Chapter 15

35 4 0
                                    

Tricia's POV

Habang naglalakad hallway ay may nakakasalubong akong ibang estudyante na kumakarga ng mga gamit at decorations at dinadala nila ito sa hall kung saan dun gaganapin ang socialization namin. Papunta ako ngayon music hall dahil sabi ni jasmin dun kame dumiretso.

Kumunot yung noo ko ng makitang nauna sakin si chase sa loob. Ni hindi niya man lang ako napansin. Oh well, buti na nga yun dahil talagang aatakihin ako sa puso kapag sumusulpot nalang siya bigla sa tabi ko. Nang makapasok ako  sa music hall ay umupo ako sa may bandang likuran. Kita ko naman sila kaya okay lang.

"Is everybody here na guys?" tanong ni jasmin at nilinga linga niya pa ang door. Sinenyasan naman siya ng isa niyang kasama ng thumbs up. Ibig sabihin lahat na nandito.

"Okay guys let's start this meeting na." pumunta siya sa taas kaya kita na siya ng lahat. "As what i've said yesterday, ngayon ko sasabihin kung paano ko iaarange yung grupo na 'to para naman lahat may part sa socialization. Eventhough the dance team may part din. Lahat ng naging bago o old members ay makakaperform. At ganun din ang gagawin natin." nagsigawan naman yung iba dahil sang-ayon sila sa plano ni jasmin.

"Ganito ang magiging set-up nito..." habang nagsasalita siya ay nakikinig ang lahat. Maganda naman ang plano niya dahil para sa lahat naman ng miyembro ng glee club ang ginagawa niya. Nagsimula na siyang gumawa ng grupo. May tatluhan, apatan, may dalawahan, meron din namang solo lang.

"And for the last pair para sa duet ay sina chase at tricia." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What?! "Napagdesisyunan namin ng iba kong kasama na gawin kayong partner dahil na din sa rendition mo tricia. The way you sing it's very calm but may impact. And i've also witnessee the performance of chase. Click kayong dalawa." paliwanag ni jasmin.

"And by the way, where's tricia?! I haven't seen her." nilingon naman nila ako kaya tumayo ako para naman makita na niya ako. "I'm here." sabi ko." Oh there you are! Ba't nasa likod ka? Maraming space sa harap." natatawa nitong sabi at sinenyasan ako na lumapit sakanya.

'Sorry hindi naman ako namimili kung saan ako uupo. Tss.'

"Magiging partner kayo ni chase. Sit beside him." utos nito at tinuro ang isang bakanteng upuan sa tabi ni chase. Napansin ko din na lahat ng tinawag niyang magkakagrupo o partner ay magkatabi. Wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi niya.

Ba't ko naman siya naging partner? Gusto ko na nga siyang iwasan dahil sa nangyari kahapon tapos ngayon mas lalo pa kameng pinaglapit. Nananadya ba talaga ang tadhana? O karma ko na 'to. Naku naman!

"Walang magpapalitan ng partners dahil kung nangyari man 'yon... alam niyo na kung ano ang mangyayari." natawa ng bahagya si jasmin.

"Eh ano palang pag nagpalit ako ng partner?" pabulong kong tanong. Nagulat naman ako dahil biglang nagsalita yung katabi ko. "Kung balak mong mag palit ng partner, okay lang naman. Ang kapalit lang naman non ay wala kanang magiging part sa socialization---"

"Oh? Yun lang naman pala----"

"I'm not yet done, tricia. Let me finish first bago ka mag react." biglang nagsitaasan ang balahibo sa katawan ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Goodness!

"Aside sa wala kanang magiging part sa socialization.. Kakargahin mo lahat ng instruments dito sa music hall na 'to. Walang tutulong sayo kapag nagsalita si jasmin na walang tutulong." sabi dito kaya napataas naman ang kilay ko.

"And why would she do that?" bulong ko dahil nagsasalita pa si jasmin sa harap.

"Dahil yun ang sabi niya. Because she said so." sabi nito kaya napairap ako sa kawalan. Tss. Yun lang naman pala e. Edi isa isahin! Problema----

Fell Inlove With HimWhere stories live. Discover now