Chapter Twenty-Four

112K 3.5K 1.1K
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

HINDI mapuknat ang mga ngiti ni Czarina nang pauwi na siya. Tinititigan niyang mabuti ang regalong hikaw sa kanya ni Kuya Johann. Napakaganda niyon! A pair of genuine White Sea pearl with diamond studs around it. It's very expensive. Pero pinag-ipunan daw talaga ni Kuya Johann para sa kanya.

            How touching was that? Alam niyang hindi naman ganoon karangya ang buhay ng binaga. Pero nag-ipon ito nang malaking halaga para lang mabilhan siya niyon. And she really loved it!

            Pagkahatid sa kanya ni Kuya Johann sa village ay agad siyang nag-taxi pauwi naman sa condo nila ni Bari.

            "Bari!" masayang tawag niya sa asawa pagkapasok niya nang unit. "Bari! I'm home!"

            Pumasok siya ng kuwarto at nakitang tahimik na nakaupo si Bari sa tapat ng study table. It was dark inside the whole room. Tanging ang lampshade lang sa study table ang nakabukas. May hawak itong ballpen. And there's a lot of crumpled papers on the table.

            She switched on the lights. "Bari?"

            He looked grim when he turned to her. "Where have you been?" he asked in a flat tone.

            "I saw Kuya Johann today!" masaya niyang kuwento. Nilapitan niya ang asawa at hinalikan ito sa pisngi. "Lumabas lang kami kasi ang tagal na naming hindi nagkita. He treated me out since he had some extra money."

            Tinitigan siya ni Bari nang matagal. Nagtataka si Czarina dahil napakaseryoso nito masyado. "Saan kayo nagpunta?" he even calmly asked while throwing away the pieces of crumpled papers.

            "As usual, sa mall. Kumain kami. Then we went to see a family movie."

            "Sounds like a date to me."

            Natigilan si Czarina. Unti-unting nawala ang mga ngiti. "H-Huh? Hindi, Bari..."

            Pagkatapos nitong itapon ang mga papel ay tumayo ito. "Did you tell him you're married?"

            Napakurap siya at agad na naalala ang hinubad na wedding ring. Bago pa mapansin ni Bari ay nasuot niya na iyon pabalik. "H-Hindi ko pa nasasabi."

            "As expected." Nakatalikod ito sa kanya.

            Nilapitan niya ito. "Bari, sasabihin ko naman. Gusto ko nga makilala mo si Kuya Johann kasi kahit minsan hindi ka pa niya nakilala."

            Humarap ito sa kanya. Napaatras si Czarina at nakaramdam ng takot sa uri ng tingin nito. It was not like Bari is scaring her. Parang napaka-natural lang ng tingin nito. But it was damn intimidating her.

            "Do you know what time is it?" mapanganib na tanong nito. Nag-iigting ang mga bagang.

            "P-Past eight..." sagot naman niya pagkatingin sa relos.

            Napailing si Bari. "And of course you forgot that we have a dinner with Mama tonight."

            Napasinghap siya nang mapagtanto ang kamalian. She's stupid! "W-Wait. P-Puwede pa naman tayong humabol, hindi ba?" Ang usapan nga pala nila ay six PM sila pupunta sa bahay ng parents nito!

            Czarina wanted to bang her head on the nearest wall. Natatarantang binuksan niya ang closet at naghanap ng ibang masusuot. "Wait. I'll just change. Makakahabol naman tayo. Just call Mama Bella. Magpapalit lang ako sandali."

            "I was calling you."

            "Nag-dead battery ako, hindi ko namalayan," aniya. Which is true. Napansin niya lang iyon nang pauwi na sila ni Kuya Johann kanina. She can't totally turn on her phone. "Sorry, Bari. Mabilis lang ako—"

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon