Tricia's POV"Nakakabobo naman yung mga binigay na activities ni sir." reklamo ni arkishra.
"Masanay kana. Ganyan talaga 'yan e." natatawang sabi ni zia.
Naglalakad kame papuntang library para humanap ng books para may maisagot sa mga activities na binigay niya.
Habang iniiscan ko yung mga pahina ng libro ko ay nagulat ako ng may umupo sa tabi ko.
"Hi!" bati ni isaiah.
"Isaiah! Ba't ka ba nangugulat?!" mahinang suway ko sakanya. "I'm sorry, tricia." napaface palm nalang ako.
Nang dumating sila ay nagulat pa ang mga 'to dahil kasama ko si isaiah.
"Aba! Dumadamoves na yung loko." natatawang sabi ni naomi. Hindi ko sila pinansin dahil mas lalo nila akong itutulak kay isaiah.
Habang nagbabasa ako ay dumating yung mga lalake at umupo sila sa pwesto namin.
"Aba! Nauna na pala dito yung mokong." natatawang bulong ni kiel.
"Inlove na 'yan sayo tricia, lakas ng tama niya sayo." bulong din ni tyler.
"Mga loko." bulong ko at impit naman silang tumawa.
"Haba ng hair mo bes!" natatawang bulong ni arkishra.
"Sira." bulong ko din pabalik at umiling-iling.
Simula nung naging kaibigan namin sila ay hindi nalang kame yung parating magkasama ni arkishra. Dahil kasama na din namin sila. Duh! nagsasawa na ako sa pagmumukha niya. Pag kasi kame lang dalawa ang magkasama ni arkishra ay ang tahimik namin. Pero sila? Talagang ang ingay nila.
Tumayo ako at naghanap ng ibang book sa shelf. Nang hahawakan ko na sana yung isang book sa bandang itaas ay may nauna sakin.
"Nauna ako." nakangisi niyang sabi at tinalikuran ako. Hinila ko siya pabalik.
"Mas nauna ako sayo dahil ako unang nakakita at inagawan mo lang ako." tumaas ang gilid ng labi ko.
"Tss. Hindi ko 'to inagaw sayo. Maghanap ka nalang ng ibang libro." mahinahon niyang sabi.
"Ibigay mo 'yan sakin." nilahad ko yung kamay ko. Tiningnan niya naman ito at biglang itinaas ang kamay niya.
'Sinusubukan talaga ako nitong lalakeng 'to.'
"Sige, abutin mo." ngumisi pa siya at hinihintay na abutin ko yun.
"Sabing ibigay mo na." pilit kong inaabot sa kanya. Pinanatili kong gawing mahina yung boses ko para hindi kame mapagalitan ng librarian. Pero itinaas niya pa lalo.
"You can do it." nambubwiset na naman siya.
"Abe na sabi eh!" tinangka kong kunin yung libro sa kamay niya pero itinaas niya ulit yun. Tiningnan ko siya ng masama kaya huminto siya at bumaba ng konti para maging magkalebel kame.
"Oh." nakangiti niyang sabi at inabot yung libro. Nang kunin ko na sana 'to ay agad niyang inilayo yun sakin.
"Next time mo nalang kunin. Ako muna sa ngayon, bye!" ngumiti siya sakin kumaripas ng takbo palabas ng shelf.
Naisara ko yung kamao ko ng dahil sa inis. Bwiset na lalakeng 'yon kahit kailan! Peste. Nang bumalik ako sa pwesto namin kanina ay busy parin sila sa pag-aanswer. Umupo ako at tinapos ang ginagawa ko.
Sabay kameng naglunch at sina tyler at kiel na ang nag-order. Pero parang may naiwan ata ako sa library nang mapagtanto kong wala sakin yung notebook ko. Nagpaalam naman ako sa kanila na babalik lang ako sandali sa library.