Tricia's POV"Class dismissed." sabi ng guro kaya inayos ko na yung gamit ko. Napatingin ako kay arkishra ng sumitsit ito sakin.
"Bakit?" tanong ko. "Pasama naman ako sa locker oh. Please?" paghingi niya ng favor sakin.
'Tss.'
Habang naglalakad kame papuntang locker ay nakasalubong ko yung grupo ni andrada.
"Oh, long time no see trinidad. Kamusta kana?" sarkastiko niyang tanong pero may pagkamaarte ang dating.
"None of your business." sabi ko at nilampasan siya pero bigla niyang hinigit yung braso ko.
"Ang tapang mo talaga no? San mo ba nakukuha yang lakas na loob mo na 'yan?" tinaasan niya ako ng kilay. Napabuntong hininga ako. Ang aga aga pero binubwiset talaga ako nitong babaeng 'to.
"Oo matapang talaga ako. At wala kanang pakealam dun. Wala akong ginagawa sayo kaya wag mo akong sagarin." mas hinigpitan niya yung pagkakahawak niya sa braso ko kaya naramdaman kong bumaon ang kuko niya sa balat ko.
"Tumigil kana nga andrada! Wala naman siyang ginagawa sayo ah! Wag kang papansin!" pagtataray ni arkishra at hinila ang braso ko sa pagkakahawak ni andrada.
"Hoy alipores! Shut up! At anong sabi mo? Ako? Papansin? Sakanya? Hahaha! Bakit naman ako magpapapansin sa babaeng 'to? Wag kang makealam kung ayaw mong makalbo jan." lalapitan na niya sana si arkishra pero hinarang ko siya.
"Tumigil kana andrada. Wag ang kaibigan ko sinasabi ko sayo. Wag mong ubusin ang pasensya ko kung ayaw mong ikaw ang makalbo. Wag mong hintayin na magalit ako dahil hindi mo magugustuhan ang ugali ko. Umayos ayos ka." bago ako umalis ay sinamaan ko ng tingin yung ibang alipores niya tsaka ko siya binangga sa braso at nilampasan.
"Alam mo kahit kailan loka loka talaga yung babaeng 'yon. Buti nalang talaga at natalbugan mo siya sa mga sinabi mo." hindi ko nalang ito pinansin at sinamahan siyang ilagay yung mga gamit niya sa locker.
Alam kong siya ang may kakagawan yung mga nangayari sakin pero hindi ko siya sinumbong. Matitiis ko pa yung mga ginawa niya sakin. Alam kong siya ang tumulak sakin sa hagdanan. Wala talagang magawa yung babaeng 'yon. Siguro kulang siya ng pagmamahal sa magulang kaya nagrerebelde. Tsk, mga kabataan talaga ngayon.
Bago kame pumunta sa canteen ay nilagyan ko muna ng band aid yung sugat na ginawa nung andrada na 'yon. Bumaon yung kuko niya sa balat ko at ang hapdi. tsk.
Pagdating namin sa canteen ay nakita ko si Isaiah na kumakaway kaya lumapit kame sakanila.
"Tagal niyo naman." nakasimangot niyang sabi.
"Hoy! ang takaw mo talaga. Hindi ka ba makahintay? Tsh." umupo na si arkishra kaya tumabi ako sakanya. Nakita ko namang nakatitig sakin si chase tsaka bumaba yung tingin niya sa braso ko. Tinago ko nalang ito saka umiwas ng tingin sakanya. Bwiset pa ako sakanya kahapon ah. Nakita ko pa yung aso niyang may kasalanan sakin. Pareho talaga silang bwiset.
"Narinig kong may registration bukas sa bawat club. Gusto niyo bang sumali?" sabi ni naomi dahil isa siya sa mga miyembro ng mananayaw. Kahit na nerd siya ay hindi ko aakalaing may maibubuga din pala ito. Ika nga nila don't judge the book by it's cover.
"Bakit naman hinde? Siguro naman may mga talent tayo diba? Why don't we try?" masayang suhestiyon ni zia.
"Sabagay." tumango tango naman si arkishra tsaka niya ako binalingan at sinukuan ng mahina.
"Oy ikaw anong sasalihan mong club?" mahinang bulong niya sakin pero hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy yung pag kain ko.
"Wala." maikling sagot ko na kanyang hindi sinang-ayunan. Binigyan niya ako ng *lahat ka nalang look*