Chapter 7

68 3 0
                                    

Tricia's POV

Papunta ako sa library ngayon at isasauli ko lang yung
librong hiniram ko. Ilang araw na rin ang lumipas nung napunta ako sa clinic. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung sino ang gumawa nun saken.

"Anong oras dadating si Kuya jasper?" tanong ni arkishra. Sumama siya sakin dahil baka may mangyari na naman raw sakin.

"Mamayang 8pm." sabi ko at tumango tango siya. Ngayon ang dating ni kuya jasper at excited na akong makita siya. Nung isang araw ko lang din nalaman na uuwi pala siya dito.

Pumasok ako sa loob at ibinalik yung librong hiniram ko. Tsaka kame sabay na umalis sa building na 'yon. Nagpaalam na kame kina zia at sa mga lalake.

Dumiretso ako sa kotse at pinatunog yun bago sumakay. Ako ang pinadrive ni arkishra dahil gusto raw niyang matulog. Si AJ naman ay nakapikit lang ang mga mata habang nakaheadset. Mabilis kong pinaandar ang kotse at hindi nagtagal ay dumating na kame sa bahay. Pinarada ko muna yung sasakyan tsaka ako bumaba.

Sinalubong ako ni manang habang nakangiti. Okay? "Kamusta ang araw mo?" tanong niya kaya ngumiti din ako. "Ayos naman ho manang." tinanong ko sa kanya kung nasan si mom at ang sabi niya nasa kusina raw at nagluluto. Pumunta lang ako saglit dun at hinalikan siya sa pisngi at nagtungo na sa kwarto para makapagbihis.

Nang makababa ako sa salas ay halos mapatalon ako ng makitang may isang lalakeng nakaupo sa sofa habang nanonood ng NBA. Nakatalikod ito sakin kaya hindi niya ako nakitang bumaba. Lalapit pa sana ako nang bigla siya tumayo at humarap sakin habang nakangiti.

"Kuya Jasper!" tili ko at tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya. Gosh! I really missed him. Mas lalo siyang tumangkad at mas lalong gumwapo. Oh well, gwapo na naman talaga siya.

"Miss me?" natatawang tanong niya at niyakap din ako pabalik.

"Yes. So much." sabi ko. Lumabas naman si mom galing sa kusina at ngumiti samin.

"Mom ang akala ko ba mamaya pang alas otso dadating si kuya?"

"Syempre, inaga ko talaga ang flight ko. Sinabi ko lang na alas otso ako dadating pero kanina pa ako dumating dito. Kaso, parang nagulat ka ata kung bakit nandito na ako." ngumuso siya. Tumawa naman ako dahil umaandar na naman yung pagiging isip bata niya.

Nagpaalam muna samin si mom dahil iniwan niya yung niluluto niya. Natawa ako nung sumigaw si arkishra ng makita niya si kuya. Habang si AJ naman ay nakangisi lang.

'Ayan! May kasama na siya. Buddy. Tss.'

Habang naghihintay ay nakipagkwentuhan muna kameng tatlo kay kuya at tinadtad namin siya ng mga tanong. Siya naman 'tong chill chill lang sa pagsagot. Nasagot niya naman lahat ng tinanong namin. Haha! Pagkatapos nun ay nagtungo kame sa kusina para mangulo kina mom. Hinde, nagpunta lang kame dun para makipagkwentuhan sa kanila.

Sabay kameng nagdinner nina kuya at ang saya-saya talaga ni AJ dahil nandito na siya. Nakabalik na rin si mommy pagkatapos ng isang linggo. Panay ang tawa namin nung magkwento na si AJ at Arkishra. Tapos sumali pa talaga si kuya na inaasar si AJ.

"How are you eniale?" napatingin ako kay kuya nung umupo siya sa tabi ko. Pagkatapos kasi naming kumain ay tinulungan ko muna silang magligpit ng pinagkainan tsaka ako pumunta sa garden para magpahangin.

"I'm good kuya. Ikaw? Kamusta na sa trabaho mo? and how's ate leslie? Kamusta na kayong dalawa?" sunod-sunod kong tanong. Bahagya naman siyang natawa.

"Namiss mo nga talaga ako. Haha!" ngumuso ako. " Well, sometimes stress sa trabaho, hindi naman talaga maiiwasan 'yon. At okay naman ang gwapo mong kuya." bahagya siyang natawa kaya tumaas ang gilid ng labi ko.

Fell Inlove With HimWhere stories live. Discover now