CHAPTER FIVE
"WHAT'S eating you?"
Nag-angat si Czarina nang nakabusangot ang mukha. Papasok sila ni Eugene ng school at naghihintay ng jeep sa labas ng village. "Hindi ko na crush si Bari!"
Tumango lang si Eugene. "Okay."
Napalabi siya at hinawakan ito sa braso. "Hindi mo tatanungin kung bakit?"
Inayos nito ang strap ng bagpack niya na buhat nito. Seryosong lumingon ito sa kanya, tila tamad na tamad. "Bakit?"
"Kadiri siya! Kadiri! May kasama siyang babae noong isang gabi! Hinalikan niya sa leeg!" Mangiyak-ngiyak na si Czarina nang maalala na naman ang nakita. "T-Tapos pumasok sila sa bahay ni Bari... sa tingin mo, anong gagawin nila, di'ba?"
Eugene boringly sighed. "Czarina, Bari's an adult. He can do whatever he wants."
Napalabi siya na parang kawawang aso. Niyugyog niya pa ang mga braso ni Eugene. "Still disgusting! Porket sexy yung babae? At saka malaki ang boobs? Panget naman."
Tinignan siya ng kaibigan. "That should be none of your business. And why are you spying at him, by the way?"
"Gusto ko lang naman kumustahin siya nung isang gabi. Pagkatapos..." Ngumawa siya. "Eugene, ang sakit!"
Her bestfriend cringed. "Napaka arte mo..."
Lalo niyang gustong maiyak. Walang suporta ang kaibigan niya! Sumubsob siya sa braso nito. Bakit hindi ito naniniwala?
Totoo naman ang naramdaman niyang parang may tumusok sa puso niya nang makitang may kasamang ibang babae si Bari. Totoo namang pagkatapos niyang magalit ay nalungkot siya ng sobra.
Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon! Tapos hindi pa naniniwala si Eugene.
"Umayos ka nga, Czarina. Baka mamaya ay may makakita sa'tin at isipin nilang may ginawa ako sa'yo."
Napalunok siya at saka tumuwid na ng tayo. Pero nakayuko lang siya habang nakakapit pa rin sa braso ni Eugene.
"Huwag ka nang malungkot...marami ka pa namang crush doon sa school. Tanawin mo na lang mamaya."
Hindi mapapalitan ng limang crush niya sa school ang nakita niyang ginawa ni Bari.
Pero sino ba siya para umakto ng ganito? Siguro nga ay napaka-arte niyang talaga. Wala naman siyang karapatan maging ganito dahil sino ba siya sa buhay ni Bari?
Dalagitang kapitbahay. Iyon lang!
"Ang bagal mo maglakad kanina kaya tuloy puro puno na ang mga jeep na dumadaan," mahinang angal ni Eugene. "Baka ma-late tayo nito kapag wala pa tayong jeep na masakyan."
"Na-broken hearted na 'ko, pagsakay pa rin sa jeep ang iniisip mo!"
"Dahil kailangan kong makapasok sa school at mag-aral. Sinabi ko na sa'yo, dapat ang atensyon mo ay sa pag-aaral muna at hindi sa kung ano-anong bagay. Kita mo ngayon ang napala mo."
Suminghot siya. "Nagmahal lang naman ako..." ma-drama niyang sabi. Natawa tuloy si Eugene sa kalokohan niya.
Tinignan niya ito. Minsan lang tumawa si Eugene mula nang mamamatay ang mga magulang nito. Nakitawa na rin siya kasabay ng kaibigan. It feels light seeing her bestfriend laugh, again.
Ginulo ni Eugene ang buhok niya habang natatawa pa rin. "Ang dami mo talagang alam pero sa school, wala!"
Ngumuso siya at humawak sa kamay nito. Parang katulad ng five-years old sila.
BINABASA MO ANG
Touch Me More (More Trilogy #1)
RomanceMore Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then, Bari came who always calls her by her real name. Crisostomo Ibarra "Bari" delos Santos is a twenty...