Tricia's POV
Maaga akong nagising at nagtungo sa banyo para maligo na. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at nagbihis. Habang tinutuyo ko yung buhok ko ay biglang may kumatok.
"Trish? Gising kana ba?" rinig kong tanong ni arkishra sa labas.
"Oo." maikling sagot ko. Narinig ko namang pumasok siya sa loob at naglakad papunta sa kama ko at dun umupo.
"Bakit?" tanong ko.
"Umalis si tita rachelle kanina. May importante daw siyang lalakarin." sabi niya kaya namaan napatango ako.
"One week raw siyang mawawala. Then, si AJ naman maagang umalis dahil tumawag yung coach niya at may early practice sila ngayon." tumango tango ako. Aside kasi sa pagiging psychiatrist ay nagpupunta din si mom sa mga medical mission at tumutulong sa mga tao. Kaya siya nawawala ng mga ilang araw at umaabot pa ng isang linggo dahil dun.
Ibig sabihin kame na naman ang maiiwang tatlo dito sa bahay kasama si manang. Mamimiss ko si mom.
Pagkatapos kong ayusin yung sarili ko ay kinuha ko na yung bag ko at sabay na kameng bumaba ni arkishra papuntang dining room.
"Goodmorning manang." bati namin kaya binati din niya kame pabalik.
"Hija, pumunta si rachelle sa kwarto mo para makapagpaalam sayo." ngumiti naman ako kay manang.
Nagbreakfast na kaming dalawa ni arkishra at nang matapos ako niready ko na yung sarili ko. Nagpaalam na kame kay manang at sumakay na ako sa kotse habang si arkishra naman dumiretso sa driver's seat at pinaandar yung kotse.
Habang nagmamaneho si arkishra ay tahimik lang kameng dalawa.
Nang maiparada na si arkishra yung kotse ay agad akong bumaba. Napatingin naman ako sa gilid nang makitang kakababa lang ni naomi sa kotse at siya pala yung tumawag sakin.
"Hi tricia! Goodmorning!" masiglang bati niya at pumunta sa tabi ko. Lumapit din naman si arkishra kaya binati din siya ni naomi. Nagkwentuhan silang dalawa habang ako nakikinig lang. Sabay kameng tatlo na naglakad patungong classroom.
Umupo ako sa upuan ko at tumingin sa labas. Agad naman akong binangga ng mahina ni arkishra kaya tiningnan ko siya.
"Mamayang lunch, sabay daw tayo sa kanila." sabi ni arkishra kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Ano?! tinatanong pa ba yan tricia?! Syempre gusto nilang makipagkaibigan. They're just being friendly." di makapaniwala niyang sabi.
"Tss. Okay."
Habang nagdidiscuss si Maam Gonzalo ay nakikinig lang ako nang may kumatok sa pinto kaya napatingin naman kameng lahat do'n. Lumapit si maam gonzalo sa estudyante at kinausap ito.
"Okay class, ididismiss ko kayo ngayon pero mag-iiwan ako nang activity." aniya kaya naman nagprotesta ang iba naming kaklase.
'Huy! Wag kayong tamad. Kakasimula pa nga lang ng klase.'
Pagkatapos niyang ibigay yung activity ay lumabas na din siya. Kumuha ako ng papel at sinimulang sagutan yung activity.
----------
Nasa canteen kame ngayon at kasama namin si zia at naomi. Nakipagkwentuhan naman si arkishra sa dalawa nang tanungin ako bigla ni zia.
"Hi tricia! How are you?" nakangiti niyang tanong.
"Hello, I'm good." sabi ko at ngumiti din.
"Naku, akala ko hindi mo ako papansinin." sabi niya kaya natawa naman ako.