Chapter 10

74 6 0
                                    

Tricia's POV

Nasa may terrace ako ngayon habang nagbabasa ng libro. Alas dyes ng umaga na din ako nagising at hanggang ngayon masakit parin yung tiyan at pisngi ko. Hinding hindi ko makakalimutan yung nangyari kagabi. Mabuti nalang at nandun si chase---- Si chase nga pala. Ni hindi lang man ako nakapagpasalamat ng maayos sakanya. Pero paano siya napunta don?

"Tricia?" napatingin ako sa lalakeng nasa harap ko ngayon habang nakapameywang at nakatingin sakin ng seryoso.

"What is it kuya?" alam kong mahahotseat na naman ako sakanya neto. Marami na naman siyang tatanungin sakin. "Alam mo bang pinag-alala mo kame kagabi?! All i know is nandun ka kasama sina arkishra----"

"Yes. Kasama ko naman sila kagabi kuya e. Nag excuse lang ako para pumunta ng banyo. Kaso pagdating ko dun ay may humarang sakin na dalawang lalake. Hindi ko naman sila pinansin e. Mabilis ang pangyayari at natali nila yung paa, at kamay ko pati narin yung bibig ko. Piniringan pa ako, nagpupumiglas ako nun k-kuya." tumulo na ang luha sa mga mata ko. Hanggang ngayon hindi parin nawawala ang takot na nadarama ko nung gabing 'yon.

"Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko nung oras na 'yon kuya. Kahit anong gawin------" natigil ako ng bigla akong yakapin ni kuya ng mahigpit. I hug him back. Iyak lang ako ng iyak at hinayaan lang niya ako.

"Tahan na. I'm sorry tricia, kung hindi kita sinama do'n sa bistro-----"

"Wala ka namang kasalanan kuya. Walang may kasalanan. Please don't blame yourself for what happened to me last night. Naging mahina lang talaga ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kagabi."

"Lahat tayo may kahinaan at may kinatatakutan. Aminin mo man o hindi, may kahinaan ka parin tricia." hindi ako nagsalita. Totoo naman e. Hindi muna ako pinalabas ni kuya sa kwarto ko dahil bakas parin sa mukha ko yung marka ng kamay nung sumampal sakin kagabi at masakit pa ang tiyan ko dahil nga sa napalakas ang pagsikmura sakin kagabi. Tinanong ko sakanya kung ano na ang nangyari sa dalawang lalakeng nagtangkang gahasain ako kagabi pero ang sabi niya sakin ay hindi ko na daw dapat problema yun dahil tapos na. Hindi ko siya maintindihan kaya hindi ko nalang kinulit.

Pinuntahan ako ni arkishra at AJ sa kwarto ko para kamustahin ako. Nagulat pa nga sila na may marka parin hanggang ngayon yung pisngi ko. Sinabi din ni arkishra na nagtaka siya kung bakit daw bumalik don si tyler at kiel habang hingal na hingal at dun din nila sinabi kung anong nagyari sakin kaya agad silang umalis sa lugar na 'yon para puntahan ako kaso hindi na raw pumayag pa si kuya dahil nagpapahinga na ako at gabi na din.

Bagot na bagot na ako dito sa loob ng kwarto ko kaya gumawa ako ng paraan para makalabas at makapagpahangin sa garden. Tinakpan ko ng concealer yung marka na nasa pisngi ko para naman hindi halata. Wala si mom kaya kame kame nalang din ang naiwan dito. Lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo sa garden. Naabutan ko pa si arkishra at AJ na busy sa panonood ng tv at si kuya naman nakatutok sa phone niya. Napansin niya ako kaya nanlaki ang mata niya.

"Hey." nilapitan niya ako at hinawakan ang baba ko na para bang inuusisa ang kabuuan ng mukha ko. "Magaling ka ding magtago." sabi niya at mahinang tumawa. " Where are you going, by the way?" tinuro ko yung garden kaya tumango lang siya. Pagupo ko ay inilinga ko yung paningin ko sa garden at wala ako nakitang mang carding. Kinuha ko mula sa bulsa ko yung phone ko at nag type ng message.

'Magpapasalamat ako sa kanya.'

To: Chase

"Maraming salamat sayo chase."

Isesend ko na sana pero napahinto ako ulit. Ang pangit naman ng pagkakasabi ko sakanya. Hindi specific e. Tsk, binura ko ulit yung message ko at nag type ng iba.

Fell Inlove With HimWhere stories live. Discover now