ni arkishra. Pagdating ko ay nakaabang na si kuya sa may pinto habang naka crossed arms. Nauna nang pumasok si arkishra kaya ako nalang ang naiwan.

"Kuya-------"

"Oo alam kong may lakad kayong dalawa ni chase. Pumayag ako kaya sumama kana." tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka naman pumayag kuya?" tanong ko.

"Kasi sabi niya may utang ka daw sakanya. Yun daw ang kabayaran. Kaya pumayag ako, tsaka kilala ko naman si chase e. Matino yung lalakeng 'yon. Teka nga, ano ba yung utang mo sakanya?" nakangising tanong nito sakin.

"Wala akong utang sakanya kuya. Palusot lang ni chase 'yon." sabi ko at mas lalo naman siyang napangisi. "So ang sinasabi mo, palusot lang ni chase 'yon at ginawa niya lamang 'yon para makasama ka------"

"Kuya!" pinandilatan ko siya. "Oh bakit? Masyadong ka namang defensive. Napaghahalataan-----"

"Kuya, isa!" hindi ako makapasok sa loob dahil nakaharang siya sa daanan. "Dalawa, dos, two. Maya-maya nandito na 'yon. Hintayin mo nalang. Bye!" ginulo niya lang yung buhok ko tsaka siya tumalikod sakin habang tawang-tawa. "Tsk, mang-aagaw talaga ng linya." pumasok na ako sa loob at binati ko muna si mommy at mamang bago ako dumiretso sa kwarto ko.

Para akong pagong habang nagbibihis. Kainis naman kasi e! Pumayag pa talaga si kuya. Ano ba talagang balak niyang chase na 'yan? tss. Maya-maya narinig kong may bumusina pero hindi ko iyon pinansin. Manigas ka dyan! Dahan-dahan pa akong gumalaw para naman mas mainip siya do'n.

"Tricia! Kanina pa nag-aantay si chase dun sa baba! Ang bagal mo namang kumilos." sinamaan niya ako ng tingin at biglang ngumisi at paimpit na tumili.

"H-hoy! Mali yang iniisip-----"

"Aysus! Nagdeny pa ang tricia. Oh basta bilisan mo na diyan. Umuusok na ang ilong no'n kakahintay sayo. Emjoy!" kumaripas na siya ng takbo palabas ng kwarto ko. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba nalang at puntahan siya sa labas.

"Bakit ang tagal mo?!" inis niyang tanong pagkasakay ko ng kotse. "Ah kanina ka pa pala nandito? Naku, hindi ko narinig--- ay nakaheadphones pala ako kanina." sinadya ko talagang hindi humingi ng paumahin sakanya.

"Kanina pa ako naghihintay dito. Pinagtitripan mo ba talaga ako?!" tiningnan ko naman siya. "Naku! Hindi ah. Hindi ko naman kasi----- Fuck!" nagulat ako nung pinaharurot niya yung kotse paalis kaya naghanap ako ng pwedeng pangkapitan dahil hindi pa ako nakapag seatbelt no'n.

"H-hoy! Baka mabangga tayo! Gosh! Chase!" hinampas ko siya pero parang wala siyang narinig. "B-BALAK MO BA TALAGANG MAGPAKAMATAY KANG BWISET KA?! PWES WAG MO AKONG ISAMA! IBABA MO AKO NGAYON!!"

"Shut up." mas lalo niyang binilisan yung pagmamaneho niya kaya parang mahihiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko. Pagnakababa ako dito humanda ka sakin dahil babaliin ko yang buto mo! Bwiset!

Napapikit nalang ako dahil ayokong tingnan yung dinadaanan namin habang mabilis ang pagmamaneho niya. Naramdaman ko nalang na huminto na yung kotse. Pumasok agad sa isipan ko yung sinabi ni kuya.

"Kilala ko naman si chase e. Matino yung lalakeng 'yon." gusto kong ipamukha kay kuya na matino ba talaga ang pagkakakilala niya dito sa lalakeng 'to? Eh gusto pang mandamay nitong bwiset na 'to e. Siya nalang mag-isa ang magpakamatay! Wag niya akong isama. tss.

"Bumaba kana jan----" agad ko siyang natulak at mabilis na tumakbo sa sulok at dun ako napasuka. Makakalbo na talaga kitang ugok ka! Nang matapos ako ay hinarap ko siya at agad na hinila ang buhok niya. Matangkad siya kaya kailangan ko pang makakuha ng tiempo para maabot yung buhok niya.

"A-aray! M-masakit! B-bitawan mo nga y-yang buhok k-ko!" nahawakan niya yung kamay ko at nagulat ako ng higitin niya ako papalapit sakanya habang yung isang kamay niya nakahawak sa beywang ko.

Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakakilos. Naestatwa ako habang nakatingin sa mga mata niya. Shit! ano bang nangyayari sakin! Kumalas ako sa pagkakahawak niya at tsaka ako tumalikod sakanya.

Okay? What was that? Nakakahiya ka tricia! Goodness! Nauna akong maglakad. Wala akong pakealam kung saan man ako mapadapad. Jusko!

"Hey!" hinigit niya yung kamay ko. "San ka ba pupunta sa tingin mo?" serysong sabi nito. Ngayon ko lang napansin na sa isang park pala kame pumunta. Seriously?!

"Diba pwede namang dumaan dito?" tanong ko at tinuro yung daang tinatahak ko. Umiling naman siya. "Papuntang exit na 'yang tinatahak mo." hinila niya ako pabalik kaya wala akong nagawa kundi ang magpatianod nalang.

"Ang baduy mo." biglang lumabas sa bibig ko kaya napahinto siya sa paglalakad at humarap sakin habang seryoso.

"Ano kamo? Ulitin mo nga." sabi nito kaya napairap nalang ako sa kawalan. "Bingi din pala 'to. Tsk, ang sabi ko ang baduy mo." nanlaki naman yung mata niya dahil sa sinabi ko.

"Anong sabi mo?! Anong baduy ka jan!" natawa ako sa inasta niya. "Tss. Napaghahalataan ka. Defensive mo e." pinandilatan niya ako. "Hindi ako baduy no! Ito yung paborito kong lugar." tumaas naman yung gilid ng labi ko. Baduy nga talaga siya. Paboritong lugar niya raw 'to.

"Bahala kana kung paborito mo 'tong lugar. Wala na akong pakelam. Teka-- ba't ba kasi tayo napadpad dito? Marami namang lugar dito na pwede mong puntahan e. Ba't dito pa!" pagmamaktol ko.

"Mas gusto ko dito. Samahan mo muna ako dito. Kahit sandali lang." umupo kame sa isang bench. May magagawa pa ba ako? tss. Tahimik lang kameng dalawa at walang nagkikibuan. Nakatingin lang ako sa buwan. Ang ganda pala ng view dito. Ngayon alam ko na kung bakit gusto niya dito. Refreshing din pala dito.

"Ayos kana ba?" biglang tanong niya. Napatingin naman ako sakanya. "Oo." yun lang ang nasagot ko.

"Sa sususnod mag-iingat ka. Muntik ka nang-----"

"Stop. Shut up." bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko.

"Bakit ka pala napunta do'n?" curious kong tanong.

"None of your business." sabi niya at bigla siyang tumayo hinila ang braso ko. Oo as in LITERAL NA HINILA! What the heck?!

"WHAT----"

"Shut up." nilagay niya yung index finger niya sa bibig ko kaya nabigla ako sa ginawa niya. Humakbang naman ako palayo sa kanya at iniwas ang tingin niya.

"Okay fine." naglakad lang ulit kame. Hindi parin mawala sa isip ko kung paano siya napunta don. Ewan ko.

Ang bilis ng oras at napagod ako ng sobra dahil ikaw ba naman kain tapos lakad tapos ugh! Basta! May ganitong side din pala itong lalakeng 'to. Pagkatapos nang lahat ng 'yon at hinatid na din niya ako pauwi. Winarningan ko na siya ngayon na magdahan dahan sa pagdadrive at buti naman sumunod siya. Hays.

Pagdating namin sa tapat ng bahay ay nasa labas si kuya ng gate. Whoa! Kanina pa siya jan? Haha.

"Thanks." sabi ko at tumango lang siya. Nauna na akong pumasok sa loob. Nakita ko pang nag-uusap silang dalawa ni kuya. Dumiretso na ako sa kwarto dahil napagod ako ng sobra sa lakad namin.

Fell Inlove With HimWhere stories live. Discover now