Chapter 1

431 17 0
                                    


Chase POV

Naboboring ako sa bahay kaya naman naisipan kong maglakad lakad muna sa loob nitong subdivision. Naisipan kong dalhin si max, yung aso ko. Isa siyang siberian husky.


Kapag kasi wala ako ginagawa sa bahay ay dito lang ako sa loob ng subdivision naglililibot o kaya naman nasa bistro lang ako. Summer palang naman ngayon pero malapit na ang pasukan. Nasa kalagitnaan kame ng paglalakad ng biglang may tumawag sakin. Binaba ko muna si max dahil karga karga ko siya.


'Calling... Kiel'


"Oh?" bungad ko sa kanya. Ano na naman kaya ang gusto nitong ugok na 'to? Tss.


"Wow dre! Ang ganda naman ng bungad mo sakin! Wala man lang bang----"


"Tss. What do you want kiel?" pag iistraight to the point ko sakanya.


"Bistro tayo mamaya. 7pm! Pupunta yung dalawa, don't worry."


"Tsk. Maghuhunt kana naman ba ng chicks ha?!"


"Mismo." agad kong binaba ang phone ko ng tumawa siya ng malakas. Binulsa ko na yung phone ko.


Pagtingin ko sa baba ay wala na si Max.


'Asan kana naman ba nagsuot max!'


Hinanap ko siya ng hinanap pero wala akong nakitang bakas niya.


"MAX!" nilakasan ko yung sigaw ko dahil alam kong kapag narinig niya akong tinatawag siya ay tatahol yun.


Naglakad lakad ako at hindi nagtagal ay narinig kong tumahol siya. Dali dali kong sinundan yung tahol niya at nakita kong hawak siya ng isang babae. Ngayon ko lang siya nakita dito. Dayo lang siguro o bagong lipat.


Mukha siyang nataranta kaya bigla siyang natisod at bumagsak sa damuhan. Tumakbo papunta sakin si max kaya kinarga ko ito. Tumalikod na ako sa kanya.


"San-san ka talaga nagsususuot max! Ang likot mo talaga. Tingnan mo malapit kanang makuha ng iba. Buti nalang hindi natuloy." sabi ko at sinadya ko yung iparinig sa kanya. Hinaplos haplos ko yung balahibo ni max.


"Hoy! Aray! M-mister!" tawag niya sakin. Haharap na sana ako sa kanya dahil tinawag niya akong 'hoy'. Pero laking gulat ko nang may maramdaman akong mainit sa bandang tiyan ko.


"Shit." bulalas ko nang marealize kong inihian ako ni max. What the heck?! Ano bang nangyari sakanya at basta nalang siyang umuhi! Wala akong choice kundi ang manatiling nakatalikod sa kanya hindi naman din siya makakalapit o makakatayo dahil nga sa natisod siya.

Fell Inlove With HimWhere stories live. Discover now