Tricia's POV
"Excited na talaga ako sa camp na 'to." sabi pa ni arkishra na kanina palinga linga.
"Ang tagal naman nila." reklamo ni naomi. Nasa school na kasi kame ngayon at hinihintay yung mga kaklase namin. Maaga pa naman kaya konti palang kame.
"Siguro maya maya andito na din 'yon." sabi ni zia habang kinakalikot yung phone niya.
Di nagtagal ay dumadating na din ang iba naming kasama. Malayo palang ay natanaw ko na siya. Napako ang tingin ko sakanya at siya naman ganun din sakin. Pero iba yung tingin niya. Hindi ko maintindihan. Naalala ko nung isang araw nung nasa cafe kameng dalawa ni adrian nakita kong magkasama sila ni jasmin. Ilang araw din kameng hindi nagpapansinan. Yung tingin niya sa akin nung mga oras niya yun may halong galit, inis ewan ko ba! Bakit nandun siya nung araw na 'yon?
"Tricia!" natauhan ako ng biglang tapikin ni naomi yung balikat ko. "Okay ka lang ba? Ba't tulala ka?" takang tanong niya.
"Oo naman! Sige mauna na ako sa taas mainit na e." palusot ko at dire-diretsong sumakay sa loob ng bus ng hindi sila nililingon.
"Huy! Anyare sayo? Bigla bigla ka nalang umalis." umupo siya sa tabi ko. "Mainit nga." maikling sagot ko.
"Okay." aniya pa at nakipagkwentuhan sa iba naming kasama. Ako naman tong naiwang nakatingin sa labas ng bintana. Naagaw ang atensyon ko ng makitang nag-uusap sa baba sina chase at jasmin. Mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila. Agad akong napaiwas ng tingin ng tumingin sa gawi ko si chase. Dali dali kong kinuha sa bag ko yung earphones ko tsaka nakinig nalang ng music.
Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit ang seryoso ng mga mukha nilang dalawa? Nang makadaan si chase ay hindi ko siya tiningnan. Pumwesto siya sa likod namin kaya naman binalewala ko nalang.
Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa labas habang nilalaro sa kamay ko yung phone ko.
"I just want to remind you all na kapag dumating na tayo sa venue ay walang didiretso sa beach o sa kung saan man. Stay in one place dahil ioorient kayo. Understood?" sabi ng isa sa facilitator namin.
"Yes miss." sagot namin. Kinalabit ako ni arkishra kaya tiningnan ko siya tsaka tinanggal yung earphone sa tenga ko.
"May pag-uusapan kame ni naomi." tinaasan ko siya ng kilay. "Oh tapos?" takang tanong ko. Bakit siya nagpapaalam sakin? Tss.
"Makikipagpalit ako ng upuan sa katabi niya. Sige bye!" dali-dali siyang tumayo kaya naman napailing nalang ako tsaka nilagay ulit sa tenga ko yung earphone at pumikit.
Maya-maya pagmulat ng mga mata ko nakita ko si chase na nasa tabi ko habang nakapikit at may earphones ding gamit sa tenga niya.
'What the heck arkishra?!'
Nabigla ako ng minulat niya ang mga mata niya at diretsong tumingin sakin. Para akong estatwa na hindi makagalaw dahil sa ginawa niya. Tiningnan niya ako ng blangko tapos biglang kumunot ang noo niya at pumikit ulit.
'Suplado naman niya!'
Nang mahimasmasan ako ay tiningnan ko siya ng masama. Buti nalang nakapikit siya kaya di niya kita kung anong ginawa ko. Wow ah! Suplado naman niya! Ano bang nangyare sa lalakeng yan? Bigla bigla nalang hindi namamansin. Bipolar talaga. Kainis!
Hindi nagtagal ay dumating nadin kame sa venue kaya bumaba na kame ng bus. Naamaze ako sa ganda ng resort na ito. Refreshing! Siguradong mag-eenjoy kame dito.
"Pumasok na tayo sa loob." pahayag ng facilitator namin kaya sabay sabay na kameng pumasok.
"Welcome and Goodmorning students. I'm David Natividad and i'm the supervisor of this resort. Were glad na dito niyo piniling i-conduct yung camp ninyo. I assure you na mag-eenjoy kayo dito. And by the way this is mara and garry." pakilala niya at nagwave naman samin yung dalawa.