CHAPTER TWO
"I THINK I have a crush on him!"
Napaangat ng tingin sa kanya si Eugene mula sa libro na binabasa nito. "With whom?"
"Sa bago naming kapitbahay!" deklara niya at saka ito hinila. "Halika, sama ka sa'kin. Puntahan natin ang bahay nila."
Kumunot ang noo nito at binawi ang braso. "Bakit?" walang interes na sabi nito at saka umupo ulit sa may ilalim ng puno.
Nasa playground sila ng village ngayon. Naglalaro kasi ang kapatid ni Eugene doon at dahil ang kanyang bestfriend ay isang ulirang kapatid, ito ang sumasama lagi. Ngunit alam naman niyang sinusulit lang nito ang mga oras kasama ang kapatid. Dahil sa graduation nila sa March ay aalis na ito papuntang Amerika para doon magkolehiyo.
Napasimangot siya nang maalalang magkakahiwalay sila ni Eugene sa unang pagkakataon. Pero wala naman siyang magagawa doon.
"Nagpa-bake ako sa mga maids namin ng lasagna! Ibigay natin kay Bari. Para kunwari pang-welcome natin sa kanya."
Napailing ito. "Lahat yata ng lalaking makita mo ay crush mo."
"Hindi kaya!" sabay hampas niya sa braso nito. "Ikaw, hindi ko crush. At saka si Kuya Johann ang number one crush ko talaga. Si Bari, crush ko kasi ang guwapo."
"You have a thing with older boys, huh?" ngisi nito.
"Anong magagawa ko, sila ang guwapo at malakas ang appeal sa'kin?" Hinila niya ulit ang braso nito. "Sige na, Eugene! Parang awa mo na. Samahan mo na 'ko. Para hindi naman masyadong halata na—"
"Nagpapa-cute ka?"
"Hindi kaya!"
Eugene kept a straight face and shook his head.
"Sama mo na rin si Eunice para cute tayong tatlo all together!"
"Idadamay mo pa ang kapatid ko—"
"Sige na, Eugene! Ipapakilala kita sa Aragon Sisters kapag nakita natin ulit sila sa hallway bukas sa school."
Nagsalubong ang kilay nito. "Aragon? Sino sila?"
"Tignan mo 'to! Kaya wala kang girlfriend, eh! Hindi ka lumilingon sa mga magagandang species sa school."
Lalong nangunot ang noo nito. "It's because I don't need a girlfriend. Aawayin lang ni Eunice. Wala na kaming mga magulang. Eunice needs all of my attention."
Minsan, hiniling talaga ni Czarina na sana kapatid niya na lang si Eugene. Dahil sobrang maalaga ito. When his parents died last year because of a car accident, kusang tumayo si Eugene sa responsibilidad nito bilang panganay na anak at kapatid.
"Kuya!" Biglang lumitaw ang six-year old na si Eunice sa harap nila. "Kuya, I'm sleepy already. Let's go home..." ungot nito at nagpabuhat sa kapatid.
"Okay, cupcake!" Binuhat ito ni Eugene at niyakap.
"Hala, sandali! Samahan mo muna ako, Eugene." Nginitian niya ang bata nitong kapatid. Ah, mabilis lang itong utuin. "Eunice, can you come with me muna? Kayong dalawa ng Kuya mo? Please? I'll give you chocolates after."
Nagulat siya nang irapan siya ng bata. "No. I want to go home with Kuya Eugene na. Hmp!"
Ang maldita! Napatingin siya kay Eugene na nakangisi na at parang gusto siyang pagtawanan.
BINABASA MO ANG
Touch Me More (More Trilogy #1)
RomanceMore Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then, Bari came who always calls her by her real name. Crisostomo Ibarra "Bari" delos Santos is a twenty...